S18

6.2K 225 7
                                    

Naglalakad lakad ako dito sa kalsada ng ravensville. Maraming tao na din akong nakakasalamuha pero parang may kakaibang nangyayari dito. Lahat kasi ng tao dito di nagpapansinan. I mean, yung parang may mga sariling mundo sila.

Nagpapalinga linga lng ako kung sakaling may makikita akong kakaiba dito. Di kasi ako mapakali..yung pakiramdam ko may mangyayaring masama.

"Ahhh..!!" malakas na tili ang narinig ko. Sabi ko na nga ba may mangyayaring masama. Agad namang nagsitakbohan ang mga tao sa kani kanilang mga bahay at isinirado lahat ng mga bintana at pinto ng mga tindahan at bahay.

Agad naman akong napatakbo sa isang eskinita. Nakita ko doon ang isang nilalang habang bitbit na parang sako ng bigas sa kanyang balikat ang isang babae. Alam kong babae kasi nakalaylay ang kanyang mahabang buhok at mga kamay sa likod ng lalaki.

Agad itong tumalon sa ibabaw ng isang bubong at tumakbo ng mabilis, di niya alintana ang babaeng bitbit neto. Umakyat na din ako sa pader at tumalon sa bubong.. Nagsimula na din akong sundan ang nilalang na yun.

Napalingon ito sa akin, at dahil sa medyo malayong distansya namin di ko masyadong makita ang kanyang mukha. Binilisan niya pa ang pagtakbo at pagtalon talon sa mga bubong kaya napabilis na din ako sa pagtakbo. Nag pa. Parkour na ako dito sa mga tindahan at bahay ng bayan na ito para masundan lang ang nilalang.

Pagkaliko ko sa dinaanan ng nilalang na yun. Bumulaga sa akin ang isang madilim at medyo nakakatakot na kalsada.

Tumalon ako pababa at naglakad patungo sa isang abandonadong gusali. I think nasa pinakadulong bahagi kami ng bayan nato. Ito siguro ang hide.out nila. Cool na cool lang akong naglalakad habang kinakagat ko yung isang apple ko. Eh, sa nagutom ako kakahabol eh.

Amoy na amoy ko ang mahalimuyak na bango ng isang masangsang na mga dugo na nanggagaling sa gusali.

Di ko ito muna nilanghap.. Di pa ito ang oras. Sa di kalayu an nakita ko ang isang grupo ng mga nilalang.

Kalahating kilometro ang layo ko sa kanila pero kitang kita ko ang kanilang mga malalaking ngipin at ang mga matang mapupula.

"So.. Kayo pala ang rason kung bakit maraming babae ang nawawala at natatagpuang patay sa bayang ito." cool na pagkakasabi ko dito at kumagat ulit sa apple ko.

Bigla nalang nahawi sa gitna ang kumpol ng mga nilalang na yun at lumabas doon ang isang nilalang na katulad din nila. Ah.. Siya siguro ang pinuno nila.

"Umalis ka dito sibilyan, wala kang karapatan pahimasukan ang gawain namin sa bayang ito." isang malaking boses na nanggaling sa pinuno ang narinig ko. Kumibit balikat lang ako at kumagat ulit sa apple ko.

"Umalis ka dito kung ayaw mo pang mamatay.. Dahil, kapag pinakielaman mo kami di kami magdadalawang isip na patayin ka at angkinin ang bayang pinagmulan mo. Masyado pa namang kakaiba at mabango ang amoy ng dugo mo." hinamyo pa neto ang hangin ng nakapikit at tila naglalaway na ito sa nalalanghap niya.

"Lisanin niyo na ang bayang ito at maghanap ng ibang masukal na pamugadan ng lahi niyo. Kung ayaw niyong isa.isahin ko kayo!"

"Nagpapatawa kaba? Ikaw? Papatayin kami? Hahahaha.. Ikaw ang papatayin namin at pagsasaluhan namin ang mabango mong dugo at kakainin yang lamang loob mo!" tila naglalaway na ito sa kanyang mga sinasabi.


"Kung magagawa niyo!!" sabi ko at binato ang natitirang apple ko at sumugod na sa kanila. Ayoko kasi ng puro daldal lang.

-----------------------

Zak's poV

Bitbit ko ngayon ang isang paperbag. Naglalakad ako patungo sa dorm ng babaeng yun. Busy ako kakaisip kung tatanggapin ba ito ng babaeng yun?

Baka nakabili na yun ng bago? Pero masyado pang maaga para magpunta sa mall ng academy nato. Tsk.. Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko ito o hindi. Teka nga, bakit naman kasi ako bumili nito? Dahil sa nagi guilty ako sa ginawa ko kahapon sa kanya? Eh sa katunayan nga dapat siya ang bumibigay ng offering sakin dahil ako ang nabugbog ng malala samin.. Haist, anu bang nangyayari sa akin? Di ako to..

Nakailang doorbell na ako pero walang sumasagot. Baka tulog pa? Baka nasa klase? Haist.. Kung iwan ko nalang kaya dito? Haist baka may kumuha pa.. Eh kung ibigay ko nalang sa mga kaibigan niya? Good idea..

Napafacepalm nalang ako ng maalala na wala siyang kaibigan dito in short loner.. Wala naman kasi akong nakitang kasama niya o kinakausap niya. Ahh.. Ibibigay ko nalang sa kanya sa klase niya? Teka.. Anu nman yung sasabihin ko pagkatapos?

"Ahh.. Bwesit.. Bakit pa kasi ako bumili nito? Tama.. Nagi guilty ako, yun lng.." bulong ko sa aking sarili. Para na akong baliw dito kakausap sa sarili ko.

------------------------------

Hello guys.. How's this chappy?? Comment and vote.. Thanks..

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now