Kabanata 12

1.3K 27 0
                                        

Ilang minuto pa kaming nanatili sa ganoong posisyon. Hinayaan ko lang ang lalaking bampira na ito na magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan na umiyak sa balikat ko.

Honestly hindi ko alam kung ano ang nag udyok sa akin na yakapin siya at hayaang umiyak sa mga balikat ko. Pero isa lamang ang alam ko at iyon ay ang he really need comfort and thats the reason why I hug him.

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam niya—ng tumigil na siya sa ginagawang pag-iyak niya ay bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin and after that ay napagpasyahan na naming pumasok sa loob upang matulog.

At dahil medyo inaantok na rin ako ay pumayag ako sa mungkahi niya na iyon na matutulog na kami. And here I am right now, in my bed, doing the best as I can para lang makatulog at sa awa ng diyos 'di kalauna'y nakatulog rin naman ako.

Kinabukasa'y nagising ako na payapa ang nararamdaman. Payapa, sa pagkat hindi ako nanaginip ng kung ano-ano, hindi kagay no'ng nauna na nanaginip ako na kinakasal ako.

Para lang timang!

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko, inayos ko muna ang kinahihigaan ko bago ko napagpasyahan na pumunta muna sa cr upang maligo.

Hinubad ko ang lahat ng damit na nasa katawan ko. Wala akong itinira kahit isa dahil ako lang naman ang nag-iisa rito sa kwarto ko at saka isa pa, imposible naman atang papasok ang kumag na iyon sa kwarto ko at dito sa cr.

At saka isa pa, baka nga tulog pa ang pambirang 'yon hanggang ngayon e dahil nga matagal itong natulog kagabi. Probably napuyat ito.

Nang matapos na ako sa pagliligo koy lumabas na ako sa cr ng nakahubad. Kinuha ko 'yong roba sa may closet. Isinuot ko ito bago ko muna binuksan ang closet.

As I opened the closet ay agad akong humanap ng suot na masusuot. At dahil nga marami naman ro'ng mga damit na naka hanger do'n at ang gaganda pa ng mga ito ay hindi ako nahirapan sa pagpili ng maisusuot sa araw na ito.

Nang makahanap na'y muli kong hinubad ang roba at saka isinuot ang damit na nahanap ko. Pagkatapos, ay bumaba na ako upang magluto na.

Ang plano ko kasi ay ang magluto para sa sarili ko, nakakahiya naman kasi kung siya pa ang paglulutuin ko kagaya no'ng kahapon e ako lang rin naman ang kakain.

Honestly, gusto ko rin sana siyang lutuan. Pero ng maalala ko na hindi nga pala siya kumakain ay napabuntong hininga na lang ako.

Ang hinala ko na mukhang tulog pa ang pambirang iyon dahil napuyat ito ay mukhang tama. Dahil wala akong nadatnan na siya sa kusina pagkapasok ko. Ini-expect ko pa naman na sana madadatnan ko siyang nagluluto kagaya no'ng kahapon.

Pero mukhang puyat nga ang isang 'yon. At mas lalo pang lumakas ang kutob ko na tama ako sa hinalang tulog pa ang isang 'yon ng hanggang matapos na ako sa pagluto ay wala pa rin siya na dumating.

Kaya napilitan akong kumain mag-isa. Alangan naman kasing hintayin ko siya kung 'yong tiyan ko ay hindi na makapaghintay, 'di ba?

Nang matapos na 'ko sa pagkain ko'y hinugasan ko ang ginamit ko sa pagluluto ko at ang mga pinagkainan ko. After no'n, ay lumabas ako ng bahay dala-dala ang isang gunting. Balak ko kasing mamitas ng tulips para may pamalit ako sa tulips na ando'n sa vase.. Malapit na kasi itong malaos e.

Kagabi, nasabi ko na kay bampira—na magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan dahil sa tuwing nag-uusap kami ay nakakalimutan kong itanong sa kan'ya ang pangalan niya—ang balak kong pamimitas ngayon, kaya naman kampante ako ngayon na hindi niya ako mapapagalitan if ever man na malaman niyanh naminitas ako.

Malawak ang taniman niya ng tulips mga nasa ilang sqm rin ata ito kaya naman marami talaga ang tulips na may bulaklak sa araw na ito.

At dahil nga marami ay mukhang hindi ako mahihirapan sa pagpili ng pipitasin.

Dala-dala ang gunting ay lumapit na ako sa gawi ng mga tulips. Kapagkuwan, ay sinimulan ko na ang pamimitas ko. Hindi gano'n kalaking vase ang paglalagyan ko nito kaya naman hindi rin gano'n karaming tulips ang kinuha ko.

Mga sakto lang ang kinuha ko. Sakto lang para mapuno 'yong vase.

Nang makitang okay na ang tulips na napitas ko'y tumigil na ako sa pamimitas ko. Kapagkuwan, ay bumalik na ako sa loob ng bahay dala-dala ang mga bulaklak na pinitas ko.

"Where have you been?"

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng bahay ay ang mga kataga na na iyon ay ang bumungad sa akin, dahilan, kung bakit ako nagulantang at napatigil sa ginagawa kong paglalakad.

Napatingin ako sa gawi ng pinanggalingan ng boses na iyon at doon ko nakita ang pambirang magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan na mukhang kakagising lang.

"Do'n sa likod, namitas ng tulips," sagot ko sa tanong niya bago ipinagpatuloy ang naudlot kung paglalakad.

"Ahh, akala ko na umalis ka na," rinig kong bulong nito at dahil nga bulong ay hindi ko gaano narinig ang sinabi nito.

"Akala mo na na ano?" tanong ko sa kan'ya sabay lapag sa mga tulips na napitas ko sa mesa na gawa sa salamin.

"Shhhh nevermind," ani nito sabay kamot sa ulo nito, dahilan kung bakit gumulo ang buhok nito.

Dahil sa ginawa nito'y napakamot rin tuloy ako sa ulo ko. Tanginang 'tong lalaki 'to, may pabulong-bulong pang nalalaman, e ayaw namang sabihin sa akin kung magtatanong  na ako kung ano 'yong ibinulong niya!

"By the way, kumain ka na?" Kapagkuwan ay tanong nito na siyang nagpatango naman sa akin.

Nakita ko naman itong nakahinga ng maluwag ng makita ang sagot ko.

Ibinaba ko ang tingin ko sa mga tulips na napitas ko at saka ko na ito sinimulang i assemble sa vase.

Sa kalagitnaan ng ginagawa ko'y napatigil ako ng marinig ko siyang magsalita, "Sorry ah?" he asked , the sincerity in his voice is very visible at that time.

Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya na iyon, "Sorry saan?" taka kung tanong rito.

"Sorry kung hindi kita naipagluto. Tangina naman kasing matang 'to e, ang tagal magis—"

Hindi ko na hinayaan pang matapos nito ang balak pa sana nitong sasabihin. Hindi ko na ito hinayaan pa dahil alam kung walang katuturan rin naman iyong sasabihin niya kundi puro pagmumura at rant lang dahil matagal siyang nagising.

"—it's okay," pagpuputol ko sa balak pa sana nitong sasabihin. "It's okay because it is not your fault after all."

May kung anong liwanag ang bumukas sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Liwanag na para bang gawa ito ng saya.

"Talaga?" rinig kong tanong nito na siyang nagpatango sa akin. Habang sinasambit niya ang mga kataga na iyon ay mahihimigan sa boses niya ang saya.

"Kung ganoon, thank you ah? Don't worry babawi ako," nakangising ani nito na siyang nagpatango sa akin pero agad rin akong napatigil sa ginawa kong pagtango na iyon ng may ma realize akong mali sa sinabi niya.

"Bawi?" 

Bawi? Anong bawi ang tinutukoy ng isang 'to at para saan?

"Oo, babawi ako sa ginawa kong hindi pagluto ng almusal para sa'yo," he answered which made my jaw dropped.

Really? Babawi siya para lang do'n? Bakit? I mean, bakit siya babawi e hindi niya naman obligasyon na paglutuan ako?

Gusto ko mang itanong sa kan'ya ang mga kataga na iyon sa kanya ngunit hindi ko na ito ipinagpatuloy pa dahil inuna kong sabihin sa kan'ya ang pagtanggi ko.

"No, hindi mo na kailangan pang bumawi dahil hindi mo naman obligasyon na paglutuan ako at saka isa pa, para rin naman iyon sa akin ang ni—"

"No babawi ako and no buts," pagpuputol nito sa balak ko pa sanang sasabihin at bago pa man ako makapag react ay iniwan na ako nitong nakanganga. Dahil ang gago tinalikuran ako bago ito biglang nawala sa harapan.

And obviously, he used his vampire ability again.


His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon