S31

5.3K 195 0
                                    


Traze's Pov


Asan kana ba flare? kailangan ka namin ngayon..,

Umaatake kasi ngayon ang isang dragon,. ang dragon ng mga kidlat o ang tinatawag na forinsdil. Medyo kulay lila ito na bumubuga ng kidlat. Sinasalakay niya ngayon ang isang nayon na medyo malapit sa university namin. Kaya bilang nasa SC class kami ang pinadala para harapin ang dragon.


Di nga namin alam kung bakit umaatake ngayon sila, nananahimik lng nman kasi sila sa kanilang lungga pero ngayon ito nag at may umaatake na.


"Di talaga natin siya makakaya!!" rinig kung sigaw ni blake sa amin., puno na din kaming lahat ng mga galos at pasa. Halos maubos na ang enerhiya namin sa paggamit ng aming mga spirits pero wala pa din kaming panama sa dragon.


Nagwawala kasi ang dragon at parang may kumukontrol dito,.


"may kumikinang sa kanyang noo!! baka yun ang kumukontrol sa kanya?" napatingin naman kaming lahat sa noo ng dragon at meron ngang isang bagay na kumikinang doon,. Actually kanina ko pa yun napapansin eh, pero pinagsawalang bahala ko lng ito.


"Wasakin ang bagay sa noo nito!" malakas na sigaw ni zak at pumorma na kaming lahat para umatake ulit. Isa isang nagpalabas ulit kami ng aming mga sandata gamit ang spirit namin, pero di pa nga kami nakaka atake eh bumubuga na naman ng kuryente at kidlat ang dragon.,


Todo iwas kaming lahat dito at kanya kanyang atake din sa dragon.

"Ugh!!" shit,. ang sakit ng kidlat niya.., ilang boltahe kaya ang pinapakawalan niya? shit.., parang di ko na kaya,. kitang kita ko din kung paano nagsi pagtalbugan ang mga kaasamahan ko sa paligid. Nagka watak watak kami at hinang hina..,


Sa mga naglalabong mga mata nakita ko ang isang babaeng lumilipad at umaatake sa dragon .., hanggang sa matumba ang dragon at naging tahimik ang paligid., Kitang- kita ko kung sino siya..,




------------------------------------------------------------

Hello po sa lahat ng readers., sorry at ngayon lang nakapag UD',. hope you like this chappy guys., Thankies',. :)


Sa uulitin..

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now