Traze's poVSumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba talaga ang transferee na yun. May kakaiba talaga sa kanya na di ko mawari. Isa pang pinoproblema namin, nasan na ang prinsesa?
Ang hirap nman neto. Tsk. Nandito ako sa taas ng puno malapit sa field. Nakahiga yung kalahating katawan ko sa medyo nalaking sanga ng puno tas yung mga paa ko naka laylay lang.
Iidlip nalng siguro ako. Mag pra praktice lang naman sila eh.
----------------------------
Flare's poV
Langya, bat pa kasi ako umatend neto? Sana pala natulog nalang ako sa dorm ko. Aba.. Mag eensayo lang nman pala ng physical ability to. Yung parang mag spa-sparing.. Tsk tsk.. Wala namang gustong mag sparring sakin. At isa pa tinatamad ako ngayon. Makapunta na nga sa isang puno at matulog. Wala naman sigurong makakapansin sa akin.
Umupo na ako sa ilalim ng puno, sinaksak ko sa taenga ko yung headphones ko at pumikit na ng mga mata. Medyo okay na din kasi yung pagtulog ko. Kailangan ko lang talaga mag relax palagi.
Ilang minuto lang akong nakapikit ng may maramdaman akung isang dagger na mabilis na papunta sa kinaroroonan ko. Nang medyo malapit na yung dagger sa mukha ko sinalo ko ito gamit ang dalawang daliri ko. Yung parang naipit sa middle finger at pointing finger ko yung blade ng dagger an inch before my face.
Ibinalik ko din ng patapon ang dagger sa nagtapon sa akin.
"Nice reflex.. May binatbat ka nga. Pero tingin ko tsamba lang yun." rinig kong sabi ng isang lalaki sa akin.
-------------------------
Blake's poV
Nag. Eensayo kami dito sa field ng biglang umalis si zak sa kanyang pwesto at papunta sa isang puno?
Napahinto na din kaming nasa special class at tumingin kung anu ang gagawin ni zak. Teka? Parang may natutulog sa puno na yun hah.
Naglakad na din kami papunta kay zak. Malakas din yang si zak kaya lang di masyadong mahilig makisama at makihalubilo sa amin. Isa siya sa mga malalakas sa class namin. At talagang delikado kung kalabanin.
Kita naming binato niya yung dagger sa isang babae na natutulog sa puno. Teka.. Siya yung transferee. Bakit naman babatohin ni zak yun?
Whoa.. Napabilib ako dun ah. Akala ko tulog yung transferee. Galing naman, nasalo niya yung dagger na malapit na sa mukha niya at binato pabalik kay zak ng nakapikit pa din ang mga mata.
May sinasabi si zak sa kanya. At unti unti siyang nagmulat ng mga mata. Tumayo siya at tumingin muna kay zak bago lampasan ito. Pero di pa siya nakalampas kay zak ng kuhanin pababa ni zak ang headphones niya kaya napabaling ang ulo nito kay zak.
Akmang kukuhanin sana pabalik nung tranaferee ang headphones niya pero ayaw ibalik ni zak. Mukhang nainis naman ang babae kaya akmang kukuhanin niya ito pero ayaw pa din ni zak.
Tiningnan ng masama ng babae si zak sa mata at ganun din naman si zak. At bigla nalang sinuntok ng babae si zak sa pisngi na siyang nagpabaling ng mukha nito sa gilid at may tumulong dugo sa labi.
"Whoa!!" reaksyon ng mga kasama ko at ng ibang estudyante. Wait! Ibang estudyante? Oh.. Nasa kanila na pala ang atensyon ng lahat. Gandang movie nito hah.
Napabalik lang ang tingin ko sa dalawa ng biglang napasinghap yung mga kasama ko. Oh?.. Nasalo nung babae yung kamao ni zak. Galing.. Idol ko na siya.
Nag mamano manung laban sila ngayon. Galing, walang spirits silang ginagamit. Pero damang dama mo naman ang malakas na pwersa.
Nagroundhouse kick yung babae at natamaan naman si zak sa balikat at natumba. First time tong matumba ni zak. Itinukod nman ni zak yung mga kamay niya at bumangon. Ini stretch niya pa ang shoulder niyang natamaan at sumugod sa babae. Umiiwas lang yung babae sa mga atake ni zak. Umikot ito at pinatid si zak at natumba na naman si zak pero hinawakan ni zak ang paa niya at biglang hinila kaya natumba din ang babae. Pilit na sinisipa ng babae si zak pero hinawakan ni zak ang dalawang paa niya at hinila ito palapit sa kanya at dinaganan. Pilit na sinusuntok at tinutulak nung babae si zak na nakadagan sa kanya at pilit namang hinahawakan ni zak ang mga kamay nito. Bigla nalang gumulong yung babae kaya nabaliktad ang posisyon. Siya na ngayon yung nakadagan kay zak. Di makagulong si zak kasi itinukod ng babae yung paa niya. Akmang susuntukin na nung babae si zak ng mapahinto ito sa ere na malapit na sa mukha niya. Napatingin naman ang babae sa pwesto namin at umiling iling na tumayo na. Kitang kita ko pa ang pagpakawala ng hangin ni zak na mukhang na relieved at tumayo na din. Pinagpagan niya lang yung damit niyang nadumihan at dumura ng dugo.
Napatingin naman ako sa babae ng pinulot nito ang headphones niya at yung iphone niyang wasak.. Siguro dahil sa paggulong nila kanina kaya nawasak yun. Naglakad na siya papunta sa amin ng diretso ang tingin at walang reaksyon. Madumi na din yung suot niya at pati yung buhok niya medyo gulo gulo. Humahawi naman ang mga estudyante sa kanya ng dumaan siya. Kita ko din ang isang cut sa labi niya na merong dugo din. Pero mas medyo marami ang pasa ni zak at sugat kaysa sa kanya. At mukhang may bali pa ata ng buto sa balikat ni zak.
Napatingin naman ako sa balkonahe ng campus building. Nakatanaw doon si miss amy at si HM.. Nakita nila yung nangyari pero wala lang silang reaksyon doon.
Nga pala si miss amy ang incharge sa fielding nato. Kahit babae yan..sobrang lakas niyan.
Walang duda ngang malakas yung transferee.
------------------------------------------------------------------
Zak on the multimedia.. :)
YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?