S36

5.3K 164 36
                                        


Zak's POV


Nandito kami ngayon sa loob ng isang classroom, at ang masasabi ko lang sa lugar na ito ay masyadong umaalingasaw ang baho ng mga taong ito na nakapaligid sa amin. Bahong nagsasabing ilang dugo at buhay na ang nasayang dahil sa kanilang mga kamay.


Kasama ko dito sina Traze, blake at denver pinapasok kami nina HM at Miss Amy dito para imbistigahan ang paaralang ito at tsaka nalaman din pala namin na nandito sa loob ng paaralang ito ang guardians of skepters, dapat namin siyang mahanap agad para mabantayan at mapagsabihan.


Alam ko na din ang lahat tungkol sa paaralang ito, sinabi kasi ito lahat ni traze sa akin para di ako magmukhang tanga dito.


Nagkatinginan kaming apat ng biglang pumasok ang isang babae, kunot- noo ko siyang tiningnan hanggang sa makaupo siya sa upuan niya sa gilid. Di niya manlng kami binati o nginiti-an? SAbagay kelan pa ba ngumiti ang babeng yan? Tsk..


------------------------------------------------------------------------------------------------------

Flare's POV


Naku naman bakit nandito pa yang apat na asungot na yan? Mukhang sasali pa sila sa mga pina problema ko oh., naman..


"tsk" anong binabalak naman ng lalaking ito?


"Don't touch my hair" sabay tapik ko sa kamay ng isang to. Anong akala niya sa buhok ko laruan? Pinaglalaruan niya kasi yung buhok ko, yung parang pinapaikot- ikot sa kanyang daliri.


"You're really interesting darling, I want to know you more." mahinang bulong neto sakin kasabay ng pagdampi ng kanyang labi sa aking ulo. Nakatingin kasi ako sa labas ng bintana at di siya hinaharap, kilala ko naman kasi kung sino siya eh.


At dahil sa inis ko sa ginawa niya ay humarap ako bigla sa kanya at tiningnan siya ng masama. "Go to hell!" may diing sabi ko pero ang gago tumayo lang tsaka ginulo ang buhok ko at tumawa tsaka siya diretsong lumabas sa room.


"damn you.. Kaizer Ace Bersack!!" galit na sigaw ko at tumayo na din at lumabas sa pesteng classroom na iyun. Kainis, sino siya sa akala niya para halik- halikan ang buhok ko?


Lumabas ako sa room na yun not minding those people who were shock seeing us in that damn scene.


------------------------------------------------------------------------------------------

Keith Clover's POV


Whoa.., parang nanonood lamang kami ng isang movie kanina hah. Parang nasa dalawa lang kasi kanina ang atensyon ng lahat pati na din nga yung guro at yung apat na transfering magpapakilala sana sa harap.


Tsaka may napapansin ako sa apat na ito eh, mukhang kilala nila si flare sa paraan palang ng kanilang tingin.


Hmmm... makapag masid lang nga muna.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kaizer Ace's POV


Di ko alam bakit ko yun ginawa, basta natutuwa lang akong makita si flare tsaka di ko naman akalain na ma iirita pala siya sa ginawa ko. Gusto ko lang naman na makita ang iba't- ibang emosyon sa mga mata niya at syempre nagtagumpay ako kanina.,


Para kasing may nagtutulak sa akin na gawin iyun at parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Interesting talaga siya sa lahat ng babae dito, yung parang wala siyang paki sa suot niya, sa itsura niya at kung anu pang nangyayari sa paligid niya.


Pero bago muna ang lahat ng iyan, Kelangan kong malaman kung sino ang pumatay sa lolo ko.


Ito na siguro ang oras para gamitin iyun,. tsk.. ang sabi ko pa naman ay hinding- hindi ko ito gagamitin pero mukhang di ko talaga matatago ang katotohanan sa aming mga pagkatao.


"Ugh.., kainis!!!!" ginulo ko nalang ang buhok ko at naglakad patungo sa lamborghini egoista ko at pinahururot ito.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello?? hehehehe',. sorry ngayon lang nakapag UD


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now