—- Marco —-
Hinihila ako nung mga babae dun sa tapat ng building.
Kanina pa ako nakatayo dito tapos bigla-bigla nalang nila akong kinuyog.
Konting hintay pa at lumabas na siya.
Ang ganda niya talaga.
Natigilan ako at nawalan ng susunod na sasabihin.
Mesmerizing, yun yung term na dapat idescribe sa kanya.
Wala eh, mabablangko talaga yung utak mo sa oras na magkaharap kayo.
Naglakad ako papalapit sa kanya.
May kasama siya pero di ko na pinansin, kulang pa yun sa ingay ng mga babaeng nakapaligid sa akin.
"Hi."
Yun ang sabi ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at tumalikod na kaagad para umalis na.
Ouch, 'Hi' pa nga lang basted na ako kaagad? Sakit ah.
Pero tumakbo ako, hindi pwedeng ganito lang.
Hind ko na ininda yung mga babaeng kumukuyog sa akin, hinawakan ko yung kamay niya.
Hindi siya nagpumiglas, hinarap niya lang ako at sinabing, "Huh? Sino ka?".
Tiningnan ko siya ng maigi. Siya 'to ah, may kakambal ba na hindi ko alam?
"Ako 'to. . ."
"Sino ka?"
"hindi mo ba ako natatandaan?"
Bago pa man siya nakapagssalita ulit ay lumapit na yung kasama niya."Hey, she doesn't know you. Get Lost!"
Hinawakan nung kasama niya ang kanyang kamay at isinakay sa kotse.
Ganun lang ba ako kadaling kalimutan?
Tumalikod ako para lumabas na at nabigla ako sa aking pagharap dahil nakatitig lang sa akin yung mga babaeng natahimik na kanina lang ay kinukuyog-kuyog ako.
"CUT! Good Take.", sabi ng direktor.
Whoooh, nakakapagod yun ah.
Lumapit na sa akin yung ibang babae sa set at nagpapicture. Tapos na ang kalahating araw naming shoot dito.
—————
"Ang galing ah!", nabigla akong may pumasok sa RV ko.
"Oi! Nagbibihis ako!"
"Sus nahiya ka pa. Parang ang tagal-tagal na nating magkakilala eh.", sagot niyang talagang casual lang.
"Eh iba pa rin Miaka! Sandali lang, isusuot ko lang 'to. Upo ka muna."
"Wag na. Nagco-congratulate lang naman ako, keep up the good work ah! Sige, bye, maglalunch na ako."
"Ah, sige, saan ba? Sama ako pleeeeeeeeeeeeease!"
"Oh? Diyan lang sa resto malapit sa F exit."
"Geh, wait lang, libre mo!"
Isinuot ko yung t-shirt ko at hinila na siya palabas, di na siya nakapagreklamo pa. Hahaha, kaya ako nabubusog palagi eh, dahil sa libre, hahaha.
"Oi, ikaw ang sama mo! ahaha.", sabi niya habang hinahampas-hampas yung balikat ko.
Magiging ganito na siguro yung buhay ko araw-araw simula ngayon.
Yung pagtulog ng wala sa tamang oras, yung pagkabisado ng sa pagkahaba-habang script, yung pagi-immerse ng sarili sa mga plot na talaga namang OA.
Eto yun eh, yung gawain ng main character. Yung ilalagay mo ba yung sarili mo sa lagay at isip ng ibang tao. Yun daw dapat sabi ni Dylan.
Mahirap pero alam ko eto yung parte ng pangarap ko na dapat kong tiisin. Gagalingan ko panigurado.
"Ang brutal mo ah!", sabi ko sa kanya.
"Ikaw kasi! hahaha.", sabay hampas pa.
Medyo nakalayo na kami sa RV nung bigla akong natigilan.
"Oi, San Juan! OK ka lang."
"ah wala, wala. Nanghina lang ako bigla. Tara! kain na tayo!"
"Kinabahan ako dun ah! Gutom lang pala? haha. Ikaw....tara na...."
Naglakad pa kami pero hindi maipaliwanag pero nanghina talaga ako bigla. Nanlamig ako kaya naman sinubukan kong akapin yung sarili ko. Tssss. Naman. Tirik yung araw pero nilalamig ako. Parang may masakit pa sa braso ko. Nabangga ba ako kanina? Wala naman ah!
"Miaka?"
"Oh, Marco?"
"Miaka, I don't feel really well..."
Yun lang nasabi ko bago nandilim yung paningin ko.
———————————————
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Novela JuvenilBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...