Blake's poVNaglalakad kaming mga class S o special class sa hallway ng academy ng makita namin si miss A at HM na seryosong nag.uusap at nagmamadaling papunta sa gate.
"Anu kayang meron?" tanong ni denver pero kumibit balikat lang kami.
"Tara sundan natin sila, mukhang may darating ngayon." pagkasabi ni aldren nun ay agad din kaming sumunod. Mabuti nalng di namin kasama si mariel ngayon dahil ibibigay niya pa ang ilan sa mga paperworks niya sa guro namin para makabawi siya sa klase.
Kasabay ko sa paglalakd sina denver, traze at zak. Nasa hulihan kami..
Huminto kami ng ilang metro para makita ang gate at sina miss amy at HM. Dahan dahan namang bumukas ang single gate at inaabangan namin ang paglitaw ng kung sino man papasok.
Napasinghap kami at nagkatinginan bago ibalik ang mga mata namin ng makita ang pumasok sa gate. Mula sa sapatos nitong may dugo hanggang sa jacket at jeans nitong mukhang natuyu.an na din ng dugo. May ilang talsik pa nga ng dugo na medyo natuyo na sa mukha neto at ganun na din sa mga buhok nito.
"Naligo ba yan sa dugo?" rinig naming tanong ni jane.
"Mukhang galing sa massacre, nakayanan niya pa ang amoy na yan?!" di mkapaniwalang tanong ng isang kaklase ko.
Napasinghap kami ng biglang kinuha ng transferee na yun ang isang pugot na ulo mula sa bag niya at binigay kay miss amy. Nakangiti naman si miss amy na pailing iling pa habang tinap naman ni HM ang balikat ng transferee. Wala namang reaksyon ang transferee, sinukbit niya lang yung bag niya.
Sinunog nalang ni miss amy ang pugot na ulo na yun. At mukhang may sinasabi pa sa transferee ng nakangiti. Wala parin reaksyon ang transferee at humikab lang ito at naglakad na pasunod sa likod nina miss amy at HM.
"Si..si..si..melvin yun d-diba? Ang p-pinuno ng g-ghoul?" di makapaniwalang sambit ng isang kaklase namin.
"Tara sa HQ." yun lang ang sinabi ni zak at naglakad na din kami. Pero minamalas ata kami dahil magkakahap kaming special class sa tatlo ngayon dahil nasa kabila pa ang HQ namin.
"Oh, special class.. HQ kayo ngayon?" nakangiting tanong ni miss amy sa amin. Nag bow muna kaming lahat para sa paggalang kay HM.
"Good afternoon HM at miss Amy, opo papunta po kami sa HQ. May pag.uusapan lang po kami doon." magalang na sabi ni traze. Napatango nalang si HM, at ganun din si miss Amy pero yung transferee wala lang reaksyon pero kitang kita pa din namin ang paghikab niya. Ang cute niyang tingnan..
"Ehem.. Si Flare pala, transferee at nasa A1 class. Flare, ang special class." pagpapakilala ni miss amy. Tumango lang kami at ngumiti pero si flare wala lang, parang walang narinig.
Naglakad lang siya not minding yung mga tao na iniwan niya.
"Pasensyahan nyo na si Flare, ganun lang talaga yun." pangiti ngiting sabi ni miss amy.
"Usap nalang tayo maya sc." napatango nalang kami bago umalis na sina HM at miss amy. Kami naman pumunta na sa HQ ng may mga tanong sa isipan.
---------------
Denver's poV
Hanggang sa pagdating namin sa HQ, wala pa ding nagsasalita sa amin. Tahimik din nga si Mariel eh, siguro nakikiramdam samin.
"Di talaga ako makapaniwala, napatay niya si melvin? Eh.. Ang grupo ni melvin ang may pinaka malalakas na meyembro." manghang tanong ni jane samin.
"Kita mo naman ang ebidensya kanina diba? Di lang natin alam kung panu niya napatay yun." sabi naman ni blake..
"Hey wait, sinong nagpatay kay melvin ng ghoul?" napabaling ang atensyon namin kay mariel ng magtanong ito.
"Yung transferee mariel. Yung gusto mong patayin!" pang.iinis ko kay mariel. Napa nga nga lang siya at parang may sasabihin pero wala naman.
"H-ha.. If I know, baka di siya ang gumawa.. B-baka pinagawa niya sa iba!" sabi pa nito pero napailing iling nalang kami sa kanya.
"Siya talaga ang pumatay mariel.. Walang duda yun." napabaling kaming lahat sa bukas na pinto at nakatayo doon si miss amy.
"Miss amy.. Anu pong sinasabi nyong walang duda?" napangiti lamang ito at umupo sa isang sofang pang.isahan. nasa mahabang sofa kasi kami nakaupo. Yung sofa parang naka semi circle tas merong isahang sofa sa harap ng mahabang sofa.
"Walang dudang mapapatay niya si melvin at ang grupo. Nagpadala kami ng surveilance team sa ravensville, half an hour after umalis siya dito sa academy. Di na naabutan ng team kung paano niya napatay ang mga ito pero kitang kita nila si Flare na nasa gitna ng mga duguang katawan na putol putol at kinukuha na ang ulo ni melvin at sinilid ito sa bag niya. Mukhang naliligo na din ito ng dugo sa itsura niya. Walang na sense na kahit na anung nilalang o tao sa paligid ang sensors maliban sa kanila at kay flare kaya sa madaling salita mag.isa lang si Flare sa pagpatay. At isa pa, di pangkaraniwan ang lakas ni flare. Tama ba ako, zak?" napabaling ang ulo naming lahat kay zak at napatango naman ito.
Mag re react pa sana si mariel ng magsalita si zak.
"Ang lakas ng impact ng mga kamao niya at talagang mabilis siya. Todo na nga noon ang pwersang ginagamit ko at ang bilis pero naiiwasan niya parin ang ibang tira ko at nasasabayan." nga nga, yun kami dahil sa mga sinabi ni zak pati na din nga si mariel.
"Hahaha.. Kita nga namin ni HM. Hinihintay nga naming gagamit siya ng spirit niya pero hindi. Kita din namin na ginamit mo ang spirit mo zak, nabigla ata siya dahil di niya akalain na gagamit ka ng spirit kaya nasuntok mo sya noon at nagcut ang labi niya, pero kahit ganun wala parin siyang spirit na ginamit. Hahaha.." tila di naman kami makapaniwala sa narinig. Di namin yun nakita uh, hanggang ngayon kasi di pa din namin malaman kung anu ang spirit ni zak.
"Ginawa ko lang naman yun kasi gusto ko makita ang spirit niya pero wala pa din epek." pailing iling naman si miss amy habang nakangiti.
"Anu palang sasabihin niyo miss amy?"
"Oh, buti napaalala mo ako traze. Gusto ko lang sabihin na simula bukas mag tra.training kayo sa field, at may kasama kayo. Kaya guys, goodluck.. Bye."
"Teka miss amy, bakit nasa A1 siya kung pwedi naman na nandito siya sa amin dahil sa kakayahan niya." sabat naman ni blake. Napatango naman kami sa sinabi nito.
"Tingnan ko nalang if may papayag siya."
"Sinong siya ang tinutukoy niyo miss amy?" tanong ko pero ngumiti lang ito at tumayo na.
"Goodluck sc!" yun lang ang sinabi neto at iniwan nalang kaming nakatanga dito. Napatingin naman ako kay blake at traze. Mukhang malalim ang iniisip. Napatayo naman si zak at lumabas na din. Habang si mariel mukhang galit at inis?? Hahaha... Insecurities nga naman.
----------------------------
Hello guys, be a fan. Vote and comment.. So far, ito na ang pinakamahaba kong UD.. Sana nagustuhan niyo.

YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?