(R/E(Resident Epal): At ako po ay nagbabalik! hahaha. Nakarecover na po ako sa wakas. Grabe 'tong si Jamie, nagpapa-innocent pa! Haha. Naalala ko nun, idol ko yang si Dylan, pero nung pinakita ko pictures niya, na lovestruck si Jamie, kaya, ayun, nagparaya na lang ang lola niyo. haha. Binigay ko na lang si Dylan, kahit na...dapat... akin lang siya, akin lang ang asawa kooooo! haha. Pero ano nga ba talaga nangyari? Ano yun? "Best Actress with Amnesia" award lang siya? Tigilan niya ako. Nagwalk-out pa siya at sinabing di siya natutuwa? Saan? Sa mukha niya? OK naman ah? Tsssss. Anyway, bahala muna siya, basta ako, malinis ang konsensya ko, ang kabinet ko, ang bahay ko...malinis lahat! haha. Nagka-LBM naman talaga ako eh... huhu. Ayaw niyang maniwala tuloy.. Anyway, eto na yung karugtong. Mwa. Teyker.)
---------------
-- Marco --
Medyo wala na ako sa sarili ko pag-uwi ko.
Pinapaniwala ko na lang ang sarili ko na OK lang ako.
Magiging OK naman talaga ako eh, napagdaan ko na lahat ng 'to.
Medyo nalulungkot lang ako. Hmmmm, baka namiss ko lang ang Jamie ko. haha. Jamie ko talaga... Hayop! Kinikilig ako. Haha.
So, ayun nga. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, bumalik ako dun sa may Liberty Park, yung first date namin. Hahaha, nagapakafeeler lang pero totoo yan...............na feeler ako. haha. Basta dun, pero wala na ang lahat ng booth, rides, stalls, o kung anumang tatak ng festival. Mukhang pinagmisahan ng patay na ang itsura ng park. Pero naghintay pa rin ako malapit dun sa store na pinagkainan namin.
20 minutes.
30.
45.
1 hour.
???
Wala pa rin? Ilang text na sinend ko dun ah. Haaaay, busy ba? Sige maghihintay na lang muna ako. Kaya ko 'to.
30 minutes.
45.
2 hours.
OK. Seryoso na 'to. Di man lang ba nabasa text ko? Tatawag ako sana kaya lang, wala akong load. haha. Di ako nakaplan. Buti nga lang at naka Android pa 'tong cellphone ko at hindi GSM type. Kakahiya naman kay Jamie, haha. Ang alam ko naka iPhone yun. Sige, sa susunod, maghahanap ako ng magandang dealer ng iPhone diyan sa overpass malapit sa SM, yung iPhone na Kitkat? Yung mga ganun, haha.
20 minutes.
30 minutes.
Hindi na nga siguro dadating.
45 minutes.
3 hours.
Kung kuwentong pinoy ito siguro, tatayo ako, tapos aktong aalis, tsaka sakto ring dadating siya, pero, hindi, wattpad story ito kaya naghintay talaga ako na dumating siya, haha. Pero sa kasamaang palad, hindi talaga siya nakarating.
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...