Kabanata 17

495 14 0
                                    

Sa kaisipang baka mamaya ay nandito na siya'y naghintay talaga ako sa kan'ya sa sala. Naghintay ako kahit na'y walang kasiguraduhan kung dadating ba siya ngayon or ano.

I waited for him. I waited for almost 6 hours. At ng makita ko ang pagsapit ng oras sa alas 3 ng umaga ay doon ko napagpasyahan na matulog na dahil hindi ko na kaya pa ang antok na nararamdaman ko.

Actually, kanina pa talaga ako inaantok pero dahil nga sa kaisipang baka mamaya ay nandito na siya'y pinigilan ko ang antok ko. Nilaban ko ito sa abot ng aking makakaya para lang hindi ako makatulog pero ng sumapit ang alas 3 ng umaga at wala pa rin siya ay napagpasyahan kung matulog na lang.

At roon nga'y tuluyan na akong nilamon ng dilim.

No one told me to wait for him. He didn't tell me to wait for him, either. Pero ewan ko ba kung ano, but there's something who keeps telling me to wait for him. It's like an urge.

Kaya naman I waited for him because of my own free will. And hindi ko siya masisisi sa paghintay ko sa wala because again, I waited for him because of my own free will.

Kinabukasa'y tanghali na ng ako'y magising dahil sa kung anong oras na rin no'ng akoy makatulog kagabi.

Kaya naman pagkagising na pagkagising ko pa lang ay agad na akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa sofa dahil sa pag-aakalang baka umuwi siya habang natutulog ako.

Pumunta ako sa itaas at saka pinuntahan ang kwarto niya upang kumpirmahin ang hinala kung dumating na siya.

Katapat lamang ng kwarto ko ang kwarto niya kaya naman minuto lamang ang lumipas simula ng tumayo ako'y naabot ko agad ang kwarto niya.

I opened the door of his room. Pumasok rin ako after ko itong mabuksan.

This is my first time na makapasok sa kwarto niya kaya naman hindi ko maiwasan ang huwag mamangha ng makita ko ang ganda nito na may pagka modern.

Actually, wala namang gaanong pinagkaiba ang kwarto ko sa kwarto niya. Actually, mukhang ang kulay nga lang ng mga kwarto namin ang nag-iiba. Sa akin kasi is pure black, sa kan'ya naman ay black na hinalu-an ng puti.

At kung inaakala niyo na sa kabaong siya natutulog kagaya no'ng nasa mga vampire movies, diyan kayo nagkakamali. Dahil imbes na kabaong, isang malawak at malambot na kama ang naririto. Pero 'yon nga lang, kulay black ito.

But that's not the issue here, ang issue ay kung dumating na ba siya. Pero sa kasawiang palad ay hindi pa at ni isang bakas na nagsasabing dumating na siya ay wala akong nakita.

May kung anong lumukob na lungkot sa puso ko dahil sa natagpuan. Pero dahil sa pag-aakalang baka nasa banyo siya ngayon at naliligo, ang lungkot na kani-kanina lang ay naramdaman ko'y napalitan ito ng pag-asa. Pag-asa na baka andito siya.

At dahil sa kaisipan ko na iyon ay tinungo ko ang daan papunta sa banyo na naririto. Nang makarating ay agad ko itong binuksan, hindi inaalinta ang posibilidad na baka ando'n siya sa loob at naliligo.

Sa ikalawang pagkakataon, ang pag-asa na nararamdaman ko'y napalitan na naman ng lungkot ng makita kong walang tao ang naririto cr.

Nanlulumo kkng isinara ang pintuan ng banyo. Kapagkuwan, ay lumabas na rin ako ng kwarto niya at saka pumasok sa kwarto ko.

Nanhilamos lang ako at nagbihis ng isang komportableng white shirt. After no'n ay bumaba na ako upang magkapagluto na ako ng makakain ko.

Nang makitang hindi ko pa naman pala nauubos ang kanin na niluto ko kagabi'y napagpasyahan ko na lang na i fried rice ito.

At 'yon nga ang ginawa ko, fri-nied rice ko ito. And after no'ng maluto ay kumain na ako at kagaya no'ng kagabi, after kung kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Dahil, obviously wala siya rito para lutuan at hugasan ako. Tangina, nakaka miss ang templa ng luto niya.

