S17

6.4K 224 9
                                    


Flare's poV

Naku naman.. Wasak pa yung i phone ko. Anu ng gagamitin ko neto? Tsk.. Di bali, bibili nalng ako ng bago. May binigay na din kasing pera si miss amy. Mataas kasi yung grade ko sa fielding kahapon kasi natalo ko daw yung zak ng special class. Aba, di pala yun trip lang o kung anu. Assignment pala yun ni zak sabi ni miss amy. Gandang assignment no. Ganyan daw kasi siya magbigay ng assignment, surprise kaya dapat alerto ka palagi. Kawawa nmang zak yun at nabalian ko pa ata ng buto. Tsk tsk.. Nawasak pa yung iphone ko ng dahil dun.

Ngayon pala ang simula ng mission ko. Secret mission to be exact. Punta akong ravensville ngayon. Isa yung maliit na bayan, mag.iimbestiga ako doon. May nangyayaring kababalaghan daw kasi doon at bali.balita yun sa buong bayan at sa mga karatig bayan neto.

Hindi pa din ako neto makakatakas kasi naman nilagyan ako ng bracelet ni miss amy. Parang tracker daw ito at ito din ang magbibigay access sa aking paglabas at pagpasok sa loob ng academy.

All set na ako.. Isang maliit na backpack lang ang dala ko. Pera, konting damit at band aids lang ang laman ng bag ko. Madami akong stocks ng bandaids. Ewan ko ba kung bakit eh.. Sinuot ko na yung hoodie kong malaki at sinabit ko yung earphones ko sa leeg ko.



Madaling araw pa lang at medyo madilim pa. Ito yung oras na lalabas akung academy para walang makakakita.

Malapit na ako sa gate ng makita ko si miss amy at si HM. Tsk..

"Goodluck flare.. Mag.ingat ka!" sabi ni miss amy sa akin bago binuksan yung gate. Tinuon niya lang nman yung bracelet na katulad ng binigay niya sa akin sa isang maliit na dot. At bumukas ang isang pang single na pinto doon. Lumabas na ako at bumaling muna sa kanila bago maglakad. Tumango naman si HM sa akin at napangiti lang si miss amy.

Nagbuntong hininga lang ako at naglakad na. Rinig ko pa ang pagsarado ng pinto sa gate. Nag umpisa na akong maglakad at tiningnan ang paligid ko. Di naman madilim dahil medyo nag aagaw na yung liwanag at dilim sa kalangitan.




Huminga muna ako ng malalim at gumawa ng isang malaking dahon gamit ang nature spirit ko. Isa ito sa mga abilidad ko, lumapit ako sa apple tree na di pa nagbubunga. Hinawakan ko lang ang sanga neto at nagpalabas ng isang enerhiya at namulaklak at nagbunga yung sangang hinawakan ko. Pinitas ko yung mga bunga at sinilid sa backpack ko. Pumunta na ako sa medyo kalakihang dahong ginawa ko at umupo sa gitna. Pinalipad ko na din ito ng mataas na mataas. Na kung tatanawin mo sa ibaba parang isang maliit na dahon lang lumilipad ito. Yung bracelet kasi merong oras at mapa doon. Pwedi ding magkaroon ng compas ito. Kinain ko lang yung apple na ginawa ko kanina at nahiga nalang.

Gusto ko tong ako lang ang gagawa ng mission kasi walang sagabal at pabigat. Isipin niyo hah, kapag kasi may kasama ako di ko magagawa ang pagsakay sa dahon na ito at ang pagpapabunga ng puno. Delikado kasing may makaalam na lagpas isa o dalawang ability meron ang spirit ko.



Iidlip muna ako. Hihinto lang naman kasi sa paglipad yung dahon nato kapag nakarating na ako sa destinasyon ko.


---------------------------

Zak's poV

Ugh.. Shit... Ang sakit..

Ang sakit pa rin ng balikat ko. Ang lakas pala ng babaeng yun. Akalain niyo yun nabali yung buto ko sa sipang yun tapos nagkaroon pa ako ng cut sa labi at mga pasa sa mukha at katawan ko. Amazona ata nun eh, tas siya isang cut lang sa labi.

Bakit pa kasi ako ang nabigyan ng assignment ni miss amy. Pwede namang sina aldren nalang di kaya sina blake at denver o di kaya si traze.. Yan tuloy nagalosan pa ang gwapo kong mukha.

Pero seriously, kakaiba talaga yung transferee. Di na ako magtataka bakit napabagsak niya agad si mariel.

Mabuti lang nga at nagamot na ng mga healers ang mga pasa at sugat ko. Nire restore nalang nila yung balikat ko. Medyo maliit lang nman yung nabali kaya okay nato mamaya.

Pupunta pa ako kay miss amy ngayon.


---------------------

Hello guys.. How's this chappy? Okay bah?? Sorry sa mga typos at grammar..

Warriors by: Nightcore was the themesong of this story.., on the multimedia guys',. :)

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now