S39

5.2K 144 0
                                        


Flare's POV


Pinagmasdan ko ang bilog na buwan sa aking balcony. "Mag bu- blue moon na pala mamaya". Ilang oras nalang ang hihintayin ko para maganap ang ritwal.


Pumasok na ako sa loob at tumingin sa full length mirror ko dito. Hinaplos ko lang ito at tiningnan ko ng maigi ang aking reflexion. Di ko na makikita ang ina ko dito, "flare anak, mag- iingat ka." yun lang ang huling narinig ko bago mawala ang connection naming dalawa.Sigurado akong may ginawa na nman ang reyna na iyun sa aking ina.


Naikuyom ko ang aking mga kamay at tumalikod na sa salamin.


Binuksan ko ang pintuan sa banyo at nagsimula nang maghubad tsaka ko ini- on ang shower. Hinayaan ko na maglandas ang maaligamgam na tubig sa aking katawan kasabay ng pag- agos ng aking mga luha.


Ina- alala ko yung mga oras na masaya pa ako sa piling ng aking mga magulang, ngunit mas marami pa ata ang mga alalang masasakit at kalungkutan kesa sa mga masasaya. Maaga akong naulila sa pagmamahal, pagmamahal na di ko maranasan at kasiyahan na di ko maramdaman tulad ng iba na buo pa ang mga pamilya.


Ang nais ko lang naman ay makasama ang aking ina, ang maging masaya muli katulad noong bata pa ako. Ang maramdaman na may nag- aalaga sayo. Ngunit.....,, sa tingin ko di na ito maibabalik pa.


Naikuyom ko lamang ang aking mga kamay at naisuntok ko ang kanan ko sa pader.Ilang raming suntok ang ginawa ko hanggang sa magdugo ang aking kamao. Pinanood ko lamang ang aking dugong dumadaloy kasama ang tubig.


"Pangako, magiging masaya din tayo ina.. pangako yan!.."


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Zak's POV


Hanggang ngayon di ko talaga maisip na si flare ang taga pangalaga ng dark spirit guardian na iyun. Pero, ipagliliban muna namin ito. Sa ngayon ang dapat naming intindihin ay ang nalalapit na ritwal na isasagawa ngayon. Dapat kaming maging alisto sa lahat, di dapat namin masira ang ritwal na iyun ngunit dapat din naming magbantay sa paligid. Di namin alam kung kelan iyun kukunin ng reyna,.


"Handa na ba ang lahat?" seryosong tanong ni miss Amy. Tama buong class S ay pupunta sa withcher mountain para magbantay sa anumang kalaban, Dapat din kasi naming pangalagaan ang mga skepters na iyun lalong- lalo na mukhang may binabalak ang reyna sa mga skepters na iyun. Kung paano namin nalaman?? tanungin niyo si HM, siya lang naman nakakaalam ng lahat eh.


Minsan nga naisip ko, paano nalang kaya kung traidor si HM at isa lamang itong patibong?? pero di naman siguro., diba??


"Zak,,. aalis na daw tayo." napabalik lang ako sa katinuan ko ng tapikin ako ni blake. Tumango lamang ako sa kanya at nagkatinginan pa kami ni traze bago lumabas sa HQ namin.


Bakit ganito?? bakit feeling ko may masamang mangyayari ngayon??


----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

UD.., UD..., hehehehehe',. ayan na talaga',. mag wa- war nah!! :D


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now