S40

5.1K 165 4
                                        

Third Person's POV


Nakahanda na ang tatlong guardians sa gagawing ritwal, hinihintay nalang nila ang pagpatak ng tamang oras para masimulan na ito. Ramdam nila ang kakaibang aurang bumabalot sa buong witchers mountain at ang mga aura ng mga kakaibang nilalang na naka antabay lamang sa pagtatapos ng ritwal. Alam nila na pagkatapos na pagkatapos ng ritwal ay magkakaroon ng isang digmaan. Digmaan para makuha ang skepter, ang tatlong skepters na iyun ay magiging isa pagkatapos ng ritwal at magkakaroon na ito ng kapangyarihan na gustong- gustong kunin ng kahit na anong nilalang.


Kahit kinakabahan sila ay wala silang magagawa, dapat nilang harapin ang magaganap na iyun sa ayaw't sa gusto nila.


Sa isang banda naman ay naka posisyon na din ang mga class S at si miss Amy. Hihintayin nalang nila kung sino ang unang susugod sa mga kalaban nila, at masyado silang nag aalala kasi mukhang marami- rami din ang papabagsakin nila pero tiwala lang sila na makakaya nila ang mga ito. Habang sina zak, blake, denver at traze naman ay nakikiramdam kung darating ba o hindi si flare kahit alam nila na mukhang di dadating si flare para tulungan sila.


Habang sa isang bahagi naman ng bundok ay naka antabay din si reyna icea. Kailangan niya munang maghintay at susugod nalang sila kapag tapos na ang ritwal.


"Relax mga kampon!" suway nito sa kanyang mga nasasakupan dahil mukhang di makapag antay ang mga soul eaters na sugudin ang mga spirit holders na naaamoy nila sa paligid lamang ng bundok. Hindi pa ito ang tamang oras para sa digmaan dahil baka masira ang magaganap na ritwal, at maghihintay na naman sila ng ilang taon para mag blue moon ulit. At syempre di na siya makapag hintay noon. Excited na excited na kasi siyang buhayin ang kanyang pinakamamahal. Nakangiting demonyo lamang siya ng makitang naguumpisa na ang ritwal.



habang ang isang nilalang naman ay nakaupo lamang sa sanga ng isang puno na medyo malayo sa nagaganap na ritwal.


"Ang ganda naman.." sambit neto ng makita ang isang pentagon na nasisinagan ng ilaw ng buwan, umangat ang pentagon sa itaas at umangat din ang tatlong skepters na nagpapaikot- ikot sa loob ng pentagon habang naka triangular naman sina ace, spade at clover sa ilalim na siyang nagdadasal o nagsasalita ng ibang lenggwahe.


"Tsk.." yan lang ang masasabi ng isang nilalang pa na nakatanaw sa ginagawang ritwal. Tiningnan niya din isa- isa ang mga pwesto ng class S, ng reyna at ng mga kampon neto at isang di kilalang aura na ngayon niya lang naramdaman. Isang aura na masasabi niyang may ibubuga at may ipagmamalaki.


Pilit niyang inaalala kung kanino ang aurang iyun pero isang nilalang lamang ang pumapasok sa kanyang utak..


"Anong ginagawa ng isang to, dito??" yun lang ang nasabi niya bago makitang malapit ng matapos ang ritwal. Naghanda na siya at tinago ng mabuti ang kanyang aura.... "kailangan kong kumilos ng tahimik at banayad"...


"Malapit na mga kampon,. malapit na malapit nah.." nakangiting sambit ng reyna sa kanyang mga kampon at nagka hiyawan ang mga ito sa sabik at excitement. Iba't- ibang mga halimaw ang kasama ng reyna at lahat sila ay parag uhaw na uhaw sa pagpatay.


"Shit!!" yan nalang ang nasambit ng mga class S ng makitang nalalapit na ang pagtatapos ng ritwal. Bigla nalang umiba ang mga aura nina traze at zak na siyang nagpa seryoso sa mga class S na kasabay nilang paglabas ng kani- kanilang mga spirits kasama si miss Amy.


"Humanda na sa pagsalakay!!!" sambit ng reyna na sa mga tila hayok na hayok na mga alagad niya at sa pagkumpas ng kanyang mga kamay ay siya ding pagsugod ng mga kampon niya.


Mabilis ding nagsi kilos ang mga class S sa kanilang mga pwesto at nagsimula na ding pag papatayin ang mga halimaw na makita nila, kailangan walang ni isang halimaw ang makakalapit sa skepter. Yun lang ang kanilang misyon,.


Habang ang tatlong guardian naman ay nagsimula na ding magpalabas ng kanilang mga spirits,. white chains ang kay clover, deadly thorns naman ang kay ace at poisonous cards naman ang kay spade. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng ritwal ay bigla- biglang sumulpot ang mga halimaw na ito na di nila alam kung saan nanggaling habang nakikita na din nila ang ibang class S na naglalaban, kahit tila naguguluhan sila ay pinabayaan na lamang nila ito. Ito na siguro ang sinasabi ni lolo na mga kakampi namin., yun lang ang nasa isip ng tatlo habang patuloy sila sa pagprotekta sa skepter.


"Wow.., ang galing!!" pumapalakpak pa sa saya ang nilalang na nakaupo sa sanga habang nanonood siya sa nagaganap na laban. Di niya akalain na ganito pala kasaya manood ng live action kaya di niya mapigilang mamangha.


"tsk.." napalingon siya sa isang sanga ng may marinig siya at napalaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ito. "Anong ginagawa mo dito??" malamig na tanong ng babaeng naka tungtong sa isang sanga na nasa kanan niya. Di niya alam kung kelan pa nandiyan ang babae at di din niya alam kung bakit di niya naramdaman ang presensya neto.


"ehh.. eh.. a- anu.., anu k- kasi.." tila di niya alam kung paano sasabihin sa babae ang rason kung bakit siya narito na dapat ay hindi naman sana.


"Sabihin mo ng maayos kung ayaw mong gumulong nalang bigla ang ulo moh sa lupa." napalunok lamang siya sa babae at tila nawalan ng kulay ang kanyang mga mukha dahil sa sinabi neto.


"Aghhh.." napalingon naman ang dalwang babaeng nasa puno sa direksyon ni ace na ngayon ay nakahiga na habang may nakapulupot na light chains sa katawan neto na gawa ni reyna icea..


"Shit.." magkasabay na sambit ng dalawang babae., bago pa maka talon ang babaeng nasa kanan na sanga kanina ay naunahan na ito ng babaeng nagsasaya kanina lamang. Napailing na lamang siya sa ginawa neto at umupo nalang siya sa sanga at nagmasid nalang.


"masaya nga ang manood lang.., " wala sa sariling sambit neto habang pinapanood na ngayon ang ginagawa ng babaeng iyun. "may ibubuga nga.." sambit neto ng makitang nasugatan ng dark ball neto ang reyna. Magaling makipag laban ang babae at tila na a- amuse siya sa paraan ng pagbagong- bago ng mga sandata ng babae. Nagawa netong makuha ang skepter at mabilis na umalis sa lugar na iyun..


Napailing na lamang siya at tumalikod na din at umalis sa lugar na iyun.


"Hindiiii!!!!!" rinig niya pang sigaw ng reyna bago tuluyang nakalayo na siya. Di na pala siya kailangan doon dahil nagpakita na ang matagal na niyang hinahanap. Ito lang pala ang hinihintay ng babaeng yun para lamang magpakita.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayan.., bitin muna ang fight scene.., hehehehe',.


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now