Buong akala ko is nag jo-joke lang siya or gino-good time niya lang ako. Pero 'yon pala ang buong akala ko na iyon ay isang malaking maling akala dahil tangina hindi pala siya nag jo-joke.
So it means, I just kissed a fucking senior citizen.
Akala ko nag jo-joke lang siya kasi kung 60 na siya bakit ang batang-bata pa rin ng itsura niya? Tapos isama mo na rin ang katotohanan na ang hot-hot niya pa? 'Di ba? Sino ang mag-aakalang matanda na pala siya kung ang bata pa naman ng itsura niya?
Pero sabi nga nila expect the unexpected. Kaya i-expect mo na lang talaga ang mga unexpected thing.
Noong una'y hindi talaga ako makapaniwala—ayaw kung maniwala. Kasi nga ang bata niya pang tignan tas gano'n na pala ang edad niya. But when I remember na hindi nga pala siya tao at mukhang likas na sa kanila na magkaroon ng ganitong mukha kahit matanda na'y napaniwala na lang ako ng wala sa oras.
And when I asked him kung ganoon ba talaga ang nature nila—na kahit matanda na ay may bata pa ring mukha—ay doon ko nakumpirma na tama ako sa hinala ko. Na nature nga talaga ang magkaroon ng batang mukha kahit matanda na.
So obviously, I really freaking kissed a senior citizen.
Oo, I literally kissed a matanda at ewan ko ba kung ano, pero kahit ni isang katiting na pandidiri ay wala akong naramdaman ng mapagtanto kung matanda na pala itong nahalikan at hindi bata.
Nagulat lang ako kaya naging ganoon ang reaksiyon ko pero hindi ako nagulat.
Siguro fetish ko ang matatanda kaya ganoon.
Kinumpira niya sa akin na 60 years old na nga siya and a side roon ay may sinabi pa siyang nagpa gimbal sa kalooban ko.
At iyon ay ang it's been 32 years since his wife died and up until now ay never pa siyang nag asawa ulit or jomowa ulit after namatay 'yong wife niya. And when I asked him why, ay doon ko nalaman na hinihintay niya ang muling pagdating ng asawa niya.
And yes he believed that reincarnation is true and umaasa siya na isang araw ay dadating muli ang asawa niya sa ibang katauhan at iyon ang hinihintay niya kaya hindi pa siya umasawa o humanap ng jowa after mamatay no'ng asawa niya.
So does it also means na almost tatlong dekada na rin pala siyang tigang? I mean, walang kantot?
Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa reincarnation. Hindi ko kasi siya tinigilan hangga't hindi ko nalalaman ang rason niya kung bakit naniniwala siya sa reincarnation.
At 'yon nga doon ko nga nalaman ang mga dahilan niya at ilan sa mga dahilan niya ay nabasa niya raw ito sa libro. At sabi rin daw ng mga nasa taas, he means is 'yong mga matatandang pambira na may mataas na ranggo na posible raw ito. Lalo na kapag 'yong namatay is asawa ng pambira. And according rin daw sa mga research niya'y may ilang cases na daw ang nangyari na nagpapatunay na totoo ang reincarnation.
Isa sa mga cases na iyon ay ang nangyari sa isang bata na palaging nanaginip ng kung ano-anong bagay na mula sa past life nito. And yes dreams—'yong mga dreams mo na parang nangyari na sa totoong buhay kahit hindi naman talaga is one of the best symbol na baka na reincarnate ka nga talaga.
Baka raw kasi ang pananiginip mo na iyon ay nangyari na nga pero sa past life mo.
And honestly, kahit marami man siyang dahilan kung bakit naniniwala siya sa reincarnation ay may kung ano pa rin sa akin ang hindi naniniwala sa reincarnation.
E kasi naman diba, baka nagkataon lang ang lahat ng iyon, diba? Baka coincidence lang na napanaginipan mo ang bagay na iyon o kung ano pa man diyan.
Aside do'n marami pa kaming napag-usapan tungkol sa reincarnation at mas marami pa sana kaming mapag-uusapan, for sure kung hindi na lang bigla umilaw ang relong suot-suot niya.
Yes, umilaw ang relo na suot-suot niya and when I asked him what does it mean ay dali-dali itong umahon mula sa pagkakalubog sa tubig. At dahil roon ay dali-dali rin akong napaahon.
Nang makita kung nagmamadali nitong sinuot ang hinubad nitong t-shirt na tila bay natataranta ito'y dali-dali rin tuloy akong napasuot sa mga damit na hinubad ko.
"What is happening?" Naalala ko pang tanong ko rito sa kalagitnaan ng pagbibihis namin.
"Damon is in danger," sagot naman nito sa tanong ko. Ang pag-aalala sa boses nito'y klarong-klaro. At kahit hindi ko kilala si Damon na tinutukoy niya'y nataranta rin tuloy ako ng wala sa oras. Tangina lang.
Nataranta ako ng mapagtanto ko na nasa panganib 'yong Damon na kakilala niya.
After magbihis ay agad ako nitong binuhat bago ginamit ang ability niyang sobrang bilis niyang tumakbo.
Ayaw ko sanang gamitin niya ang ability niya na iyon dahil paniguradong masusuka na naman ako. Pero ng maalala ko na nagmamadali pala siya dahil may buhay na nanganganib ay nanahimik na lamang ako bago kumapit sa kanya ng mahigpit at ipinikit ko na lang rin ang mga mata ko.
Nang marating ang bahay ay agad ako nitong inilapag. "Close the door and the windows, Quincy. At kung may kumatok man ay huwag na huwag mong pagbubuksan ito pwera na lang kung ako ito at saka isa pa, huwag na huwag kang lalabas," ang pabilin nito ng mailapag na ko.
Magsasalita na sana ako tungkol do'n sa sinabi niya ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng bigla na lang itong mawala sa harapan ko.
Kaya ang ending naiwan akong mag-isa habang nagsusuka.
Tangina! Tangina talaga, mukhang mauubos na naman ang laman ng tiyan ko kakasuka!
Nang matapos na ako sa pagsusuka ko'y saka pa lang ako pumasok sa bahay. At gaya ng sinabi niya'y sinunod ko ang utos niya. I locked the doors and the window at hindi na rin ako nagtangkang lumabas pa.
Dahil mabait at masunurin akong bata, sinunod ko ang utos niyang hindi na lumabas pa kaya ang ending buong maghapon akong nanatili sa loob ng bahay. At dahil wala akong ibang magawa ay nagluto na lang ako ng makakain. Pakiramdam ko kasi'y naubos ang lahat ng kinain ko dulot ng pagsusuka ko at isa pa nakaramdam rin ako ng gutom.
Mga ala tres na ng hapon ng ako'y matapos sa ginagawa kung pagluluto at pagkain. At dahil wala na akong ibang magagawa pa'y ipinagpatuloy ko ang naudlot kung pagbabasa do'n sa novel na may pamagat na Dear Jhon.
And honestly, ang ganda ng book na iyon. Samo't-saring emosyon ang naramdaman ko habang binabasa iyon. Sa sobrang ganda nga ng libro na iyon ay hindi ko namalayan na gabi na pala. Namalayan ko lang ito ng mahagip ng paningin ko ang madilim na labas gamit ang bintana.
Nang makitang madilim nay napagpasyahan kong umakyat muna sa itaas upang maligo. At doon ko lang napagtanto na hindi ko pala nagawang magbanlaw after kung maligo kanina sa falls. Shit lang! Nakalimutan ko pala!
Nang makapasok sa kwarto'y tinungo ko agad ang daan papuntang sa cr. Pagkapasok ay naligo agad ako.
After no'n ay nagbihis na ako at saka bumaba sa ibaba upang makapagluto na ng makakain ko.
Isang simpleng adobong sitaw lang ang niluto ko. Hindi rin ako nagluto ng marami dahil nga ako lang naman ang kakain.
After maluto no'ng niluluto kong adobong sitaw ay kumain na ko. Kapagkuwan, ay hinugasan ko ang mga pinagkainan ko after kung kumain.
Matapos niyon ay bumalik ako sa sala at doon ko hinintay ang pagdating niya. Umaasang, sana'y dumating na siya dahil gabi na at baka kung ano pa ang mangyari sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampireHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...