Flare's poV
Bwisit na bwisit na ako.. Naglalakad ako ngayon papunta sa klassroom namin.
Di na nga ako nakakain pinapatawag pa ako ng HM na yun. Aba kotang kota na ako sa araw na ito. Sino ba namang nagsabing mag.aaral ako dito? Eh, sapilitan lng nman akong pinasok dito.
Kailangan ko na talagang mag.isip ng paraan para makalabas na dito.
Pagkapasok ko sa room namin agad na akong umupo sa upu.an ko. Pinagbubulung bulungan na nman ako ng mga hangal kong ka klase.. Tsk tsk..
Di nagtagal pumasok na rin ang guro namin at nagsimula na siyang magturo.. Di nman ako nakikinig sa kanya. Tinatamad ako at isa pa medyo inaantok na din ako.
Napabalik ako sa aking sarili ng biglang may lumipad na shuriken papunta sa mukha ko. Agad ko nman itong pinigilan gamit ang kamay ko.. Yung parang ipinag stop ko lang at ini sway paharap ang palad ko. Biglang tumigil nman ang shuriken at lumipad pabalik sa harapan ng guro.
Iginiya pagilid lng ng guro ang ulo niya at tumusok ang shuriken sa board. Bigla nalng ulit siyang nagbato ng mga shuriken sa akin. Aba, napa smirk nalng ako sa kanya. Pero sa ngayon ang shurijen niya meron ng maliliit na dahon na kasama at di na masyadong makita ang mga shuriken. Pero kitang kita ko pa din ito. Sinumon ko na ang isang dagger ko.. Dagger na may elementong hangin.
Ginamit ko itong pangsangga sa mga shuriken niya. Sa isang sway ng dagger ko at pagtama sa shuriken niya gumagawa ito ng maliit na ipo ipo.. Kaya ang resulta ang mga dahon niya ay hinihigop ng mga ipo ipo ko kaya kitang kita na ngayon ang mga shuriken niya.
Napanga nga nalang at nanonood ang mga kaklase ko at sa gilid na silang lahat naka pwesto. May ilang estudyante na din ang nakikiusyoso sa labas ng silid namin at sumisilip sa nagaganap.
Ang dami na ding wasak at basag sa loob ng room namin pero wala pa ding balak tumigil ang guro na to. Aba.. Anung gusto nito? Wasakin ang buong room? Game ako diyan.. .
Patuloy pa din siya sa pagtatapon ng shuriken sa akin habang umiiwas sa mga atake ko. Matibay din ang guro na to hah.. Paikot ako sa likod niya at ganun din siya sa akin ng nadali niya ang gilid ng uniform ko.. Tsk.. Huminto siya sa harap ko at nag smirk. Kita na ngayon ang makinis kong gilid. Pero nag smirk din ako sa kanya at pibadaan sa harap ko ang dagger kong may tumulong dugo. Nanglalaki ang mga mata niya at nabitawan niya ang isang shuriken niya at napahawak sa tiyan niyang may hiwa at may tumutulong dugo.
Whoah..
Ang galing...
First time na masugatan si ma'am amy..
Dinig kong bulong bulongan nila. Oh.. Record breaker pala ako.
"Magaling.. Miss flare..di ko alam na ganyan ka pala ga galing." nakangiting sabi ng guro namin. Nawala na yung daggers ko at ganun na din sa kanya. Umupo ba din ang mga kaklase ko at nagsibalikan na ang mga tsismoso't tsismosa.
"Okay.. Sa ngayon wala na akong masasabi. So, class dismiss and miss flare, pwedi ka bang pumunta mamaya sa office ko! Thank you.." baling nito sa akin. At tumango naman ako sa kanya. Wala nman sigurong mamawala kapag pumunta ako doon diba? Haist.. Makabalik na nga muna sa dorm. Wala namang klase eh.
-----------------------------
Sorry.. Ngayon lng nakapag UD. Plz.. Comment and vote guys.. Tnx..

YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasiNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?