#Chapter 19: The Dreamcatcher.

31 2 0
                                    

--- Jamie ---

Pumasok ako sa tent na yun.

Medyo weird siya.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng tent.

Madaming estante dun.

May mga garapon na parang may fetus sa loob, OMG! hahaha

De joke lg.

Parang andameng weird na lights sa loob.

Yun lang ang description ko.

Inabot ko yung isang jar na parang may butiki sa loob.

"Anong kailangan mo?"

Bigla kong binawi ang kamay ko at humarap sa babaeng gumulat sa akin.

"Ah, hello po. Tumitingin lang po.", sabi ko sa pinakainosente kong boses.

"Ah, halika.", sabi nung matanda.

Sumunod naman ako.

Nakakamangha ang lugar na 'to.

Di mo akalaing ganito siya kalaki.

Obviously mas malaki siya sa ibang tents, pero pag pumasok ka, parang nag travel ka talaga sa ibang dimension kasi parang biglang nag-iba ang setting.

Naks! hahaha.

"Ano ang hinahanap mo?"

"Ako po?"

"Ay, hindi, yang saging na dala mo sa bag mo."

"Huh?"

"Ineng, ano ang hinahanap mo?"

Nakakaintriga ang matandang 'to.

Paano niya na nalamang may saging akong dala sa bag ko?

Anyway, ano nga ba ang hinahanap ko dito?

"Ah, eh, lola wala po, tumitingin lang."

"Ganun ba? Oh, di mo pa alam na may kailangan ka? Tingnan mo sa kaloob-looban mo. May gusto kang makuha."

Sa kaloob-looban ko?

Oh my gosh! Manghuhula ba siya???

Una, nalaman niyang may saging akong dala, tapos ngayon, baka nakikita niya rin ang panloob ko!

"Oh my gosh lola! X-ray vision?!"

"Makulit ka, halika dito maglibot ka muna sa shop, alam kong may makikita kang pagkakainteresan mo.", at kumindat siya sabay sensyas na pinapatuloy ako sa likod na bahagi ng tent.

Inilibot ko ulit ang paningin ko.

Iba ang bahaging ito ng tent.

Kung kanina ay puro bote at garapon, ngayong ay puro batong kumikinang.

Precious stones?

Hindi naman siguro. Baka gawa lang ang mga 'to sa plastic.  haha.

Idinapat ko ang mga daliri ko sa parang chimes.

Naglakad ako habang pinapasayaw ko ang mga daliri ko sa chimes na yun na naglilikha ng kaaya-ayang tunog.

Tingin-tingin.

May isang bagay dun na talagang nakakuha ng atensyon ko.

Isang hugis bilog na nakasabit malapit sa orasang gawa sa binaluktot na kahoy.

Hindi siya mukhang ordinaryo tulad ng mga nakita ko kaina.

Ewan ba kung sa anong kadahilan pero sa tingin ko ay niloloko ako ng mata ko dahil talagang kumikinang ang nakahabing sinulid sa bagay na yun.

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon