"Mama..mama.." iyak ng isang batang babae sa ina neto.
"Tumigil ka wala akong anak... Hindi kita anak, papatayin kita.. "
"Mama. Huk..ma..huk..ma.. Ta..ma huk.m-ma.." iyak ng iyak pa din ang batang babae habang nilalatigo ito.
"Hindi!! Ikaw.. Papatayin talaga kitang bata ka.. Aahh, para mas maganda patatagalin natin ang pagdurusa mo.! Hahaha.." tumatawa ito habang sinisipa niya ang batang babae.
"Hala.. Ekadena yang batang yan. At wag na wag niyong papatakaain kung hindi kayo ang papatayin ko!" sigaw neto sa mga kawal ng underground cell kung saan ikukulong niya ang batang babae.
"M-ma..ma.. W-wag..ma.. Arrgghhh.." halos mawalan na ng malay ang batang babae dahil sa pagtilapon niya sa pader na gawa ng kanyang ina.
"Aarrgghhh..t-tama n-na..aarrgghh!" ang munting tinig lang ng batang babae ang maririnig sa selda..
"Tama na!!!!" napabalikwas ako ng bangon.
"Same nightmare again.." napakuyom ko ang kamao ko. Nandito pa pala ako sa bathtub. Nakatulog pa ako dito.. Tsk.
Tinapos ko na ang paligo ko at nagbihis. Nagsuot ako ng isang longsleve na black and white, six pockets at vans highcut shoes. Sinuot ko na din ang dalawang medyo malapad na boller ko na itim sa magkabilang kamay ko.
Binitbit ko ang skateboard ko at lumabas ng dorm. Gabi na din pala kaya maglilibot muna ako.
Malaki at malawak ang academy nato. May magugubat na parte din at may mga hardin sa paligid. Mukhang malayo kami sa kabihasnan.. Kitang kita ko din ang matayog at mataas na pader na pinapalibutan ang buong academy.
Naglakad lakad lang ako papunta sa gubat bitbit ang skateboard ko ng may nakita akong anino.
Dahan dahan akong lumapit doon at nagkuble sa isang puno.
"Shit.." napahawak ako bigla ng mahigpit sa aking skateboard ng makita ang isang soul eaters ay hindi isa dalawa pala.
Paano nakapasok ang mga ito dito? Sinundan ko sila ng palihim at maingat hanggang sa matapilok ako at nabitawan ko ang skateboard ko na naging sanhi ng tunog.
"Ahm.. Hi??" sabi ko ng biglang lumingon ang dalawa sa akin. At bigla nalang silang naglaway.. Eww..
Mabilis na tumakbo ang dalawa papunta sa akin at akmang dadambahan nila ako pero tumayo ako agad at tumalon ng paatras sa kanila.
Mabilis sila ulit na sumugod sa akin, isa sa kaliwa ko na akmang kakalmutin ako ng mahabang kuko niya pero nagback flip ako kasabay ng pagsipa sa harap na siyang paglapit ng isa.
Ayun sapol sa panga, agad naman akong yumuko ng akmang kakalmutin ulit ako ng isa. Mabilis akong umikot at hinawakan siya sa leeg at hinampas sa isang puno.
Sumusugod na din ang isa kaya mabilis akong nag cartwheel at binigyan siya ng malutong ba sipa ulit balikat na siyang ikinatumba niya ulit.
I summon my dagger, hindi ito pangkaraniwang dagger lang. Ang mga katulad namin ay kayang magsummon ng armas dahil sa spirit namin na siyang nagbibigay kapangyarihan sa amin. Naka depende ang armas at elemento neto sa spirit na nakakonekta sa iyo.
Mabilis kong sinugod ang isang soul eater na pasugod na din sa akin. Ginilitan ko siya sa leeg at sinipa sa leeg para maputol iyon. Agad naman itong naputol at naging sakura flowers ang katawan at ulo bago sumabog ang mga bulaklak at naging abo. Ito ang after shock ng dagger kong sinumon. Magiging sakura flowers ang sinumang nasugatan neto at kapag napatay ka ng armas kong ito sasabog ang katawan mong sakura flowers.
Tinapon ko direkta sa noo ng isang soul eater na tumalon ng mataas ang dagger ko at tumagos ito dito dahil sa pwersang nilagay ko sa pagtapon. Bago paman siya makalapag sa lupa naging sakura flowers na din ang katawan nito at naging abo.
Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod. Kinuha ko na rin ang skateboard ko at umalis na sa lugar na yun. Mawawala nalang ng kusa ang dagger ko at babalik ito sa loob ko.
"Aargghh.." daing ko ng maramdaman ang pamilyar na init at hapdi sa aking palapulsuhan.
Tiningnan ko ito at kitang kita ko ang pagguhit ng isang pulang liwanag sa tatak na nandoon. Nangyayari ito palagi pagkatapos akong makapatay ng soul eaters.
Binalik ko na ang boller ko dahil di na sumasakit ito. Naglakad na din ako pabalik sa dorm ko..

YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantastikNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?