S10

6.1K 214 2
                                    

Break time na namin.. Dire-diretso naman ako sa paglalakad patungong cafeteria. Di ko pinapansin ang ilang estudyanteng tumitingin at bumubulong bulong. Eh sa wala akong paki eh, basta walang hahawak sa akin.

Nakarating na ako sa cafeteria at kumuha na ng pagkain. Habang kumukuha ako may komusyong nagaganap.

"You..how dare you para tapunan ako ng pagkain!!??" malakas na sigaw ng isang babae. Natapilok kasi ang isang babae sa harapan niya at nabuhos ang pagkain niya doon.

"D-di k-ko p-po s-sinasadya... P-pasensya n-na p-po..!" mautal utal naman na sambit nung babaeng nakatapon. Psh, bat ba siya natatakot sa babaeng yan? Naglakad nalang ako patungo sa isang mesa na walang tao ng biglang mahulog ang pagkain ko sa mga kamay ko.

Pinanood ko lang ito na tila isang slow mong nahulog sa lapag. Uminit bigla ang ulo ko, ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pagdidistorbo at pagsasayang ng pagkain ko.

"Hah .. Buti nga sayong babae ka! Bwiset. Sa susunod wag mo akong bubuhusan ng pagkain mo!! Tingnan mo ang dinadaanan mo.!" rinig ko pang sigaw ng babae sa babaeng nakahandusay sa sahig at may ilang dugo sa katawan niya. Tahimik naman at nanonood lang ang mga tao dito.

"Sinong lapastangan ang sumira sa pagkain ko?" mahinahon at may diin kong sabi. Tila nag stiff naman ang katawan ng lahat na nandito. Naka.awang naman ang bibig ng babae na sumisigaw kanina.

"Walang sasagot?" napansin kong lalong parang naging bato sila at medyo nanginig. Ganito na ba ako nakakatakot?

"A-ako!! Bakit? Gusto mo bang maging kagaya niya!" garalgal na tila nanginginig sa takot na sambit nung babae.


Tila uminit bigla ang ulo ko sa sinabi niya kaya sa isang kurap lang nandito na ako sa harap niya at hawak hawak siya sa leeg niya.


"Ang ayoko sa lahat ay yung sinisira ang oras ko sa pagkain." nakakatakot na sambit ko dito. Nakita ko namang namutla siya at pilit na kumakawala sa aking pagkakasakal pero di niya magawa. Ngumisi lang ako at binalibag ko siya na parang papel at tuluyan na siyang bumagsak sa isang mesa. Nawasak naman ang mesa na yun na nasa kabilang bahagi pa ng cafeteria. Oh, masyado palang malakas ang pagkapalibag ko.

"S-salamat..." napatingin naman ako sa babaeng nakaupo na sa sahig at hawak hawak ang braso niyang dumudugo at may mga dumi pa ng pagkain. Dahil siya lang naman ang dahilan ng paghulog ng pagkain ko sa mga kamay ko.

"Tss.. I don't saved you. I revenge my food!" walang ganang sabi ko dito at akmang maglalakad na sana ng mapahinto ako.

"Anong kaguluhan to??" dumadagungdong na tinig ng isang lalaki ang napukaw ng atensyon ng lahat at ang nagpahinto sa akin.


"Sino ang may gawa nito?" tanong na pang muli. At tila automatic namang bumaling ang ulo ng lahat sa akin at napasunod ang tingin niya rito. Mukhang di naman siya nagulat ng makita ako. At isa pa di kaya ako ang nauna, psh.


"Miss flare... Sumunod ka sakin." yun lang ang sinabi niya at tumalikod na. Hah, akala niya susunod ako sa kanya? Duh... Siya naman may kasalanan kung bakit ako nandito eh.


"Hala.. Anu kayang gagawin ni HM?"

"Lagoot yang babaing yan!"

"Baka parusahan yan!"

"Pero ang lakas niya hah.."

Ilan lang yan sa mga narinig ko sa loob ng cafeteria bago ako lumabas at tinahak ang ibang direksyon. Yup, ayokong sumunod kay HM. Bahala siya kung maiinis siya sa akin. Total, yan naman ang plano ang mainis siya hanggang sa e expel niya ako dito.

---------------------------

Pls. Comment and vote guys. Thank you!!

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now