(A/N: Mga isang buwan din bago ko napagpasyahang isulat ang chapter na 'to. I just can't find the willingness to continue writing stories lalo pa't andaming nangyari. Kawawa author niyo, nagbalik si ano, si....basta, pakibasa nung 800 Messages para alam niyo kung sino yung bumulabog na naman sa buhay ko. Opo, promotion lang po ito! hahaha.)
---------------
-- Marco --
Nga pala, nakatanggap ako ng text kay Dylan na may nangyari daw kay Jamie at saktong nandoon siya sa Stradmore. kaya nakita niya.
Nahirapan akong kumbinsihin yung director tsaka yung crew na palabasin ako sa set. Hindi kalayuan ang Stradmore sa Star Galaxy Production, mga thirty minutes lang kaya ipinagpilitan ko talagang umalis muna. Makapaghihintay yang taping-taping na yan pero ang Jamie ko, hindi, kailangan ako nun. Jamie KO talaga eh! hahaha. Keleg mats. haha. Pwe.
At kundi dahil sa pagkahaba-haba kong explanation na talagang walking distance lang ang Stradmore ay di pa sana ako papayagang makalabas, at siyempre nakalabas ako. Buti at wala akong nabundol! hahaha. Si Jamie ang unang babaeng nabundol ko, at siya na ang huli. Ang kaisa-isang babaeng bubundulin ko! haha, ULOL! haha. Basta, alam niyo na yun. You get the idea of what I'm saying.
Dumating ako sa may clinic at nakita kong nakaupo si Dylan sa labas.
"Bro, andito na ako.", bungad ko.
"Ah bro, buti naman. Andito siya.", sagot ni Dylan tsaka dinala ako sa isang kwarto dun.
Di ako nagtagal. Naupo lang ako sandali sa tabi niya at pinagmasdan ang Jamie ko ng maigi, kawawa naman siya. Ano ba kasing naisip nito ang naging masipag ng biglaan. Saan to naglambitin at nahulog, haay, sobrang kulit. Ilang minuto pa at nakatanggap ako ng text mula sa studio. "I'm coming back now.", yung yung tipid kong reply bago tumayo.
"Ah, bro, pwede bang dito ka na muna ulit. Pakibantay naman sa kanya oh. Pakisabi na lang na babalik ako mamaya.", sabi ko kay Dylan. Dapat talagang bantayan si Jamie at baka kung ano namang isiping gawin mamaya pag nagising at sa totoong ospital na siya dadalhin.
"Ah, sige ba, OK OK ako na bahala.", sagot ng bestfriend ko.
"Bye Bro!", pagpapaalam ko at lumabas na papuntang parking lot.
Laking pasasalamat ko at may bestfriend akong kagaya niya. Yung handang bitawan lahat para sa ikakasiya ko. Wala akong masabi, siya na talaga ang best best friend , pwede ngang best brother eh, basta, sobrang grateful ako kay Lord na binigyan niya ako ng blessings. Sa carreer ko, sa bestfriend ko at sa babaeng minamahal ko. Ako na ya tung pinakaswerteng tao ngayon. Masaya ako at iiwan ko muna si Jamie sa taong alam kong mapagkakatiwalaan ko. Si Dylan yun, ang bestriend ko.
---------------
-- Dylan --
"Bro, andito na ako.", bungad ni Marco.
"Ah bro, buti naman. Andito siya."
Dinala ko si Marco sa isang room dun sa school clinic kung saan natutulog si Jamie.
"Salamat at nandito ka bro. Salamat at natulungan mo siya.", sabi ni Marco.

BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...