Traze's poV
Papunta kaming tatlo sa dining hall para kumain. Yung mga babaeng nakakakita sa amin ay parang kinikilig at nagbubulong bulongan. Nasanay na nga kami sa trato nila sa amin.
Di nman kasi kami palaging lumalabas sa dorm namin at HQ. Tama.. May sariling HQ kaming nasa special class. Dito dinidiscuss namin ang aming mga mission.
Kami rin ang pangunahing studyante na nagtatanggol sa paaralang ito. Sa amin nakasalalay ang kaligtasan kaya nga piling pili kami sa section na yun.
Nakarating na kami sa loob at bawat mata ng mga estudyante ay sumusunod sa galaw namin. Pinapabaya.an lang nman namin sila. Umupo na kami sa mesa at tumayo naman si denver para kumuha ng pagkain namin.
Nilapag niya nalang ang mga pagkain namin at umupo na din.
"Tol.. May mission ba tayo ngayon?" umangat nman ang ulo ko ng magtanong si blake.
"Wala pa namang binibigay sa ngayon si miss amy." sabi ko nalng at tumango siya.
"Speaking of miss amy. Balita ko may nakasugat na estudyante daw sa kanya.. For the first time yun tol.. Kahit nga tayo di magawang magsugat sa kanya. Tapos nasugatan siya ng isang trasferee.. Aba idol ko na siya.." tila bading naman nitong si denver. Sabagay curious din ako sa transferee na yun. Una si mariel ngayon si miss amy naman. Gaano ba talaga kalakas ang transferee na yun? Ang alam ko kasi iisang transferee lang nman ang nakapasok ngayon eh.
Bigla namang tumahimik ang lahat sa loob ng dining hall ng may pumasok. Sino ba namang pumasok at bakit tumahimik? Nakatalikod kasi ako sa pinto kaya di ko makita. Tiningnan ko naman ang dalawang ugok at ito nakatulala.
Diba siya yun?
Ang transferee..
Siya yung nakasugat kay miss amy
Siya yung nagbalibag kay mariel
Rinig kong bulong bulungan ng mga estudyante na malapit sa amin. Tila nabagsak naman ang panga ng dalawa ng marinig nila yun.
Ngayong curious na curious na ako kung sino ba talaga to.. Liningon ko na siya at.. Shit... Nalaglag ang panga ko.. What the?..
Isang..isang...
"Babae???" gulat na sambit ng dalawa na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat pati na nga ng babaeng transferee na to. Napa facepalm nalng ako sa dalawa at napatingin naman ang babae dito sa pwesto namin. Wala manlng siyang reaction? At patuloy na naglakad lang papunta sa harap at kumuha ng pagkain..
"Di talaga ako makapaniwala.. Babae dude. Seriously?" gulat na sabi parin ni denver. Kahit ako nga parang ayaw pang maniwala.. Pero? Totoo nga kaya na siya ang nagpatumba kay mariel at sumugat kay miss amy?. Sa liit niyang yun? Sabagay parang may kakaibang aura akong nararamdaman sa kanya. Something na malakas at makapangyarihan.
Pinagpatuloy ko nalng ang pagkain ko at binalewala ang nasa isip ko. Sana dumating na yung ibang kasama namin para malaman namin kung buhay pa ang prinsesa..
-------------------------
Hello po.. Be a fan' vote and comment guys.. Thanks..

YOU ARE READING
Silver Skull (complete)
FantasiNo one can escape his/her destiny.. Enter the world of magic and chaos. A struggle to survive and live normally like the others. But, how can you do that? If someone's want you to be dead?