Kaizer's POV
"Clover, Spade.. Bring those skepters with you. Will use some of its power to know who is the killer behind my grandfather's death and I think we can't hide ourselves anymore." Tsaka na ako tumalikod sa kanila at pumunta sa silid ko. Kailangan ko nang e activate ang kapangyarihan ng tatlong skepters na iyun at tsaka ito na din siguro ang oras mamayang gabi na din kasi ang blue moon. Tamang- tama lang para sa ritwal na gagawin namin.
Tama nga si lolo, di ko to matatakasan. Nasa dugo na ata namin ang pagiging guardians at buti lang nga at ang dalawang guardians ay sina spade at clover din. Kaming mga guardians ay may mga spirit ding taglay na pwedi naming gamitin sa pag protekta sa aming mga sarili.
Mag- aayos muna ako dito mag ba byahe pa kasi kami mamaya patungo sa bundok ng witchers. Sa bundok na iyun gagawin ang ritwal sabi noon ni lolo tsaka na train na kaming tatlo para dito kailangan din naming mag- ingat sa paggawa ng activation ng mga skepters. Di din kasi pweding di ma activate ang powers neto dahil sasabog ang mga skepters at bubukas lahat ng mga dimension dito sa mundo ng mga tao.
Kaya sa ayaw at sa gusto namin kailangan na itong e- activate. Sana magtagumpay kami sa ritwal, sana lang...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Flare's POV
"tsk.., mga hangal na halimaw, akala niyo mapapatay niyo ako?" Pinalabas ko ang dark scythe ko at pinalandas ko ang aking dugo mula sa hawakan ng scythe patungo sa talim nito. Nag- iba na din ang aking buhok at pati ang mata ko ay nag- iba na din. Mula sa itim na buhok na ginagamit ko ay pumula na ito at ang blue kong mata ay naging red na din at yung iris ko naging cross na ito. Ito ang isa ko pang anyo ang anyo ng dark spirit guardian. Yung tattoo naman ng dragon sa likod ko ay naging kulay itim na merong apoy sa paligid niya.
Pinapalabas ko lamang ito kapag ang kalaban ko ay malalakas. Ito ding anyo ang ginamit ko noon sa pagpatay sa grupo ni melvin at ng mga ghoul na iyun.
"Kahit.., ikaw ang dark spirit guardian, papatayin kapa din namin babae." malalim na boses na sambit neto sakin. Mga halimaw nga naman ng underworld oh.., walang kinatatakutan kahit kamatayan na nila. Mga hambog at nagtatapang tapangan pa..
"Edi simulan nah!!" sambit ko at mabilis na sinugod sila. Marami- rami din pala ang lilinisin ko dito, Tumalon ako ng mataas tsaka hinampas ang scythe ko sa unang dalawang demon monster na nasa ibaba ko at mabilis na naputol ang ulo nila at naging itim na usok at hinigop na agad ito ng mga marka ko. Mabubusog na naman ako neto, nakangiting demonyo na naman ako.
Mabilis akong umiwas at umilid ng akmang aambahan ako ng isa, Iniwasiwas ko ang scythe ko paikot sa katawan ko at nagka putol putol ang mga katawan nila. At katulad ng mga nauna ay naging usok din silang itim at pumapasok sa mga marka ko.
Yung tatlong demon monsters ay pinalabas ang kanilang mga pakpak at lumipad pero syempre di ko sila hahayaan kaya mabilis ko ding pinalabas ang dark demon wings ko. Yung dark spirit guardian ko ay may kakayahang magpalabas ng mga pakpak ganun din ang spirit kong Demon God of hell.
YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasiNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?