Sa narinig ay para akong binuhusan ng isang malamig na tubig.
Napako rin ako sa kinatatayuan ko. Kapagkuwan, ay wala sa sariling napatitig ako sa gawi niya. Isang nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kanya, umaasang sa pamamagitan niyon ay masagot niya ang mga katanongan na sa pagkakataon na ito'y gumugulo sa isipan ko.
Gusto kung itanong sa kan'ya kung ano ang ibig sabihin ng mga iyon. Ngunit wala akong lakas at saka pa mukhang sa pagkakataon na ito ay wala na naman siyang pakialam sa akin na tila bay bigla na lang akong naglaho sa mundo niya. Sa pagkakataon kasi na ito ay ang buong atensiyon niya ay nakatuon lamang do'n sa babaeng mahal niya raw.
Hindi ko alam kung sino ang babaeng iyon at kung bakit sinabi ni Rancho na mahal ito ni Red. Hindi ko alam kung sino siya. Clueless ako.
Pero base sa mga tingin na binibitawan niya para sa babaeng iyon at pag-aalala, malakas ang kutob ko na ang babaeng iyon ay asawa niya o hindi kaya'y girlfriend niya.
At dahil sa kaisipan ko na iyon ay nagsisimula na kung kwestunin ang mga sinabi niya. Kung alin doon ang totoo o hindi.
Kung totoo ba na nagsasabi siya na namatay ang asawa niya o hindi. Kung totoo ba 'yong sinabi niya no'ng magmula no'ng mamatay ang asawa niya ay never na siyang humanap pa ng ibabang babae.
Litong-lito na ako kung nagsasabi ba siya ng totoo. Dahil ang lahat ng aksiyon na pinapakita niya ngayon ay kasalungat no'ng mga sinabi niya.
Is she his wife? Is she your wife or girlfriend? Ha, Red?
Gusto kung isatinig ang mga kataga na iyon pero wala akong lakas at hindi ko alam kung saan ako dapat kumuha ng lakas.
"Inuulit ko e, Red. Ibigay mo sa akin si Quincy kapalit ng buhay nitong babaeng mahal mo."
Muli akong napatingin sa harapan ng magsalita si Rancho at roon ko ito nakitang sa pagkakataon na itoy hawak-hawak na nito ang babae. At may naka ambang patalim rin sa leeg no'ng babae.
Lumingon sa gawi ni Red upang alamin kung ano ang reaksiyon niya sa sinabi na iyon ni Rancho. Gusto kung malaman ang reaksiyon niya. Gusto ko rin malaman kung kaya niya ba akong ibigay kay Rancho kapalit no'ng babaeng mahal niya.
Nakita ko kung paano napatingin sa gawi ko si Red ng marinig nito ang sinabi ni Rancho. At doon ko nakita ang mga nangungusap nitong mata.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no'ng mga nangungusap niyang mga mata pero isa lamang ang alam ko at iyon ay ang mukhang kaya at handa niya nga akong ibigay kay Rancho para sa babaeng mahal niya.
At napatunayan kong tama ako sa hinala ko na iyon dahil sa mga sumunod na katagang binitawan niya, "Go get her, I don't care," igting ang panga na sabi niya.
Dahilan, kung bakit umawang ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko kasi ini-expect na kaya niya pala akong ibigay para sa kaligtasan ng taong mahal niya.
Nang makabawi sa pagkagulat ay may kung anong lumukob sa puso ko na siyang naging dahilan kung bakit ito parang pinino ng pinino.
Bumagsak rin ang balikat ko dahil sa mga narinig kong sinabi niya at ang panghihina na nararamdaman ay mas domoble pa dahil roon.
A-akala ko ba mahal niya 'ko? Pero bakit nagawa niya akong ipagkalulong? Bakit? Ganito ba talaga siya magmahal? Ang saya naman ata.
Kanina, after we did that 'thing' he said that he love me. At ako naman itong sa tanga naniwala agad sa sinabi niya. Ni hindi ko man lang naisip na baka nasabi niya lang 'yon dahil sa sarap na nararamdaman niya and after all, he didn't mean it.
Ang s-akit! Parang dinurog ang puso ko. Ang sakit-sakit! Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko.
Masakit, dahil mahal ko siya. Oo, kaya ako nasasaktan ngayon ay dahil mahal ko siya! And ang kaisipan na kaya niya akong ipagkalulong para sa taong mahal niya ay para akong pinapatay sa sakit.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
WampiryHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...
