Sa dalampasigan ako dinala ng mga paa ko matapos kung lisanin ang lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa but still, I am thankful dahil sa panahon na ito ang lugar na ito ang kailangan ko.
Ang tahimik at mahangin na lugar na kagaya nito ang kailangan ko upang makapag-isip isip ako. Hindi ganoon kadilim ang lugar na kung nasaan ako ngayon at dahil iyon sa sinag ng buwan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa puso't-isip ko ang sakit na natamo dahil sa pag-ibig na walang kasiguraduhan.
He told me that he love me but look, he is hurting me, so bad.
'Yong mga mata niya. 'Yong mga paraan ng pagtitig niya no'ng hiniling ko sa kan'ya na huwag akong ibigay sa lalaki ay hindi ko ito makalimutan. At sa bawat pag-alala ko rito'y para akong pinapatay sa sakit.
Isama mo na rin 'yong sinabi niyang, "Go get her, I don't care."
Tangina! Para na akong nililibing ng buhay. Nililibing ng buhay dahil paunti-unti akong pinapatay ng sakit. Para ako nitong sinu-suffocate.
H-e don't give a care about me? H-e don't give a fuck about me?
Tangina, ansakit! Ansakit-sakit. Para akong pinapatay sa sakit.
Wala sa sariling akoy napaupo sa buhangin ng hindi ko na kayanin pa ang sakit na nararamdaman ko at napahagulhol na rin ako.
Lumuluha akong napaupo sa dalampasigan bago napatingala sa kawalan.
Oh god, what did I do to deserve this kind of pain?
Napahikbi ako bago marahas na pinunasan ang luha na nasa mga pisnge.
I don't like this kind of mind! I don't freaking like this kind of pain! Oh god, please help me, take this pain away.
Tangina. Hindi ko inaakalang dadating ang araw na luluha ako dahil sa pag-ibig at ang mas masama pa roon sa unang pag-ibig ko pa talaga.
Yes, he is my first love and yet he is also my first heartache.
Mula bata pa ako never akong pumasok sa isang relasyon. Hindi naman sa pangit ako at walang nagkakagusto sa akin kaya never akong nagkajowa. It was just, takot ako. Takot kasi ako na masaktan. Takot ako na maranasan ang sakit na naranasan ng mga kaibigan ko dahil sa letseng pag-ibag na iyan.
Kitang-kita ko kasi kung paano sila lumuha ng lumuha at nakita ko rin kung paano gumuho ang mundo nila dahil sa letseng pag-ibig na iyan. Nakita ko rin 'yong isang kaibigan ko kung paano siya magmakaawa sa harapan ng lalaking mahal niya dahil sa letseng pag-ibig na iyan.
Ang mga nakita ko na iyon ay ang dahilan kung bakit hindi ko sinubukang pumasok sa isang relasyon. And yes, duwag ako.
Tangina naman kasi e. Tangina mo naman kasi self, bakit ka nahulog agad sa simpleng pa gano'n niya lang? Nilutuan ka lang, dinala sa mga magagandang lugar ay nahulog ka na agad? Ang babaw mo naman self!
Pero yeah, hindi ko naman masisisi ang sarili ko e kung bakit, dahil ang lahat ng iyon ay first time ko. First time kung makaranas mag bonfire, maligo sa falls at pumunta sa fiesta.
At dahil nga first time ko, na ignorante ako. Na ignorante ako dahil ang lahat ng iyon ay bago sa akin. At dahil siya unang nagparanas sa akin sa lahat ng first time ko, wala e, nahulog ako. Nahulog ako sa kan'ya.
And yes, my love language I guess is act of service and physical touch. Isama mo na rin 'yong attachment issue ko.
Tangina lang.
Napasinghot ako bago wala sa sariling napatingin sa mahinahon na karagatan.
Mabuti pa 'yong dagat mahinahon, na para bang wala itong problema. Samantalang ako, heto, luhaan dahil sa letseng pag-ibig na iyan.
Sometimes, napapaisip na lang ako kung ano ang pakiramdam ng maging isang dagat e o hindi kaya maging isda, siguro masaya dahil wala kang ibang gagawin kundi ang maglangoy-langoy at magpaanod sa agos ng tubig.
"Hey."
Mula sa pagtitingin sa kawalan ay wala sa sariling napapitlag ako sa kinauupuan ko ng may marinig akong tumawag sa akin mula sa likod ko.
Paglingon ko'y doon ko nakita ang pagmumukha niya. At hindi ko inaakalang kasabay ng pagkakita ko sa pagmumukha niya na iyon ay ang muli rin paglukob ng sakit sa puso ko.
He looks so fine while I look wasted.
Mapait akong napangiti dahil sa naisip. Kapagkuwan ay agad kong iniwas ang paningin ko mula sa gawi niya.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa gawi ko dahil sa mga yapak niya.
"Are you okay?" Rinig kung tanong niya ng makalapit na siya sa gawi ko.
Kung kanina'y ilang hakbang ang layo namin mula sa isa't-isa sa pagkakataon na ito'y ilang pulgada na lamang.
"Do you love her?"
Imbes na sagutin ang tanong niyang iyon ay wala sa sariling naibulas ko ang mga kataga na iyon. Kaya ang ending, imbes na sagutin ang tanong niya ay binato ko rin siya ng tanong at huli na... Huli na upang mabawi ko ang katanongan ko na iyon dahil paniguaradong narinig niya iyon.
I don't know the real reason why bigla ko na lang nasabi ang mga kataga na iyon but I guess kaya ko nasabi ang mga kataga na iyon dahil kanina pa ginugulo ng katanongan na iyon ang puso't-isip ko.
"Who?" balik niya namang tanong sa akin bago umupo sa tabi ko.
Napangiti ako ng mapait bago lumingon sa gawi niya, "That girl. 'Yong babaeng sinabi ni Rancho na mahal mo."
After saying those words muli kung inalis ang tingin ko sa gawi niya.
Akala ko'y sasagutin na niya ang tanong ko pero akala ko lang pala iyon. Dahil imbes na sagutin ito'y tinanong rin ako nito.
"Are you jealous?" he asked which made me freeze.
H-ow? How did he know na nagseselos ako? Ganoon na ba talaga ako kasiyadong halata para masabi niya iyon? Kung ganoon, there's no room for denying na pala sa tunay na nararamdaman ko.
"Diba obvious?"
Sa kaisipang wala ng lugar ang pag de-deny ko sa nararamdaman ko para sa kanya ay sinagot ko ang tanong niya na iyon. Sinagot ko ang tanong niyang iyon gamit ang tanong na nagpapahihiwatig ng pag-amin ko sa nararamdaman ko sa kanya.
"Okay, I'm sorry, " he sighed before continuing, "But why are you jealous?
Sa naging tanong niyang iyon ay nagpantig ang dahilan ko. Lumukob rin ang kung anong galit sa puso ko.
Nagpantig ito dahil sa kadahilanang, tangina ba siya, dapat pa bang tinatanong iyon, e simulat sapul pa lang naman e halatang-halata na kung bakit ako nagseselos.
Out of anger, hinarap ko ang gawi niya bago siya binigyan ng isang sampal. And because of that, wala sa oras na napalingon siya sa gilid niya.
Kitang-kita mismo ng dalawang mata ko kung paano nag-igting ang panga niya dahil sa ginawa niyang iyon. Marahan niya ring hinaplos ang namumula niyang pisnge bago nilingon ang gawi ko.
"What's that for?" igting ang panga na tanong nito. Nakaigting ang panga niya pero hindi naman siya mukhang galit.
"Para 'yan sa pagiging bobo at manhid mo," galit kong sagot sa tanong niya, "Like what the fuck hindi pa ba obvious na mahal kita kaya ako nagseselos, ha?" di mapigilang dag-dag ko pang ani out of frustration.
Napamaang siya sa naging sagot ko. Kapagkuwan, ay sumibol ang matamis na ngiti sa labi niya, "Mahal mo 'ko?" di makapaniwalang tanong nito dahilan kung bakit ako napairap.
Ay ang tangina, paulit-ulit? Oo ngang mahal ko siya e. Taena lang.
"Bingi ka ba?" nakaisa kung tanong rito, obviously naiirita na ako. "Ignang oo, mahal kitang gago ka kahit may mahal kang ib—"
Hindi ko na natapos pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng manlaki na lang mga mata ko dulot ng pagdapo ng labi niya sa labi ko.
Isang mabilisan na paghalik lamang ang ginawa niya sa labi ko.
"Mahal rin kita," ang aniya matapos magbitaw ang mga labi namin. "Mahal rin kita Quincy kaya huwag ka ng magselos diyan."
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampirHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...