Nang medyo guminhawa na ang pakiramdam ko ay saka pa lamang ako tumigil sa pagsusuka.
Tumagal rin ng ilang minuto ang pagsusuka ko na iyon at sa loob ng ilang minuto na iyon ay walang ibang ginawa ang pambirang kasama ko kundi ang haplosin ang likod ko habang sinasabi ang mga katagang, 'Shit shit, I'm sorry'. At sa loob rin ng ilang minuto na iyon ay ramdam na ramdam ko rin ang pag-aalala na nararamdaman nito para sa akin at ang pagkakataranta na nararamdaman nito.
I don't know why, why he is acting that way. Pero isa lamang ang alam ko at iyon ay ang deserve niyang mag-alala ng gan'yan at mataranta ng gan'yan dahil siya rin naman ang may gawa nito sa akin.
Nang matapos na 'ko sa pagsusuka ay parang nanghina ang buong katawan ko, dahilan kung bakit wala sa sariling napaupo ako sa bato na nasa malapit lang na gawa ko.
Nang makaupo'y ipinikit ko ang mga mata ko bago minasahe ang sintedo ko, umaasang sa pamamagitan niyon ay mawala na itong pagkahilo na nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang pag-upo ni pambira sa gilid ko, "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Kasabay niyon ay muli ko na namang naramdaman ang palad niya sa likod ko. Hinaplos niya ako.
"Do I look I am?"
Imbes na sagutin ng mahinahon ang tanong nito'y sinagot ko siya ng patanong at pabalang. Medyo naiirita kasi ako sa kan'ya e, naiirita ako kasi panay ang tanong niya kung okay lang ba ako kahit obvious namang hindi. At saka isa pa, naiirita rin ako kasi kasalanan niya kung bakit ako nagkakaganito.
But you're the one who suggested na ganohin ka niya, right?
Napapilig ako ng wala sa oras dahil sa naisip. Tangina, oo nga pala ako nga pala ang nag suggest sa kan'ya na gamitin 'yong vampire ability niya para mabilis kaming makarating sa paroroonan namin.
Sa napagtanto at naisip ay parang gusto ko tuloy'ng bawiin ang sinabi ko sa kan'ya kanina at ang pagkairita na nararamdaman ko para sa kan'ya.
"I'm sorry, gusto ko lang naman kasi talagang bumawi sa pagkukulang ko e, kaya napag-isip isipan kung dalhin ka rito sa paborito kong lugar dito sa isla, kung alam ko lang sana na ganito pala ang kalalabasan edi sana hindi na lang kita dinala rito," piyok ang boses na ani niya. Ang lumbay sa boses niya habang sinasambit ang mga kataga na iyon ay klarong-klaro. Klarong-klaro rin sa boses niya ang pagsisisi habang sinasambit ang mga kataga na iyon. Na tila ba'y sising-sisi siya na nagpumilit pa siyang dalhin ako rito at sa nagawa niya.
Sa narinig na sinabi niya'y kinain ng guilt ang buong kalamnan ko. Dahilan, kung bakit napahiling ako ng wala sa oras na bumalik sa nakaraan. Bumalik sa nakaraan nang sa gayon ay maiwasan ko ang pagsabi no'ng masakit na salitang iyon sa kan'ya.
"I'm sorry talaga Quincy, kung alam ko lang s—"
Hindi ko na pinatapos pa siya sa balak niya pang sasabihin, dahil hindi ko na talaga kaya pa ang guilt na nararamdaman ko.
"Shhh, it's okay Vamp. Hindi mo kasalanan iyon dahil from the very start ako naman talaga ang nagpumilit sa'yo na ganohin mo ako e—na gamitin mo 'yong vampire ability mo para mabilis tayong makarating rito at saka isa, hindi mo naman kasalanan na madali lang akong mahilo," bumuntong hininga ako bago ipinagpatuloy ang pagsasalita, "And honestly vamp, sobra ang pagpapasalamat ko sa'yo for doing your best na bumawi sa akin kahit hindi mo naman talaga need na gawin iyon and I am so sorry rin kung sinagot kita ng pabalang. I am so sorry, Vamp," dag-dag ko pang ani rito habang nakayuko. Ang pagsisisi sa nagawa ay klarong klaro sa boses ko.
Oo, sising-sisi ako tangina!
"Vamp? Anong Vamp?"
Sa haba ng sinabi ko'y sa kan'yay ang kataga lang talaga na iyon ang napansin niya—ang itinawag ko lang talaga sa kan'ya ang napansin niya. Hindi ko tuloy naiwasan ang huwag mapanguso.
Ini-expect ko kasi e na may sasabihin rin siyang mahaba o sa makatuwid, tutumbasan rin niya 'yong sinabi kung mahaba sa kanya.
"Vamp in short of Vampire, di ko kasi alam ang pangalan mo e," sagot ko sa tanong niya.
Kumunot naman ang noo nito dahil sa narinig. Kapagkuwan, ay parang napaisip ito bago nagsalita, "Wait—ay hindi pa pala ako nakipagkilala sa'yo?" he asked and I nodded as an aswer.
"Ay hala sorry, nawala sa utak ko e."
Hindi ko alam kung habit niya ba ang humingi ng patawad kahit hindi niya naman kasalanan. Pero parang ganoon nga.
"Ayos lang 'yon ano ka ba," ani ko rito bago ito nginitian, "Akala ko nga pangit ang pangalan mo e kaya ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan mo."
I am telling the truth. Truth na inakala ko talaga na pangit ang pangalan niya kasi ayaw niya itong sabihin sa akin.
"Shit, sorry talaga pero hindi pangit ang pangalan ko. Let's have a proper introduction nga," ani nito bago tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ko.
Kapagkuwan, ay pumunta ito sa harapan ko. Then, he handled his hand in front of me, dahilan kung bakit ako napaangat ng tingin ng wala sa oras, "Hi miss beautiful, ako nga pala si Red Ysaach Lim and you can call me Red or Ysaach," ani nito na siyang nagpaisip sa akin.
Napaisip ako kung saan ko nga ba narinig ang pangalan niya na iyon, familiar kasi e.
Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at saka tumayo rin ako, "Hi red, nice meeting you. Ako rin pala si Quincy Alireza Suquib and you can me Quincy," nakangiti kong pagpapakilala rito na siyang nagpangiti naman rito.
ANG tinutukoy niya na babawi siya akin ay ang dalhin ako rito sa paborito niyang lugar. Ang lugar na matatagpuan sa gitna ng kagubatan ng lugar na ito.
Isa itong matayog na falls. Na sa ibaba ay may mala crystal na tubig dahil sa sobrang linaw nito. Ang magandang katangian ng falls na ito ay ang pumukaw ng atensiyon ko ngunit mas napukaw ng inihianda niya ang atensiyon.
Sa gitna ng falls ay naroroon ang inihanda niyang pagkain para sa aming dalawa. Nakasakay ito sa mga pinagtapi-tagping kawayan kaya hindi ito lumulubog at lumulutang lamang ito.
"Did you prepare all of this?" tanong ko sa kan'ya kahit obvious na naman ang sagot sa tanong ko na iyon.
"Yes," sagot nito sa tanong ko, "Do you like it?"
Napatingin ako sa gawi niya ng marinig ko ang tanong niyang iyon, napatingin rin naman ito sa gawi ko kaya ang ending nagtagpo ang aming mga mata.
At ewan ko ba kung ano, pero wala sa sarili akong napatitig sa kulay dugo niyang mga mata. Para akong na mesmerize rito imbes na matakot. Ang ganda kasi nitong pagmasdan e.
"Yes, super," sagot ko sa tanong niya habang may ngiting nakaukit sa labi.
"It's good to hear that," nakangiti nitong komento, "So yeah, lets swim?"
I nodded.
BINABASA MO ANG
His Reincarnated Wife (Duology Collaboration #2)
VampirosHIS BLOODLUST (also known as) C O M P L E T E D Synopsis Quincy doesn't believe in Vampires because for her, vampires are just a mere mythical creature na gawa-gawa ng mga matatanda upang ipanakot sa mga bata. 'Yon ang paniniwala niya not until she...
