"Dre.. babalik na ba tayo sa kabilang mundo?" napapaisip na din nga ako. Ilang taon na kaming naninirahan dito sa mundo ng mga tao. At hanggang ngayon wala pa namang nangahas na lusubin kami dito.
"Pag-iisipan ko.. Alam mo naman Blake, hinahanap pa din ang prinsesa." Laglag balikat at pasalampak siyang naupo sa sofa dito sa HQ namin.
"Papatayin ko talaga yang reyna na yun.. Ba't ganun siya? anak niya yun diba?" Tama si Denver, anak niya nga yun pero parang di niya anak kung tratuhin niya noon. Pinapahirapan, ginugutom, sinasaktan at tino-torture niya.
"Saan na kaya yung prinsesang yun? Siya nalang kaya ang pag-asa ng mundo natin. At isa pa.. dumarami na ang mga soul eaters dito sa mundo na to!" Galit na anas ni Blake. Malaking problema kapag dumami sila dito. Maraming inosente ang madadamay pagnagkataon at di kami mabubuhay ng payapa dito.
Ang mga soul eaters ang siyang mortal na kaaway namin. Mga nilalang na parang tao din pero maiitim ang buong mata nila.. matatalim at mahahabang kuko.. At tulo laway minsan sila kapag nakakita ng mga bibiktimahin. Hinihigop nila ang mga kaluluwa ng mga simpleng tao. Kung sa amin, papatayin muna kami o susugatan bago mahigop ang spirit namin. Lumalakas sila kapag may nahigop silang spirit holder.
Kung iniisip niyo kung anu kaming tatlo. Isa po kaming mga Spirit Holders. Mga taong merong kapangyarihan.. Ang spirit namin ang nagbibigay kapangyarihan sa amin. May kanya- kanyang sandata ang mga spirits namin. Kung malakas ang spirit mo malakas na sandata din ang ma a- acquire mo. Sa ngayon nasa level A kaming tatlo.. malapit nalang kami sa level S.. Ang level S ang malakas na stage ng pag evolve ng spirit diyan.. nagagamit namin ang mga elemento kahit wala ang mga sandata.
Pero mas malakas pa din sa amin ang celestial spirit holder na siyang nasa prinsesa. Di lang nga lang namin alam kung nag evolve na ang spirit niya. Noong panahong namatay ang mga grand royals na siyang lolo at lola niya at ang pagtakas niya.. Naging miserable ang mundo namin.. Dumami ang mga soul eaters at dumami ang mga rebelde.
Naghihirap na din ang mundo namin. Unti- unting tumutuyo't dumidilim ang kaharian. Nawawalan ng balanse ang mundo namin. At kung magpapatuloy pa iyun. Mawawala na ng tuluyan ang mga katulad namin. At maghahari ang mga soul eaters sa pamumuno ng kasalukuyang reyna ng S World.
Ang prinsesa lang ang makakatalo sa reyna na yun.. Kaya dapat na naming mahanap siya, pero ang problema di namin nakita at nakilala ang prinsesa. Kaya pahirapan pa siyang hanapin at isa pa ang laki ng mundong to.
San kana ba prinsesa?
**************************
Lame?? Si Traze po yung nagsasalita dito. hehehe..
YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?