S4

7.3K 254 4
                                    

Dedicate ko to sa kanya dahil nagagandahan daw siya ng story ko.. Thank you again,. Dito nalang kita nilagay sa bagong story ko.. ehehehe,,.. Thank you ulit miss ScarletMuffin.., :)


********************************************


(Traze poV)


Paano kaya namin mahahanap ang prinsesa?


*SScccrrreeeccchhhh...



Napatukod ako ng kamay ko sa upuan sa harap ko. Mukhang susubsob pa ako yung katabi ko naman parang wala lang nangyari.



Ang sakit kaya sa tainga ng tunog ng preno ng bus nato.. Ba't ba kasi ako nag bus? ..



"Walang magpapanic.. Ilabas lahat ng pera at alahas niyo!!" sigaw nung mama na umakyat sa bus na may dalang baril? seriously? hold-up ba to?



Tatlo lang naman sila at kayang- kaya ko silang pabagsakin pero baka madamay ang mga tao dito.



"Miss.. San ka pupunta? Umupo ka sa upu.an mo! Gusto mo bang barilin kita?" Ano namang iniisip ng babaeng to. Manhid ba to o Tanga? Tatayo ba naman daw at aalis. kitang hino- hold-up kami eh..



"Hoy Miss.. Bingi ka ba? Sabi ng umupo ka!!!" nanggagalaiting sigaw ng mama, pero parang walang narinig yung babae.



"Sabi ng umupo-.." Pupuntahan ko na sana siya ng di na natapos ng mama ang sasabihin niya. At di ko manlang nakita ang ginawa niya sa mama at bumulagta nalang ito. Anung ginawa niya?



"Hoy.. Anong ginawa mo sa kasama ko? Babarilin kita!!" Akmang ipuputok na ng isang lalaki ang baril na hawak nito ng sipain ng babae ang kamay neto. Ang bilis niya.. Eh ang layo ng distansya ng lalaki. Nagulat pa nga ang lalaki pati nadin ang mga pasahero dito.



Agad niya namang hinawakan sa leeg ang lalaki at may pinisil, ayun bulagta din. Lumingon siya sa isa at kitang- kita ang panginginig ng mga kamay neto.



"BOO!" mahinang sambit ng babae at nagulat naman ang lalaki dahil nasa harap niya na ito. Teka!! masyado talaga siyang mabilis. Di ko manlang nakita ang pagpunta niya sa lalaki..



"S-Sino K-Ka.. B-baririlin.. k-kita-"



"too late.." sambit neto at bulagta na ang lalaki, sinipa niya pa ito papunta sa harap ng isang kasama ng lalaki na bulagta na din. Sino ka ba talaga? Di ko masyado makita ang mukha niya dahil sa bull cap niya at buhok..



Naglakad na siya pababa sa bus at walang lingon lingon itong umalis. Tahimik at shocked pa ang mga pasahero dito.. Sino ba naman ang hindi, kapag nakita mong bumulagta ang tatlong lalaking may dalang baril,. at isa pa masyadong maliit ang katawan ng babae para mapatumba ang mga lalaking yun.



Hanep.. ang misteryoso naman.. bumaba na din ako sa bus at maghahanap nalng ng taxi...




Sana makita ko ulit yung babae..


*******************************


okay ba?? comment naman guys para malaman ko kung okay o hindi.. hehehe..

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now