Flare's poV
Ugh.. Bwesit, malapit nalng mag time. Anu ba yan.. Di kasi ako masyado makatulog kasi naman iniisip ko yung mission ko. Tinatamad kasi ako..
Dali dali na akong naligo at nagbihis.. At tsaka ko lng naisip. Bat ba atat akong pumasok sa tamang oras ng klase? Eh hindi ko nman to ginagawa hah..
"Aist!" sambit ko at ginulo ko ang buhok ko. Kinuha ko na ang headphones ko.. At sinukbit sa leeg ko. Wala akong bag na dala kasi tamad ako.. Bahala kayo diyan mag.isip ng kung anu anu sa akin.
Naglakad na ako patungo sa cafeteria para kumain. Wala ng mga estudyante dito. May klase na kasi. Inubos ko na ang pagkain ko at pumunta na sa room namin. Tapos na ang first subject namin at ang susunod ay yung ability testing o yung sinasanay ang kakayahan namin. Kaya dumiretso na ako sa field at hinanap ang mga kaklase ko.
Pagkarating ko sa field maraming mga estudyante na dito. Akala ko kami lang, tsk. Tsk.. Hindi pala. Sabay pala yung buong studyante dito sa ability testing.
Napatingin naman ang lahat sa gawi ko ng maglakad na ako papunta sa mga kaklase ko. Tsk.. I hate attentions!.
Pumunta nalang ako sa likod ng mga kaklase kong nakatayo at tumayo doon at bored na tumingin sa kanila. Napabalik na din ang ibang estudyante sa kanilang mga ginagawa.
Naramdaman kong may tumitingin sa akin kaya nilingon ko kung sino yun. Oh? Isang grupo ng mga estudyante at mukhang malalakas sila. Napaiwas naman sikang lahat ng tingin sa akin. Kumibit balikat lang ako at binaling ang tingin ko sa unahan ko.
------------------------------------
Blake's poV
Nasa may field kami ngayong mga special class. Nakabalik na din kasi kagabi ang ilan naming kaklase at isang bad news lang ang nakuha nila. At yun ay walang balita sa nawawalang prinsesa.
Napabaling naman ang tingin namin ng biglang tumahimik ang kaninang medyo maingay na field at lahat ng mga estudyante at nakatingin sa isang estudyante papunta sa isang klase. Oh? Nasa kasunod palang section siya nabibilang. Kaya pala.. Malakas din, bakit di siya napunta samin? Napaisip na ako..
Alam na pala ng kaklase namin ang nangyari kay mariel na hanggang ngayon ay nasa clinic pa at nagpapahinga. Nabali kasi ang ilang buto sa katatwan nito na nererestore ng mga healers ngayon. At ang pagkasugat ni miss amy. Panong di nila malalaman.. Eh, hanggang ngayon usap usapan pa din yun.
Pumunta siya sa likod ng mga kaklase niya at tumayo.. Tapos, bigla nalang siyang napatingin sa direksyon namin. Wala kang mababasang reaction o kahit na anu sa mga mata niya. At bigla nalng akong napaiwas ng tingin ganun na din ang mga kasama ko. Meron sa tingin niya na di namin mawari kung anu.
Napatingin naman ako sa mga kasama ko..
"Sino ba talaga siya?" tanong ni aldren. Isa sa mga kaklase namin.
"Napaka mysterious niya.." sabi naman ni jane.
"Tol.. Nasan si traze?" napakibit balikat nalang ako ng tanungin ako ni denver.
Dapat naming alamin kung sino nga ba ang transferee na to.. May na se.sense kasi akong kakaiba sa kanya.
--------------------------------------------------------
Denver on the multimedia.. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/37368340-288-k141135.jpg)
YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasyNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?