S33

5.7K 192 5
                                    


Flare's POV


"Sino ka ba talaga??" tinapik ko lang ang kamay ng kaizer na to na nakahawak sa aking balikat. At naglakad na ako palayo sa kanya, wala akong oras para sa mga walang kwentang bagay.


"Malalaman ko rin kung sino ka talaga!" rinig ko pang sabi neto bago ako tuluyang mawala sa paningin niya. Kahit anu pang research ang gawin nila wala parin silang makikita. Di dapat ako narito sa paaralang ito kung di lang sana kailangang makita ang taong yun. Inuubos na niya talaga ang pasensya ko.


Pumunta ako sa rooftop ng paaralang ito at umupo sa railings. Kung ordinaryong nilalang lang sana ako baka natakot na akong mahulog dito, napapailing lamang ako sa aking naiisip. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng academing ito. Isa- isa kong tiningnan ang mga kumpol kumpol ng estudyanteng nag e- ensayo para sa nalalapit na tournament para sa pwestong iniwan ng rank 1.


Akala nila di ko malaman ang isang rason sa paggawa ng tournament na ito. Gusto nila akong palabasin sa maskara ko, hah.. mga hangal sila.


Mabilis kong hinawakan ang railings at tumalon pababa. Kung ordinaryong tao lamang ako malamang sa malamang lasog lasog na ang katawan ko o bali- bali na dahil sa pagtalon ko. Pero di ako ordinaryo eh, kaya walang nangyaring kahit na ano.


"Empress!" Tamang- tama lang ang tantya ko sa pagtalon papunta sa grupong ito. Yumuko naman silang lahat at ganun na din ang ginawa ng nasa harapan ko.


"tsk.., umayos nga kayo baka may makakita pa sa inyo. Kamusta ang grupo?" Umayos naman sila ng tayo at tumahimik lamang.


"Ganun parin empress., may natatanggap parin kaming iba't- ibang alliance galing sa iba't- ibang grupo dito." napa nod lamang ako sa sinabi niya. Di na siguro sila titigil sa kanilang mga planu.


"walang tatanggap ng kahit na anong imbitasyon at nga pala,.. sumali kayo sa paligsahan." napa smirk lamang ako ng sabihin ko yun sa kanila at kumunot noo naman sila.


"Pero.., bakit po empress??"


"Ipapakita lamang natin na wala tayong kakampihan at dapat na maging alerto sila palagi. May gusto din kasi akong taong lumabas sa kanyang lungga. At yun lamang ang tanging paraan para mapalabas siya, masyado na niyang inuubos ang oras ko dito. Kailangan ko ng mabawi ang aking ina.." Yun lang at lumakad na ako paalis sa kanila.


Alam naman kasi nilang lahat kung anu talaga ako. Kaya walang nagtatangkang kumalaban sa akin, At isa pa ako ang gumawa sa kanila sa akin sila nagmula.


------------------------------------------------------------------------------------------------

Kaizer's POV


Naiinis na talaga ako sa babaeng yun, Masyado siyang misteryosa at nakakadagdag pa ng pagiging mysteryosa niya ay ang pinapakita niyang wala siyang pakialam sa paligid niya at parang wala siyang kinakatakutan man lamang.


"Ace,. pinapatawag tayo ng lolo mo." tumayo na ako at pumunta sa pintuan. Anu na nman bang kailangan ng matandang yun? kung tungkol na naman ito sa bagay na iyun pwes.., di ko parin siya susundin.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Third person's POV

"Pakawalan mo na ako dito... Nasa sayo naman ang korona diba? bakit mo pa gustong patayin ang anak ko??"


"Hinding- hindi kita papakawalan dito.., at hinding- hindi ko titigilan ang anak mo, mamamatay siya kasama mo., Ako! ako lang dapat., Ako lang dapat ang pinakasalan niya kung hindi kalang umepal samin.!!" malakas na sigaw ng reyna sa isang babaeng nasa loob ng kulangan niya.


"HIndi!!., ako ang mahal niya., at hindi ikaw!! magkapareho lang tayo ng mukha pero hindi ng ugali." Sigaw din ng babae sa reyna at parang sasabog na sa galit ang reyna dahil sa sinabi niya.


"Kaya nga kita kinamumuhi-an dahil iisa nga yung mukha natin pero ikaw pa din ang pinili niya. Ako na naging outcast sa kaharian natin., ako na siyang nagmamahal talaga sa kanya."


"Ikaw ang lumayo.., Ikaw ang nagsabing hindi kana parte ng pamilyang ito., Tama na,. patay na siya,. wag mo namang idamay ang anak namin dito',. ako nalang.. maawa ka sa pamangkin mo!!" naluluhang sambit ng babae sa reyna pero tila walang narinig ang reyna.


"Ikaw ang dahilan kaya siya namatay kung di niya sinalo ang katana na papunta sayo edi sana buhay pa siya.!! Hah.., sa simula palang damay na talaga ang anak mo dito. Kukunin ko ang buong kapangyarihan niya at pag nagawa ko na yun mabubuhay ko ang pinaka mamahal ko. Papatayin ko kayong dalawa ng anak mo kayo ang magiging sakripisyo para mabuhay siya ng sa ganun maging maligaya na kaming dalawa. ha hahahahaha.. maligayang- maligaya!!" parang baliw na sabi ng reyna habang ngumungiti ito.


"Hindi!!.., hindi!!"sigaw ng babae sa loob ng kulungan neto pero tumawa lamang ang reyna at iniwan na siya doon na lumpasay sa sahig at basang- basa ang mukha dahil sa luha.


Hindi niya magawang makatakas dahil sa hinihigop ang kanyang lakas. Naka restrain din kasi ang spirit niya kaya wala siyang kapangyarihan na magamit., tanging telepathy lamang at isang mahiwagang salamin ang nagagamit niya. Pero di pa din ito makakatulong sa kanya para makatakas.


Pinapanalangin niya lamang na sana magtagumpay ang kanyang anak..


---------------------------------------------------------------------------------------------

Wala mo nang action hah',. hehehehehe.., Sorry if medyo sabaw ang UD ko ngayon',. :)


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now