Third person's poV
"Lintek! saan na ang babaeng iyon? Bakit nakalabas siya ng Academy?" nanggagalaiting sigaw ng reyna sa isang tao na ngayon ay nakayuko lamang sa kanyang harapan.
"Patawad mahal na reyna, hayaan niyo at ipapahanap ko siya sa lalong madaling panahon!"
"Dapat lang.. at kung hindi mo siya mahanap, ikaw ang mananagot dito!" at tuluyan ng nawala na parang bula ang reyna sa harapan ng lalaking ito. Nakahinga naman ng malalim ang lalaki.
-------------------------------------------------------------------
Flare's poV
Ugh.. paaralan na naman, bakit ba palagi nalang akong napapasok sa paaralan? nakakainis na hah.. siguro ngayon pinaghahanap na ako ng mga gunggong., tsk tsk., bahala na sila doon tutal malaki na naman sila eh.
Lintek lang, ang laki ng paaralan na to at saan ko na naman makikita yung hinahanap ko?
Naglalakad lang ako dito sa hallway at hinahanap ko ngayon ang walang kwenta kong classroom. Psh, kung may mabuti sa pagpasok sa paaralan ay ito yung matulog lang sa loob ng classroom.
Dire- diretso lang akong pumasok at umupo sa isang upuan na malapit sa bintana, nasa pinaka gilid ito naka pwesto at di masyadong makita ng guro sa harap at siyempre malayo sa mga nakakairitang tao sa paligid.
Ilang minuto pa ang lumipas at pumasok na din ang guro, kinuha neto ang isang maliit na papel at binasa.
"Oh, may bago ngayon..Ms Yamaguchi pwedi kabang pumunta dito sa harap at magpakilala?" ugh.. ito ang ayaw ko sa lahat ang introduction, parang elementary lang guys.. as usual, dahil sa wala akong magawa edi pumunta ng harap at magpapakilala..
Pero bago pa man ako makapag salita eh biglang bumukas ang pinto ng classroom at may pumasok doong tatlong lalaki. At syempre biglang umingay ang loob ng classroom particularly ay puro babae ang nag- iingay,. nakakairita. Parang gusto ko ng gamitin ang spirit ko at putulan lahat sila ng mga bunganga. On the second thought, wag nalang pala at baka masense ng mga kalaban ko ang spirit ko at goodbye peace for me. Sa ngayon kasi, parang normal na tao lang yung itsura ko. Binalik ko lang sa itim na kulay ng mga buhok ko at syempre blue eyes ako ngayon.
Umupo lang yung tatlong lalaki sa likod at tumahimik na din ang loob ng classroom., Haist, mabuti naman at tumahimik na din.,
"Flare.. " yun lang ang sinabi ko at umalis na ako at dumeritso sa upuan ko.
"ahhmm..o-kay?? Ms flare alam mo ba kung anung klaseng paaralan itong napasukan mo?" awkward na pagsasalita ng guro tumango lang ako sa kanya at di na siya pinansin. Eh sa alam ko naman kung anong klaseng estudyante ang naririto eh at alam ko din na hindi pangkaraniwang paaralan ito. Kaya dito niya napiling magtago kasi naman di kami dito mapapansin agad pag nakapatay kami ng nilalang dito.
Ang paaralang ito ay isang Gangster school, yup isa itong paaralan para sa mga batang sakop ng Underground world. Dito hinahasa pa ang pagiging isang warrior at syempre may rules din dito na dapat sundin. Bawal ang pagpatay sa loob ng classroom pero di bawal ang mangbogbog pero kapag nasa labas kana ng classroom pwedi nang pumatay. Ang cool lng diba? psh..
Dada lang nang dada ang guro namin at ako heto nakaubob lang sa mesa ko., eh sa wala akong pakiaalam diba? bahala sila diyan..
--------------------------------------------------------------------
Kaizer's poV
(New Character po..)
Ang boring pumasok sa paaralan, alam niyo ba yun? Haist.., Nga pala, Kaizer Ace Bersack is my name at isa akong emperor sa UG world at yung dalawa kung kasama ay sina Troy Spade Santos at Keith Clover Lee mga emperor din yang dalawa. Pansin niyo ba? yung second names namin ay pangalan ng playing cards? Yan kasi ang pinangalan ng mga magulang namin at magkakaibigan sila kaya siguro napagdisketahan yung mga pangalan namin at isa pa may meaning yang second names namin. Dahil sa second names namin ang ginagamit naming codenames., at kami ang tinatawag nilang Deadly Card Emperors ng UG.
Sa ngayon kami muna ang humahawak sa pwestong iniwan ng rank 1 sa Ug., mahirap na at baka mapunta lang sa kalaban ang pwesto at maging magulo ang UG., bakit pa kasi umalis at nag quit yung rank 1? ayan tuloy namomoblema kami ngayon kung panu ipapahandle ang naiwang pwesto at dahil sa maraming gusto makuha ang pwesto at madaming din nangyayaring rambolan ngayon at ang planu ay magsagawa kami ng isang deadly match para na din matapos na ang walang hanggang pagkaubos ng mga gangster dito. Tsk,
Nga pala ang paaralang ito ay nahahati sa apat na grupo., ito ay ang assassins at reapers, sunod ang mafioso at mafiosa, sunod ang gangsters at mga mobsters at ang pinakahuli sa lahat at ang neutral lang ang mga yakuzas.., May mga particular places at teritoryo lang talaga ang tatlong naunang grupo dito sa paaralan at bawal ang pag e-envade neto kapag di ka kasama sa grupo. Nagkakasabay naman ang lahat pero dapat may kontrol pa din sila. At kaming tatlo bilang ang mga pinuno ng lahat ang siyang nagpapanatili ng kaayusan sa pagitan nila., At kada grupo ay may mga pinuno na siyang sinusunod nila. Pwera lang sa Yakuza na hindi pa namin nakikita at nalalaman kung sino ang pinuno. Masyado silang malihim pero okay na din kasi wala silang ginagawa kahit na anu laban sa amin o kanino pa man pero alam naming ilang taon na din silang pilit na ginagawang alliance ng ilang grupo dahil sa talagang malalakas sila.
At yan din ang isang pinaghahandaan namin, paano nalang kung makipag alliance na ang yakuza sa isang grupo?? At yun na din ang magsisimula ng napakalaking gulo.. sa mundo namin.
----------------------------------------------------------------------------
Hello hello to alll.., how's this chappy?? hala.., break muna sa powers powers hah',. :D
Thank you pala sa lahat ng nagbabasa neto at nag vo vote.., SALAMAT!!!
Dedicate this chappy to her kasi ang raming chapters na ang bino vote niya.., thank you again!! :D

YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?