After kung maghugas ay bumalik ako sa sala. At dahil wala na naman akong magagawa na'y naghanap ako ng pwede kung paglibangan—or pampalipas oras.

At doon ko nga nakita ang isang kulay itim na libro na ang weird ng book cover. Nakalagay ito sa ilalim no'ng mesa na gawa sa salamin.

Kahit na we-weirdan ako sa book cover ng libro ay kinuha ko pa rin ito bago sinimulang basahin.

"Vampires Life," ang basa ko sa pamagat ng libro.

"All of the things that are written here are all about Vampires. Read at your own risk," basa ko pa sa unang pahina.

Sa nabasa'y napatango ako. So, this book is all about Vampires? Hmmm, interesting.

Sa nabasa'y kinain ng kuryusidad ang buong kalamnan ko kaya naman agad ko ng sinimulang basahin ito.

Kagaya no'ng nabasa ko kanina. Lahat nga ng nakasulat sa libro na ito ay tungkol sa mga pambira at dahil roon marami akong nabasa at nalaman tungkol sa kanila.

Kabilang na doon ang facts and frauds about the Vampires. At 'yong mga sinabi ni Red tungkol sa kanila, sa tuwing tinatanong ko ito  ay totoo. At 'yong mga kaalaman ko naman tungkol sa mga Vampires na nakukuha ko sa pagbabasa ng novels at movie ay mali.

Napakamot tuloy ako sa batok ko dahil roon bago napasabing, "Nagkalat na talaga ngayon ang fake news."

Nabasa ko rin doon kung kailan nagsimula ang lahi ng mga pambira at kung saan ito nagsimula. And obviously, the rumors about vampire occurrence started way back 18th-century in  southeastern Europe.

And according also sa nabasa ko'y malayang namumuhay ang mga pambira kasama ang mga tao noon. Dahil ang iniinom lang nila noon na dugo ay dugo ng mga hayop.

But it was changed when a vampire bite a human. According sa nabasa ko, wala talagang balak na kagatin no'ng pambira 'yong tao pero dahil inatake ito ng karaniwang sakit ng mga bampira na kung tawagin nila ay bloodlust ay doon ito hindi sinasadyang nakakagat ng mga tao and obviously that certain human na kinain niya ay naging kagaya niya. Ang Bloodlust ay isang sakit ng mga pambira na kung saa'y matindi ang pagka uhaw sa dugo ang kanikang mararamdaman. Ma tila ba'y ilang buwan silang hindi nakainom.

At doon nga nagsimula ang lahat. Ang lahat ng kaguluhan. Magmula kasi ng matikman no'ng pambira na iyon ang dugo ng tao ay hinanap-hanap ito ng katawan niya hanggang sa naging addict siya rito. It is like drug na nakaka addict.

At dahil doon marami siyang nabiktima na tao. At ng malaman ng ibang pambira na masarap ang dugo ng mga tao kesa sa dugo ng hayop ay doon na nga nagbago ang pananaw nila sa buhay. Instead of drinking animals blood, they drink humans blood.

And doon na nagsimula ang war between vampires humans.

Nabasa ko rin sa libro na iyon na totoo pala ang mga taong lobo o ang mga tao na may kakayahang mag anyong lobo.

Sa nabasa ko na iyon ay legit na nabigla talaga ako. Akala ko kasi e na 'yong mga taong lobo is just another mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda para may panakot sila sa mga bata. Pero 'yon pala, totoo pala ang lahat ng iyon.

Marami akong natutunan tungkol sa mga pambira and thanks to that book.

Hindi gano'n kakapal ang libro na iyon kaya naman mga alas 4 pa ng hapon ng matapos ko itong basahin. And up until now ay wala pa rin siya na nagpapakita—dumating.

At dahil wala na na rin naman akong gagawin ay doon ko napagpasyahang basahin 'yong isa pang libro na nakita ko sa ilalim no'ng mesa na gawa sa sa salamin.

Kung kanina ay tungkol sa mga pambira ang nabasa ko. Ngayon naman ay tungkol ito sa reincarnation.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon