S24

5.8K 209 1
                                    


3rd person's pov

Ang agad na pagkadisperse ng kanilang mga sandata ay nagbigay ng kakaibang katahimikan sa lahat.

Tila nakikilabutan naman at nag.aalala ang class S sa unti unting paglabas ng tatlong malalakas at kakaibang aura.

Tatlong kakaibang aura ang bumabalot sa tatlo. Tila nagsisimula na silang balutan ng kani-kanilang mga elementong gamit.

Apoy na medyo malapit sa pagka blood red ang bumabalot kay traze. Isang light power na may kasamang parang ice na kulay asul ang kay zak na nagpa nga-nga sa class S kasi ngayon lang nila nakita ang elemento nito. At isang kulay puting hangin na nagsisimulang bumalot sa katawan ni flare.

"Miss amy di ba natin sila pipigilan?" tanong ni blake at denver.

"Hindi. Manood lang kayo at wag na wag niyo silang pakialaman at baka kayo ang pagbuntunan nila." napa nga nga ang class S sa narinig nila kay miss amy dahil kitang kita sa mukha nito na seryoso sa sinasabi si miss amy.

Samantala habang unting- unting tumataas ang kanilang mga aura ng tatlo ay siya namang pagpapakiramdam nila sa isa't isa. Pero bago pa mawala ang kanina pang aurang bumabalot sa kanila ay may naramdaman silang aurang di kanais nais sa loob ng sakop ng Academy.

Pagkawalang pagkawala ng aura ng tatlo ay siyang mabilis na takbo ni flare papunta sa gubat na medyo malapit sa field ito yung gubat kung saan niya nakita ang dalawang soul eaters noon.

Agad namang sumunod ang dalawa kay flare sa mabilis na takbo din. Tila naglalakihan naman ang mga mata ng class S ng ilang segondo lang ang nakaraan ay nandoon na at nawala ang tatlo papasok sa gubat.

"Shit..we have company." pagkasabi ni miss amy noon ay agad din itong tumakbo sa gubat at sumunod na din ang class S.

"Miss.. Sinong nakapasok? Bat di nmin maramdaman?" tanong ni denver.

"Ako nga din eh.. Di ko naramdaman ang pagpasok nila. I think naunang maramdaman ito ng tatlo dahil sa tumatalas ang kanilang mga senses. At sa tingin ko di na tayo kailangan makisali sa kanila." mahabang paliwanag ni miss amy habang tumatakbo sila.

"Bakit nman miss?" tanong ng isang class S.

"Malalaman niyo rin pag nakarating na tayo sa pwesto nila." nakangiting saad ni miss amy at tila nawiwirdohan na sa kanya ang class S. May tiwala nmn kasi ang class S sa kanya maliban kasi sa isa si miss amy sa malalakas sa academy ay isa din itong sensor.

Pagkarating na pagkarating naman ng class S sa pwesto ng tatlo ay di nila mapigilang di humanga.

Nagkaroon kasi ng isang synchronize move ang tatlo at wala silang ginagamit na mga sandata pawang puro elemento ang ginagamit nila.

"Teka.. Bakit parang kakaiba ngayon ang tatlo?" tanong ni blake na siya namang pagpuna din ng kasama nila.

"Miss amy.. Possible bang magamit ng isa o dalawang tao ang higit sa dalawang elemento nila? Bakit nagagamit ni traze yung hangin ni flare?" tanong naman ni denver.

"Well... Ayan na ang ebidensya denver. Di lang ako makapaniwala kasi napaka advance na nilang tatlo. At sa pagkaka alam ko iilang tao nalang ang nakakagamit ng spirit power borrowing sa laban. Dapat kasi magka level at magkasing lakas ang taong gagamit nito. At kapag gumamit kayo ng ganitong technique at di kayo magkapantay ng level ay siguradong may magdudusa at worst baka mamatay ang di ka level niyo kahit sabihin pang siya ang may malakas na level." mahabang paliwanang ni miss amy sa class S na seryosong nakatutok sa laban ng tatlo.

"Bakit naman mamatay agad miss amy?"

Di agad nakasagot si miss amy sa tanong ni blake dahil iniisip niya pa din ang dahilan ni flare sa paggamit ng technique na to. Alam niya kasing di pa ito natuturo ninuman sa class S pero alam niya na alam ng dalawang lalaki ang tungkol dito pero di nila alam kung panu gawin.

Bakit mo ginawa ito flare? Alam mo namang di kayo magka level. Sa isip isip ni miss amy habang nakatanaw parin sa pakikipag laban ni flare.


Habang parang enjoy na enjoy sa pagpatay ang tatlo at mukhang wala silang balak na maki share sa kasama nila na alam nilang naririto at nanonood lang sa kanila.

Ginagamit ni traze ang hangin ni flare habang ang kay zak naman ang gamit ni flare at ang kay traze namang elemento ang gamit ni zak at kung minsan nagagamit nilang tatlo ang tatlong elemento din.

Sa pagkaubos ng mga ghoul ay siya namang pagbalik sa natural ng tatlo. Ang mga sumalakay sa kanila ay mga lahi ng ghoul dahil sa gusto nilang maghigante sa pagkakapatay kay melvin na siyang pinuno nila na pinatay ni flare.

"Ugh.." mahinang daing ni flare habang pilit niyang pinapakalma ang sarili matapos ang laban. Agad namang nagsipuntahan ang class S sa kanila at binabati sila at pinapaulanan ng mga tanong.

Pero dismaya lang ang class S dahil di nagsasalita ang dalawang lalaki at nagsimula ng maglakad palayo sa kanila si flare.

"Ugh..shitt.." not now please! Mahinang ungol nito na tila nararamdaman na niya ang pagkahilo at panghihina ng katawan.

"Flare!" malakas na sigaw nina zak at traze. At mabilis na tumakbo si zak papunta kay flare ng biglang matumba ito.

"Shit...sinasabi ko na nga ba eh." mahinang utas ni traze at nagsimula ng pumunta sa pwesto ni zak na binubuhat na ng bridal style si flare.

"Sa dorm niyo dalhin si flare zak. Sa kwarto niya at please paki bantayan muna siya habang pupuntahan ko si HM" rinig nilang sabi ni miss amy. At dali dali na silang umalis papuntang dorm ni flare. Habang ngumingiti naman ng palihim si mariel.

Buti nga sa kanya.. Nararapat lang yan para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at mapapasa akin din si zak.. Akin lang siya!!"


------------------------------------

Hello guys.. Request UD granted. Hope you enjoy this chappy. :) thanks again for reading my story...!!!Congratz to my "Tamer's of the Guardian" it goes #104 in fantasy and also "Silver Skull" in #319 in fantasy genre too. :) Thanks to all readers out there for reading my stories.,

Silver Skull (complete)Where stories live. Discover now