Kabanata 13

604 18 0
                                    

Hindi ko alam kung ano iyong pagbawi na tinutukoy niya. At hindi ko rin alam kung bakit need niya pang bumawi e hindi niya naman kailangan pang gawin ang bagay na iyon dahil hindi niya naman obligasyon ang paglutuan ako.

I mean, hindi niya naman tungkulin na paglutuan ako. At saka isa pa, ayos lang sana kung kakain rin siya sa niluto niya. Pero hindi e, ako lang rin ang nag-isang kakain which is really unfair sa part niya, 'di ba? So he really don't na bumawi pa..

Matapos ang tagpong iyon ay hindi ko na nakita pa si bampira. At ewan ko ba kung nasaan ito nagpunta o kung nasaan na ito ngayon. Matapos ang tagpong iyon ay ipinagpatuloy ko ang naudlot kong pag-aayos sa mga tulips na pinitas ko at ng maayos ko na ang mga ito'y inilagay ko na ito sa vase na lalagyanan nito.

At wala sa sariling ako'y napangiti ng matamis ng makita ko ang ganda nito. Nang makita ko ang ganda ng pagkaka-arange ko sa mga tulips. Shit! Ang ganda! Ang ganda ng gawa ko!

Matapos kung paulit-ulit na komplemantahin ang gawa ko'y napagpasyahan kong umupo sa sofa na naririto sa sala. At mula sa sofa ay tinitigan ko na naman ang bulaklak.

Tangina, ang ganda talaga ng mga tulips! Sa sobrang ganda nito'y hindi talaga ako magsasawang titigan ang mga 'to.

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko rito'y wala sa sariling napapitlag ako mula sa pagkakaupo ko ng bigla na lang may dumating sa harapan ko. Dahilan, kung bakit ako kinain ng kaba.

At bago pa man ako makapagreact dahil sa gulat ay hindi ko na ito nagawa pa dahil agad-agad na akong hinigit ng taong bigla na lang dumating sa harapan ko. Hinigit ako nito patayo sabay sabi sa mga katagang, "Lets go."

Matapos sabihin ang mga kataga na iyon ay magsisimula na sana itong maglakad. Ngunit hindi na nito naipagpatuloy pa iyon ng pigilan ko ito.

"Teka lang, teka lang," pagpipigil ko rito na siyang nagpatigil naman nito.

Nakakunot ang noo nitong lumingon sa gawi ko.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko rito.

"Sa bawi ko sa'yo," sagot nito sa tanong ko.

Aba'y ang gago mukhang pursigido talaga siya na bumawi sa akin.

"Saan nga?" ulit ko pang tanong rito. Kasi 'yong sagot niya is hindi naman related sa tanong ko e.

At imbes na sagutin ang tanong ko kung saan kami pupunta ay ang famous line niya na naman ang sinagot niya sa tanong ko, "Just watch and see," nakangising ani nito bago ako muling kinaladkad.

At dahil mabait talaga akong bata at masunurin na rin, ay sinunod ko na lang ang sinabi niya. Nanahimik na lamang ako bago nagpaladkad sa kan'ya.

Pero ang pananahimik ko na iyon ay agad ring nabasag ng may maisip akong tanong na siyang nagpa kuryuso talaga sa akin, "Kapag ba may dala-dala kayong tao ay nakakatakbo pa rin kayo ng mabilis?" tanong ko rito ng bigla na lang sumagi sa nanahimik kung isip ang kaisipan na iyon.

Napalingon ang kumag sa gawi ko, "Yeah," sagot nito sa tanong ko bago muling itinuon ang tingin sa daan.

"'Yon naman pala e, edi gamitin mo na 'yong ability mo dahil mukhang malayo-layo pa 'tong lalakaran na rin at baka matagalan pa tayo," utos ko rito ng marinig ko ang sagot nito at ng mapagtanto ko na mukhang malayo-layo pa 'yong pupuntahan namin.

