S7

6.9K 221 2
                                    

Nagising ako sa isang di pamilyar na silid. Maaliwalas na silid, maluwang, kulay sky blue na may lining ng itim at red ang motiff ng silid. Queen bed na kama na malambot.

Napabalikwas ako ng bangon ng ma realize ko kung nasan ako at kung paano ako napunta dito.


"Arrgggghhhh... Bwessssiittt..." malakas na sigaw ko at dali dali akong lumabas ng silid na to.


"Great!!..hey..hey...you!" mabilis kong nilapitan ang isang babae. Kunot noong tumingin pa ito sakin.

"Can you tell me kung san ko matatapug.an ang isang matandang lalaki na HM ang pangalan?" diretsong tanong ko dito. Mukhang nagulat ko ata siya medyo lumaki kasi ang mga mata niya at pawang naka nga nga pa.


"Hey!" I snap in front of her..

"Si headmaster po ba?? Nasa kabilang building po.. Yung malaking building sa harap sumakay po kayong elevator 8th floor tas kumanan po kayo may malaking pinto doon. Yun na po yun." sunod2 na sabi nito at bigla nalang naglakad ng mabilis.


"Anung nangyari dun? Tsk.. Makapunta na lng nga sa HM na yun." lakad lang ako ng lakad. Sabagay maganda naman ang lugar nato.. Hindi mainit kasi madaming puno. Malaki nga ang building na sinasabi ng babae, literal na malaki. Sa tingin ko academy ito.. At dorm house naman yung pinanggalingan ko.


May klase siguro.. Wala kasing estudyante dito sa hallway. Nakapasok na kasi ako at kasalukuyang naglalakad papunta sa malaking pinto.


Binuksan ko ang pinto at pumasok. Eh sa wala akong galang eh..


"Oh.. Napadalaw ka?" tiningnan ko siya ng masama at mabilis na sinugod. Ngumiti naman siya sa akin at sinangga ang kamao ko.

"Hmmm.. Pwedi na." di ko pinansin ang sinabi niya at umikot ako't siniko ang sikmura niya. Napabitaw naman siya sa akin.


"Magaling.. Di nga ako nagkamali." sabi nito habang pinupunasan nang likod ng kamay niya ang bibig niyang dumugo.

"Sabi ko hindi ako sasama pero sinama mo parin ako.. Aalis ako dito." tumalikod na ako at naglakad palabas.


"Di mo matatakasan ang tadhana.." napahinto ako ng sabihin niya yun. Kuyom kamay akong lumingon sa kanya.

"Anong sabi mo?" madilim at madiin na sabi ko dito.


"Wala naman akong sinabi.. Nga pala nasa dorm mo na lahat ng gamit mo. At di kana makakabalik sa dati mong mundo.. Di ko alam kung bakit palaging bumabalik ang mga soul eaters doon."

"Anong kailangan nila sayo? Sino ka ba hah bata?" napa smirk ako sa tinanong niya.

"Sa totoo lang tanda di ko din alam kong ano ang kailangan nila sa akin. At para sa huli mong tanong.. Ang pangalan ko ay flare." tumalikod na ako at binuksan ang pinto at diretsong lumabas at naglakad pabalik sa dorm.


Wala akong pakialam kahit siya pa ang headmaster. Masyado siyang mysteryoso at alam kong may kakaiba sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ng dorm. Nakita ko yung mga gitara ko, acoustic at electric guitar. Yung mga skateboards ko.. Yung drumstick ko. Shit... Nandito na nga ang mga gamit ko. Panu pa ako nito makakaalis dito?


"Aarrgghhh...!" sigaw ko at padabog na humiga sa kama at tumingin sa kesami.. Di ko naman pweding iwan ang mga baby ko dito. Naman.. Masyado silang marami para dalhin ko ng mag.isa.

Teka di pa pala ako naliligo.. Haist, tumayo na ako at pumunta ng banyo. Binuksan ko yung tubig sa bathtub at hinubad ko na ang damit ko.


Pinagmasdan ko ang sarili ko sa full lenght mirror na nandito. Ang mga mata kong kulay asul na may konting green. At ang blonde hair ko na merong pink at blue na kulay sa kaliwang bahagi ko. Tumalikod ako sa salamin. Kitang kita ko ang black dragon with red flames na nakatatak sa buong likod ko.


Pinagmasdan ko ito ng ilang minuto at pumunta na sa bathtub at lumubog dito..


"Ahhh.. Relaxing.." pinikit ko ang mga mata ko at nagrelax pa..

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now