S41

4.9K 168 2
                                    


Kaizer's POV


Lintek.., nakuha ang skepter ng isang di kilalang babae. Pero mabuti nalang at hindi ang reyna ang nakakuha neto kundi malamang na katapusan na namin.,


"Ugh.." mahinang daing ko, tinukod ko ang mga kamay ko at unti- unting tumayo. Nakita ko din sina clover at spade na marami na ding mga sugat at parang mauubos na ang enerhiya nila. Mabuti nalang nga at umalis agad ang reyna at ang ilang kampon niya para sundan ang babaeng iyun. Tsaka sa tingin ko di na kami makakahabol neto dahil sa ubos na ang mga enerhiya namin.


Tsaka nakita ko din kanina ang apat na transferees sa school namin at ang ilang kasama nila na nakikipaglaban sa mga halimaw ng reyna. Di ko akalain na mga spirit holders din pala sila at kakampi pa namin.


Tsaka yung isang babaeng kasama nila na parang guro ata nila ang sumunod sa reyna at sa babae. Sana makuha niya ang skepter na iyun.., at sana naman kakampi namin ang babaeng nakakuha nun..


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Flare's POV


Mabilis ko lang sinundan ang babaeng yun kung saan man siya papunta dala- dala ang skepter. Kailangan naming magmadali dahil sinusundan kami ng ilang kampon ng reyna at pati na din ang reyna..


"Dumiretso ka sa mansyon,. alam mo nang mangyayari sayo kapag di mo ko sinunod." malamig na sabi ko sa kanya ng magkasabay na kami sa paglukso- lukso sa mga sanga ng puno. Napatangon naman siya sa akin at mabilis na kumanan, mabilis din akong nagtransform sa aking Lost demon god of hell spirit at pinalabas ko ang invisibility spirit aura para pagtakpan ang aura at essence ng babaeng iyun para di siya masundan, alam na din niya kung saan ang mansyon ko tsaka di makakapasok sa mansyon ang mga halimaw na ito at pati na din ang reyna.


Nilagyan ko iyun ng barrier para sa proteksyon at kapayapaan ko.


Mabilis kong pinalabas ang hell katana ko at naghanda na sa paparating na mga halimaw.., isang tira lang ito at kailangan ko nang sundan ang babaeng iyun.


Pagkalapit na pagkalapit ng mga halimaw na to ay inipun ko yung lakas ko at malakas na hinataw ito paharap.., nagkaroon ng isang dark red na apoy ang lumabas sa talim ng katana at pumunta ito sa lahat ng mga halimaw at lahat sila ay nalusaw nalang. Tumalikod na ako at mabilis na lumundag ulit patungo sa mansyon..


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Reyna Icea's POV


Hindi ito maaari.., hindi, sinong hampaslupang kumuha ng skepter na iyun. Lintek lang,. papatayin ko kung sino man yung hampas lupang iyun..,


Humanda sila.., magkakaroon na ng isang malaking digmaan..,


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Flare's POV


"Anong ginagaw mo doon? Alam mo bang delikado para sayo iyun?" tanong ko sa babaeng naka upo sa sofa ko dito sa loob ng mansyon at parang kiti- kiting di mapakali.


"eh.., a- anu.., a-a nu ka-kasi eh.." nakakabahang sambit neto sa akin na tila iiyak na sa harap ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at humalukipkip..,


"gustokolangnmanmakitaanglabanannaiyuntsakagustokolangmasiguronanakuhamoangskepter." mabilis na sabi neto sa akin, napailing nalang ako sa ginawa niya.


"Kung sana nagpakita ka kaagad sa akin sa Academy. Walang hiya kang babae ka, pinahirapan niyo pa ako ni ina..,ang sarap niyong paguntugin na dalawa." at pasalampak akong umupo sa tabi niya.


"Gagawin na ba natin ang pagbukas ng lagusan?" napalingon ako sa kanya ng sabihin niya iyun.,


"Di natin bubuksan ang lagusan, megumi.. ang kailangan lang nating kunin ay ang aking ina. Siya lang megumi,. siya lang.." napa pout nalang siya sa sinabi ko.


"Eh., sana pala pinabayaan ko nalang makuha ng reyna ang skepter na to kung ganun?, Di naman pala natin gagamitin. "


"aray.." ayan., tanga kasi eh, binatukan ko nah..


"tanga lang megumi?? pag nasa reyna yan edi malaking problema ang kakaharapin natin. Kahit sabihin pa natin na wala akong pakialam sa kanila, ako pa din ang prinsesa.. kaya responsibilidad ko pa din sila."


"oo nah.., parang di ka ma joke eh.." bulong- bulong pa neto.., tumayo na ako at umakyat sa silid ko. Bahala na si megumi doon tutal nailagay na din namin sa safe box ang skepter. Hanggang nandoon ang skepter di iyun makukuha.


Kung nagtataka kayo kung sino si megumi., siya lang naman ang guardian ko, ang nilalang na pinapahanap sa akin ng ina ko sa loob ng academy na iyun. Pahirap pa talaga ang babaeng iyun,..


Makapag pahinga na nga at bukas na bukas kukunin na namin si ina gayong nandito na samin ang skepter. Mabuti na din pala na di ako lumabas noon para di ako mapaghinalaan ng reyna na iyun.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello sa inyo.,' sensya at ngayon lang nakapag UD',. hehehehe.. :)


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now