S19

5.9K 226 2
                                    


Pumasok nalang ako sa loob ng classroom namin. Nandito na ang lahat at nag.iingay na naman. Dire.diretso lang ako sa upu an ko at naupo.

"Zacky! I miss you babe.. Did you miss me?" napabaling ang aming ulo ng biglang may sumigaw sa pinto ng room namin. Nalukot naman ang mukha ko sa nakikita ko.

Agad agad siyang umupo sa gilid ko at ikinawit ang braso niya.

"Quit it, Mariel.." saway ko dito at kinuha ko ang braso ko sa kanya. Ngumuso naman ito dahil sa ginawa ko. Yuck!! Parang masusuka ako neto.

"Zacky naman.. Ilang araw na din akong tulog at nagpapahinga sa clinic na yun dahil sa kagagawan ng babaeng yun. Tapos ganito pa ang trato mo sakin? Nakaka hurt kana hah.." nag fake sad face pa siya sa akin. Pero binalewala ko lang siya.

Yung mga kasama namin dito di pinapansin si mariel at ang kadramahan niya. Sanay na sanay na sila rito.

"And oh.. Speaking of that girl.. Kailangan niya pagbayaran ang pagbalya niya sa akin.. I will make her pay for what she did to me.!" rinig ko pang sabi ni mariel. Pero wala akong pakielam. Ako nga nabugbog ng husto siya pa kaya?.

"Hahaha.. You will make her pay? Baka sa susunod niyan nasa morge kana at di na sa clinic?" napa nga nga naman si mariel dahil sa sinabi ni denver at tumatawa naman ang buong klase. Nandito na pala ang tatlong to.

"Late na nman?" tanong ko. Napahikab naman ito bago tumango sa akin. The usual typical traze.. Late pag pumasok sa umaga.

"Kamusta na ang balikat mo?" siya lang naman ang masyadong kinakausap ko dito sa kanila. Pero minsan lang naman.

"Na restore na.." tumango tango lang ito.

"Oh my g.. Oh my g.. What happened zacky? Nabali yang balikat mo? Ugh.. Nawala lang ako ng ilang araw tas nabugbog kana? At ang malala pa niyang ang babaeng yun ang gumawa. Papatayin ko talaga ang babaeng yun!!" talak ng talak tong si mariel. Masakit sa taenga ang boses niya. Maganda naman siya, maputi, mataas, matalino maganda ang katawan pero di ko siya type.


"Shut up mariel di mo kaya yun.. Baka ikaw pa ang mapatay nun. Hahaha.." pang.iinis pa dito ni denver. Ayun nagtatalak talak na naman. Nakakairita, nakikisabay naman sa pagtawa ang ilan naming mga kaklase.


"Nagtataka lang ako, bakit nasa A1 siya?" napabaling naman ang atensyon namin ni traze ng sabihin yun ni blake. Tama siya, sa lakas, bilis at kakayahan ng babaeng yun dapat nasa amin siya. Ngayon napapaisip na din ako kahit si traze ganun din.

-----------------------------

Flare's poV

"Ahh..!!" sigaw ng isang nilalang bago ko putulin ang ulo nito.


"S-sabihin m-mo..s-sino k-ka.." putol puto na saad ng pinuno nila. Ngumiti lang ako ng pangdemonyo sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pag.iiba ng kulay ng mga mata ko. Nagiging matingkad na pula na ito at yung maliit na itim sa gitna ay nagiging cross. Nag.iiba na din ang kulay ng buhok ko. Nagiging pula na ang lahat. Nakikita ko din ang pagbalatay ng pagkatakot sa mukha ng pinuno at ng ilang nilalang pang natitira.


"H-hindi..p-patay k-kana.."
Nanginginig na sabi nito habang hinahawakan at pilit na pinipiglas ang kamay ko sa leeg niya. Pero di niya ito maalis alis, hinigpitan ko pa ang pagsakal dito. Nagbabalik na sa mukhang tao ang kanyang mukha. Ibig sabihin na nanghihina na ito.

"Oh dear, I'm not dead.." malademonyong pagsabi ko dito at binali ang leeg nito sa pamamagitan ng isang kamay ko.

Tatakbo na sana ang ilan pero mabilis akong humarang at ngumiti ng malademonyo sa kanila at walang habas ko silang pinang hahampas sila sa katawan. Putol putol na ang kanilang mga katawan at kita na nga ang ilan sa mga lamang loob nila. Tila parang naliligo na ako sa dugo dahil sa mga talsik nito.

Tiningnan ko naman ang aking scythe.. Nangingintab pa ito dahil sa mga dugo. Pinawala ko na ito at ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng mga palapulsuhan ko. Ramdam ko na din ang pagbalik ng aking mga mata at buhok sa dati nitong kulay.

Bago ako maglakad paalis sa lugar na yun kinuha ko muna ang pugot na ulo ng pinuno nila at sinilid sa loob ng bag ko, syempre may invisible pocket na kasya sa ulo ang loob ng bag ko. Para yun hindi mag mix yung dugo at amoy ng ulo sa gamit ko sa loob ng bag noh. At medyo nawawala na din ang nakakatakot na aura dito sa bayan.

Naglakad na ako patungo sa gubat at gumawa ulit ng dahon at sumakay dito. Pinalipad ko na ito at pinikit ko na ang mga mata ko. Napagod ako doon, wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon. Bahala silang makita akong ganito, wala akong paki. Gusto ko ng matulog sa dorm ko. Di naman kasi ako nag enjoy sa mission na to, ang daling matapos.


Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now