Napatigil naman ito sa ginagawa nitong pagkakaladkad sa akin kaya napatigil rin ako. Napatigil ito gawa siguro ng ma realize nito na tama ako sa sinabi ko.

"Aba'y oo nga 'no?" kapagkuwan ay ani nito. And guess what, tama na naman ako sa mga sinabi ko. Tama ako na medyo malayo-layo pa ang pupuntahan namin.

"Pero sure ka ba?" He asked and I nodded,

"Walang bawian ah?

"Oo nga ang kulit kulit ni—ahh!"

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng mapatili nalang ako ng maeamdaman ko ang pagbuhat niya sa akin ng walang pasabi.

"A-nong ginagawa m—ahhhh!"

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko na naman natapos pa ang balak ko pa sanang sasabihin ng mapasigaw na naman ako. But this time, hindi na dahil sa binuhat niya ako ang dahilan kung bakit ako napasigaw. But this time dahil na iyon sa biglaang pagtakbo niya ng mabilis.

Sa sobrang bilis nito'y hindi ko na maklaro pa ang daan dahil parang puti na lang ito sa paningin ko. Kaya naman napapikit na lamang ako bago mahigpit na napakapit sa batok niya dahil sa kaisipang baka mahulog ako mula sa pagkakahawak niya sa sobrang bilis namin.

Oo, sobrang bilis namin. Sa sobrang bilis nga'y segundo lamang ang lumipas ay narating na naman ang lugar na siyanh destinasyon namin. At sa sobrang bilis nito'y nakaramdaman ako ng pagkahilo.

Pagkalapag na pagkalapag niya pa lang sa akin sa lupa ay agaran akong napakapit ng mahigpit sa balikat niya ng makaramdam ako ng pagkahilo. Kumapit ako ng mahigpit sa balikat niya upang roon kumuha ng suporta.

Kahit nakapikit ako dahil sa sobrang pagkahilo na nararamdaman ko'y naramdaman ko pa rin kung paano nataranta ang gagong pambira to ng makita nito ang reaksiyon nito.

Naramdaman ko ang paglapat ng palad nito sa likod ko sabay sabi sa mga katagang, "Ayos  ka lang?" tanong nito sa akin, ang pag-aalalala ay mahihimigan sa boses nito.

Gusto ko sanang sagutin ang tanong niya iyon gamit ang mga pabalang na salita ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng maramdaman ko kung paano kumulo ang tiyan ko na tila bay hinalo-halo ito, kasabay niyon ay ang pagsuka ko.

"Shit!" rinig kung pagmumura no'ng gagong pambira ng makita ako nito kung paano sumuka sa gilid nito. I mean sa may paanan nito, oo paanan talaga dahil hindi ko na naisip pang lumayo mula sa gawi niya no'ng maramdaman ko na na nasusuka ako.

At saka isa pa, deserve niya naman siguro na masukahan because after all, kasalanan niya rin naman 'to.

Akala ko'y nagalit siya dahil sa ginawa kong pagsuka sa paanan niya at akala ko rin na iyon ang dahilan kung bakit siya napamura ng wala sa oras.

Pero mukhang akala ko lang pala iyon dahil imbes na galit ay ang pag-aalala pa tuloy ang nahimigan ko sa boses nito ng sabihin nito ang mga sumunod na katagang sinabi nito.

"Are you okay?" nag-alala nitong tanong habang hinahaplos ang likod ko. Ang pag-aalala ay mahihinigan mo sa boses nito at tila balewala rin lang para dito ang sinuka kung nasa paanan niya.

Sa ikalawang pagkakataon ay gusto ko sanang sagutin ang tanong niya na iyon gamit ang pabalang ngunit hindi ko ito naipagpatuloy pa ng sa ikalawang sa pagkakataon ay napasuka na naman ako.

"Shit! I'm sorry," natatarantang ani nito bago hinaplos ng mabilis ang likod ko.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon