Kabanata 6

939 23 3
                                    

"Woah! Ang galing!" namamangha kong ani habang nakatingin sa gawi niya at habang sinasambit ang mga kataga na iyon ay sinabayan ko pa ito ng palakpak.

Actually, kanina pa akong manghang-mangha sa kakayahan na kayang gawin niya. Kanina pa rin ako nagmumukhang tanga rito habang nakatingin sa gawi niya. Panay kasi ang sabi ko sa mga katagang 'ang galing' habang panay ang palakpak e.

Kung may nakakakita lang sa akin ngayon paniguradong inisip na nito na baliw ako o hindi kaya'y isip bata. Isip bata, sapagkat ang reaksiyon na ginagawa ko ngayon ay legit na pambata.

"Ang galing talaga!" ulit ko pang ani habang nakatingin sa gawi niya.

Ang galing niya! Ang galing galing niya! Dahil napakabilis niyang tumakbo! Dinaig niya pa nga si flash kung tutuosin e. Tipong sa isang kisap lang ng mata ay wala na siya sa harapan mo tapos ando'n na siya sa lugar na gusto niyang puntahan! Ang galing talaga! Ang galing-galing talaga dahil sa isang iglap lang ay narating na niya ang dulo nitong isla.

Kanina, I told him that I want to see how a vampire run and then he agreed naman after daw kumain namin. At ngayon nga'y tapos na kami sa pagkain, ay nandito na kami sa labas ng bahay—este mansion dahil ang laki pala ng bahay na iyon. Parang mansion.

Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatingin sa gawi niyang tumatakbo. Actually, hindi ko talaga siya makita, dahil hindi mahabol-habol ng mata ko ang ginagawa niyang pagtakbo. Ang bilis kasi e!

"So, how was it?"

Napapitlag ako sa pagkakaupo ko dahil sa gulat ng bigla-bigla na lang may sumulpot na lalaki sa harapan ko ng hindi ko man lang namamalayan.

Napailing ito ng makita ang reaksiyon ko na siyang dahilan kung bakit ako napairap.

"Magaling," sagot ko sa kan'ya.

"Magaling lang?" kunot-noo nitong tanong na siyang dahilan kung bakit ako napatitig sa pagmumukha nito.

Anong 'magaling lang? Don't  tell me may iba pa siyang ini-expect na komento ko? Pero mukha nga.

"Ang galing galing mo! Tas ang bilis bilis mo pang tumakbo!" komento ko na siyang nagpatuwid sa kumukunot nitong noo.

See? May ini-expect nga talaga siyang komento ko.

"Nice," he added bago umupo sa upuan na katabi ng inuupuan ko.

"Wait lang, hindi ka ba natatakot na baka may nakakita saiyo kanina?" tanong ko sa kan'ya ng mapag isip-isip ko na baka may nakakita sa ginawa niya kanina. Dahil ilang beses niya rin ginawa 'yong pagpapasikat niya na iyon at imposible naman atang walang nakakita o naka pansin sa kan'ya.

"Hindi," sagot nito sa tanong ko na siyang nagpakunot sa noo ko.

Anong hindi? Don't tell me, hindi siya natatakot na baka may makakita sa kan'ya? Imposible.

Napatingin ako sa gawi niya, "Why?"

"Because I am one hundred percent sure na walang nakakita sa akin," sagot naman nito sa tanong ko habang ang tingin ay nasa harapan at wala sa akin.

"Why do you say so?" Muli kong tanong. Dahilan kung bakit napalingon ito sa gawi ko.

"Because this resort is private and I bought this myself," prenteng sagot niya na tila ba normal lang 'yon sa kan'ya. At kahit saang anggulo ay hindi mo talaga mahihimigan sa boses niya na nagmamalaki siya or hambog.

Napatango ako sa sinabi niya. Ahh kaya naman pala! Now I know!

Muli akong napatingin sa harapan matapos ang usapan na iyon. Itinuon ko ang aking atensiyon sa magandang tanawin sa aking harapan.

Napaka linaw ng tubig ng dagat, sa sobrang linaw nito'y mula dito sa kinauupuan ko'y kitang-kita ko ang corals sa ilalim nito. Sa sobrang linaw nito'y parang may kung anong nagsasabi sa akin na maligo dito, pero meron namang nagsasabi sa akin na huwag dahil sa ang init n—

Wala sa oras na napatingin ako sa gawi ng lalaking katabi ko ng may marealize ako. Realize na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko na natapos pa ang pag-iisip ko.

Tinitigan ko ang lalaking katabi ko at wala sa sariling ako'y napamangha ng hindi ko man lang iti nakitang napapaso gaya no'ng mga sa novels at movie na napapanood ko.

"What are you looking at?" tanong nito nang mapansin siguro nito na panay ang pagtitig na ginawa ko sa kan'ya.

Napaiwas naman ako ng tingin ng wala sa oras dahil sa tanong niya na iyon.

"Tinitignan ko lang if hindi ka ba napapaso or kung ano," sagot ko sa tanong niya habang hindi nakatingin sa gawi niya.

"What do you mean?" Curiosity is filled in his voice.

Napalingon ako sa gawi niya, "According kasi sa mga novels na nabasa ko at sa mga movie na napanood ko. Kapag ang vampire na expose sa araw ay napapaso or nasusunog kaya takot na takot ang mga ito sa sinag ng araw," sagot ko sa tanong niya habang nakatitig sa gawi niya. "But looks like that information is a fraud, because look at you, ni hindi ka man lang nagka sunburn," dag-dag ko pang ani.

Looks like pati ang information na iyon ay isang malaking kasinungalingan na naman because look at him right now, ni hindi man lang siya nagka sunburn. E ang puti-puti pa naman niya.

"Yes, you're right it's a fraud," pagkukumpirma nito sa hinala ko. Sa hinala ko na kung saay tama talaga ako.

"Actually, maraming mga maling impormasyon tungkol sa amin ang nagkalat at ang iba roon ay ginawa lang para magmukha kaming masama," he also added na siyang nagpa trigger sa akin.

"What do you mean by that? E, diba masama naman talaga kayo," walang tabas sa dila na sabi ko.

Umakto namang nasasaktan ang gago dahil sa sinabi ko, hinawakan pa nito ang tapat ng puso nito sabay sabi sa mga katagang, "Ouch, ang sakit mo namang magsalita Quincy, sa gwapo kung 'to, masama ako?" umaaktong nasasaktan na ani nito.

Pero honestly tama naman siya sa sinabi niya na gwapo siya pero sa masama, I am not sure. Since I was a kid, 'yon na ang turo sa atin na masama talaga ang mga pambira. And all they want to do is to kill.

Oo, mahirap mang aminin pero gwapo nga ang pambirang ito. Sobrang puti nito na dinaig pa nga niya ang lumaklak ng ilang libong gluta drip.

Matangos ang ilong nito. Makapal ang kilay nito at mapungay ang mapupula nitong mga mata. At ewan ko ba imbes na matakot dahil sa kakaibang mata niya ay mas namangha pa ako dahil tangina, ang ganda ng mga mata niya. Para tuloy'ng gusto ko rin magkaroon ng ganoon.

Define na define rin ang panga niya at ang pinaka best assest niya for me ay ang mapupula niyang mga labi na heart shape. Ito ang best assest niya for me dahil para akong inaanyayahan nito na lamutakin ito.

Above all, his beauty is ethereal.

Pero wait did he just called me Quincy? How? How did he know? How did he know my name?

Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa gawi niya. Ang gulat ay mababakas sa mukha ko, "H-ow?" nauutal na tanong ko dahil sa pagkagulat.

Kumunot ang noo nito, bumukas ang pagtataka sa gwapo nitong mukha, "Anong how?" taka nitong tanong.

"How did you know my name?" I asked na siyang nagpatigil sa kan'ya at nag pa lunok sa kan'ya ng sunod-sunod.

His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon