S34

5.7K 177 10
                                    


Troy's POV


"Tol, may paligsahan palang magaganap sa "Academy" para daw yun sa pwestong iniwan natin." napamulat ako ng mga mata ko sa sinabi ni blake sa akin. Hahanap pala sila ng bagong rank 1 kung ganun, mahirap yun.. Marami kasing gustong makuha ang pwesto na yun at pagnagkataon baka sa maling grupo pa yun mapunta.


"Di ba tayo pupunta doon?? kahit manonood lang tayo?" umupo ako sa sofa na hinihigaan ko at napa isip. Wala naman sigurong masama kung pumunta kami doon at sumilip man lang diba?


"maghanda kayo punta tayong human world, sisilip tayo doon." tumayo na ako at kitang- kita ko pa ang pag ngiti nina denver at blake. Napapailing lamang ako, namimiss na din siguro nila ang pag basag- ulo sa iba.


Pupuntahan ko si miss amy at hihingi ng permiso para kalabas dito tutal wala pa namang nababalitaang atake ng kahit na anu sa paligid ng academy.


Ilang linggo na ding naging tahimik at matiwasay dito. At ito ang kinakabahan namin, parang may kakaibang mangyayari kasi at napakatahimik. Sabihin na nating mabuti na at tahimik pero iba to.. Di tumatahimik ng ganito ang reyna. Siguradong may niluluto na nmang plano ang reyna na iyun.


----------------------------------------------------------------------------------------

Flare's POV


Kanina ko pa napapansin ang pagsunod nila, Akala nila di ko malalaman. Mga tanga talaga, may utak din pala ang reyna na yun. Akala ko di na niya papadalhan ng mga soul eaters dito sa mundo ng mga tao.


Ayaw niya talaga akong tantanan, anu ba talaga kelangan neto sakin?


Umakyat ako sa isang mataas na puno at pinalabas ko ang light bow and arrow ko. 1 2 3 4 5 6 .. 6 soul eaters. Kitang- kita ko ang paglanghap nila sa hangin at ang kanilang mga mahahabang kuko at naglalaway na mga bibig.


Inayos ko na ang light bow and arrow ko at pinuntirya ang isang soul eater na nasa kanan ko. Target lock at nirelease ko ang arrow. Parang sing bilis ng kidlat ang pagbulusok ng pana papunta sa dibdib ng soul eater at once na na contact na ito sa katawan magliliwanag ito at sasabog na parang firework na puti.


Napa lingon ang lahat na soul eaters sa posisyon ko at tila mga gutom na tigre na mabilis na sumugod sila sa puno. Mabilis ko namang hinawakan ng tamang posisyon ang pana ko at automatic na magkakaroon ng light arrow sa strings nito. Ni release ko na ito at ang isang arrow ay naging marami at bumulusok ito sa direksyon ng mga soul eaters.


"tsk..," mabilis akong tumalon paalis sa puno dahil sa isang soul eaters. tatlo lang ang nadali ng mga pana ko. Nakaiwas pa tong dalawa. Mabilis akong yumuko ng maramdaman ko ang matatalim na kuko na papunta sa mukha ko..,


"whooo.., lapit na yun hah!" sinangga ko ng pana ko ang isang kamay na kakalmot sana sa akin at tinadyakan ko ang nilalang palayo sa akin. yumuko ulit ako at umikot ng maramdaman ko ang papuntang nilalang sa likod ko.


"tsk.., di ko magamit yung pana ko" mabilis na nadisperse ang pana ko at tumalon ako ng mataas palikod ng makatayo na ang natumbang soul eater sa pagsipa ko kanina at napaharap naman ang isang pasugod kanina sa akin.


Mabilis kong pinalabas ang lightning sword ko sa kanang kamay ko at nag handa sa pagsugod. Mabilis namang sumugod ang dalawa sa akin. Sumugod na din ako sa kanila, yung unang soul eater mabilis kung hiniwa sa dibdib ang nilalang na yun at umiwas sa kukong parating sa akin. YUmuko ako ulit at mabilis na umikot sa likod ng isang soul eater at sinaksak ito sa likod.


Lumusot pa nga ang sword ko sa katawan niya, hinigit ko na ito at kitang- kita ko pa ang pagdaloy ng kuryente sa katawan neto at tuluyan na ding natumba ito at naging abo.


Ang galing lang talaga ng mga sandata namin dahil may mga iba't- ibang effects ito. Di ko na inalintana ang paghapdi ng mga palapulsuhan ko.


Nawala na din ang sandata ko at naglakad na ako paalis sa lugar na yun. "tsk.." may mga tilamsik pa pala ako ng dugo. Makauwi na nga at maliligo muna.


------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry at ngayon lang naka UD',. Hope you like this chappy',. :)


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now