S23

6.3K 237 5
                                        


3rd person's poV

Gumawa ng barrier si miss amy at sinimulang ipartner ang mga class S pwera lang kay flare na nakaupo sa damu at nanonood sa pagsasanay ng mga kasama niya.

Kitang- kita niya kung paano makipag laban ang mga ito. Malalakas talaga ang nasa class S at wala iyung duda.

Feel na feel parin ni flare ang pagtanaw sa mga kasama niya at ang pagkain ng apple niya.


Sa isang banda naman, naglilibot libot si miss amy sa mga class S at tinitingnan ang mga ito ng may maisip siyang magandang idea. Pinapatigil muna ni miss amy ang ilan sa mga class S na mapuntahan niya at may binubulong. Napapa kunot noo ang ilan at ang ilan nman sa kanila ay naka smirk sa binulong ni miss amy lalong lalo na si mariel na parang tuwang-tuwa sa binulong ni miss amy.

Samantala, feel na feel parin ni flare ang pagkain niya ng apple niya ng bigla nalang may lumipad na dagger na binabalutan ng apoy papunta sa direksyon niya. Agad nman siyang umiwas at tumayo, tiningnan niya lang ang bumato si traze iyun.. May naramdaman ulit siya na may paparating at isang kunai naman ito na binabalutan ng isang liwanag. At alam niya kung kanino ito nanggaling.


Umiwas ulit siya at sunod sunod na naramdaman ulit ang mga dagger na may apoy papunta sa direksyon niya. Umiwas lang ng umiwas si flare.

Dalawa na ngayon ang umaatake sa kanya. Isang apoy at isang light. Mabibilis at malalakas ang mga atake nila pero umiiwas lang si flare sa lahat. Ang ibang class S nman ay gumilid nalang at nanood sa laban ng tatlo. Tila namamangha pa sila dahil sa pagiwas lang ni flare sa mga tira habang si mariel naman ito nagngingitngit dahil di parin masugat sugatan si flare.


"Traze.." napatango naman si traze sa pagtawag ni zak. Ibig lang nun sabihin gagawin na nila ang planu.

Agad na bumuo ng maraming fire dagger si traze habang hinahanda ni zak ang kanyang mga light kunais.

Sabay sabay na tinira nina zak at traze si flare. Pero nakatayo lang at naghihintay si flare sa pagdating ng mga tira.

Nagkaroon ng maraming usok ang pwesto kanina ni flare. Napatayo na din ang mga class S na nanonood at nakangiti naman si mariel.


Habang si zak at traze nman ay nakafocus parin ang paningin sa pwesto ni flare.

Unting unti ng nawawala ang usok sa pwesto ni flare at napa nganga nalang ang class S sa nakita habang naka ngiti naman si miss amy at medyo nagulat naman sina zak at traze. Di nila akalain na walang ni isang gasgas o sugat manlang ang makikita sa katawan ni flare.


"What the?? Paano nangyari yun?" manghang saad naman ni denver.

"She's really something.." saad nman ni blake.

Sinumon naman ni flare ang wind katana niya. Pagkakita ng dalawa ay agad na sinumon din nila ang fire at light sword nila.

Ibang klase.. Katana ang na isumon niya? Yan ang nasa isip nilang lahat ng makita ang sandata ni flare.

Agad namang pumwesto ang dalawang lalaki para sa paghanda ng atake. Pero mabilis din silang nag defense mood ng makitang sumugod na si flare. Mabilis ang kanilang galaw. Nasangga ni traze ang katana ni flare habang umaatake na si zak pero bago pa masugatan ni zak si flare umiikot ito.

Tila na a.amuse naman ang mga class S sa nakikita nila. Nakakasabay sa mga atake at galaw si flare at minsan nga di masyasdong masabayan nina traze at zak ito.

Napa smirk ang dalawa ng makitang nadali nila ang gilid ng damit ni flare at ang kanyang 6 pockets. Agad namang sumugod ulit si flare sa dalawa ng mas mabilis pa sa kanina at kitang kitang nahihirapan na ang dalawang lalaki sa pagsabay.


"Whoa!!" reaksyon ng mga class S. Panu ba naman may sugat sa pisngi ang dalawang lalaki at ang sira sira ang kanilang damit.

Tila uminit nman ang ulo ng dalawa dahil sa sugat. Hinubad nila ang kanilang t.shirt at sumugod kay flare.


Whoa.. Ang ganda nman pala ng katawan ng dalawang ito. Sa isip isip ni flare.

Gumagalaw ulit silang tatlo. Mas mabilis at mas malakas na pwersa na ang nagagamit nila. Tila di na makapaniwala ang mga class S sa nakikita. Di nila akalain na ganito pala kalakas ang dalawang lalaki na nasa top rank nila at mas tila na shocked sila dahil kayang kaya pang makipag sabayan ni flare sa dalawa.

Parang tunay na laban na ang nagaganap sa pagitan ng tatlo. At cool na cool parin si miss amy na nakatingin sa tatlo.


Samantala, sabay sabay nmang sumugod ang tatlo at isang malakas na impact ang nangyari. Tila yumanig ang paligid nila at nagkaroon ng malakas na shock wave. Bigla nalang lumundag ng mabilis ang tatlo palayo sa isat isa. Nadisperse naman ang kanilang mga sandata.

-------------------
Hello guys.. How's this chappy??

I dedicate this chappy to blue_ageha thanks for adding my 3 stories in your RL., :)

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now