Di ko na alam kung anong oras ba ako nakatulog kagabi..so far, medyo nasasanay na rin ako sa alarm clock ko. Yung nightmare ko ang alarm clock ko. Same scene.. Gigising akong nakasigaw. Hai.. Kailan pa kaya ako makakagising ng maayos?
Ngayon na pala ang first day of school ko dito sa academy nato. Sa totoo lang wala naman akong pakialam eh. Yung matandang yun lang talaga, sinama sama niya pa ako dito. Nakakainis..
Nakabihis na ako ng uniform ko. Maganda naman ang uniform nila. Black na skirt na above the knee. White na polo shirt at may black na longsleeve blazer at merong red na necktie. Yung sa shoes.. Kahit ano basta pwedi isuot.
At dahil wala akong pakialam sa paligid ko yung itsura ng uniform ko hindi naka ayos ng mabuti. Bukas ang blazer ko, maluwag pa ang necktie ko at nakabukas ang itaas na bahagi ng butones sa polo shirt ko. At for my perfect get up naka converse black shoes ako.
Diri-diretso na akong pumunta sa cafeteria. Dito kami kumakain, breakfast, lunch at dinner. Malaki ang cafeteria nato. Kung sasabihin nga parang isang dining hall ito. Maraming mesa sa loob at mga upuan. Tas merong mahabang lamesa sa gitna na doon mo makukuha ang mga pagkain. Libre to sa lahat ng tao sa loob ng academy. Yung pera o tinatawag na zion ay makukuha lamang if nanalo ka sa isang school game o kaya naman meron kang achievement.
Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay pumunta ako sa isang table sa sulok at nagumpisang kumain. Wala namang mga estudyante na dito dahil kanina pa nagsimula ang klase. Late na ako ng ilang minuto.. Pero wala talaga akong pakialam. Bahala na ang matandang yun pag nagalit siya sa akin.
Matapos akong kumain ay naglakad na ako patungo sa klassroom ko. A1, yan ang section ko. Ang sabi sa guidebook ng school nato. Ang A1 ay may mga malalakas at matatalinong spirit holder students pero mas malakas at matalino ang nasa class S. Sila ay mga piling estudyante na angat sa lahat. Akalain niyo yun binasa ko ang guidebook na yun. At nga pala may photographic memory ako. Kinabisado ko na din ang buong mapa ng academy na to.
Nang makalapit na ako sa pintuan ng classroom ko binuksan ko na ito. Sensya wala akong respeto eh.
Napahinto naman ang propesor sa pagsasalita at bumaling sa akin. Natahimik na din ang buong klase at napatingin din sa akin.
"Oh, class.. This is ms flare and she is a new student. So better treat her well. Miss flare you can sit now!" pagpapakilala sa akin ng guro nato. Mabuti na nga yun na hindi ako ang magpapakilala.. Bago pa ako makaupo nagpakilala naman siya sa akin. Prof. Siera, yan ang pangalan niya. Umupo na din ako at nakikinig lang. History ang tinuturo niya. Kaya di na ako nakinig sa kanya dahil alam ko naman ang history ng mundong to. Just think na pinanganak ako dito sa mundong to at namuhay hanggang sa magkaisip. Pero mas lumaki ako sa mundo ng mga tao.
_---------------------------------
Sorry sa matagal na UD..
YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?