S35

5.9K 178 3
                                        


Third person's POV


Halos mapuno ang buong grandstand arena ng Hell Empire School dahil sa patimpalak na magaganap para sa posisyong naiwan ng rank 1.


Kompleto ang lahat ng grupo na nakaupo palibot sa battle ring ng arena, sa itaas naman ay nakaupo ang tatlong emperors na nakatingin lamang sa mga nilalang na sabik na sabik makita ang labanang magaganap. Sa di naman kalayuan sa isang sulok ng arena nakaupo ang dating rank 1. Ayaw nilang magpakita dahil baka di matuloy ang patimpalak nais lamang kasi nilang makita kung sino ang papalit sa kanila.



Isa- isang tinawag ang mga grupong sasali sa patimpalak. Sa kada grupo ay merong representatives at sila ay pawang malalakas din meron din namang lakas loob na sumali sa naturang labanan kung saan masususkat ang kanilang tatag, lakas at tibay.



Napatahimik ang lahat at tila naguguluhan ng marinig na sumali ang grupo ng yakuza. Tila naguluhan naman at naka kunot- noo ang tatlong emperors kahit gusto nilang wag pa salihin ang mga yakuza ay wala silang magagawa. Tila di naman makapaniwala ang emcee sa kanyang nabasa sa kanyang listahan di niya kasi napansin ang nakasulat sa hulihang bahagi.


Naging mabigat ang atmosphere ng arena dahil sa pagpasok ng dalawang nilalang na kumakatawan sa grupo ng mga yakuza. Sa isang banda naman ay tila napapaisip sina traze, denver at blake kung bakit naisipan ng grupo na sumali dito. Sa ilang taong may nagaganap na labanan ay di sumasali ang mga ito at ngayon lamang.


Sa pinakamataas na bahagi ng arena sa gitna nito, sa di kakitaan ng mga tao ay may nakaupong isang nilalang. Pinapanood lamang niya ang mga nilalang nasa ibaba niya at binabantayan ang paglabas ng isang nilalang sa kanyang lungga.


Ang labanang magaganap ay isang royale rambol kung saan ang matitirang grupo ang siyang tatanghaling panalo.


Nakarecover lamang ang lahat ng biglang tumunog ang bell kung saan magsisimula na ang labanan. Tila nagkaroon naman ng isang plano ang lahat ng manlalaro kung saan ang kanilang pinag- kakaisahan na unahing patumabahin ay ang dalawang kumakatawan sa yakuzas.


Napa smirk lamang ang nilalang na nagmamasid sa itaas sa nagaganap na laban. "Di nila matatalo sila" makahulugang sabi nito na patuloy lang tinitingnan ang pagtumaba at pagtilapon ng mga ibang myembro palayo sa dalawa.

Tila di naman makapaniwala ang mga manonood pati na din ang mga emperors sa kanilang nakikita.

"Gaano ba kalakas sila?" yan ang katanungan sa kanilang mga ulo na kahit na sina traze, blake at denver ay ganun din ang iniisip.


Napa smirk naman ang nilalang na nasa itaas at tumalon ito pababa sa isang madilim na sulok at naglakad papunta sa isang private room sa loob ng arena.


Sa isang bahagi naman ng arena sa isang private room, ay may nakaupong matanda. Di niya akalain na darating ang araw na to kung saan masasaksihan niya ang labanang ito. Tumayo siya sa kanyang upuan at lumapit sa glass na nagsisilbing tabing lamang para makita niya ang labanan sa ibaba.

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now