--- Marco ---
May narinig akong pamilyar na boses, ang tatay ko. Nandito ba siya?
Hindi ko na mabilang kung ilang araw na kaming nadito sa ospital. Pero alam kong lagpas dalawang linggo na kaming magkakasama nina Dylan at Jamie. Nakakaumay din pala pagmumukha ni Dylan, haha. Ayun, minsan si Dylan kasama kong natutulog dito, minsan si Jamie, minsan dalawa sila.
Nakakamiss din sina Nanay at Tatay, yung mga umampon sa akin. Kasi nung nag-artista ako, lumipat na ako ng bahay. May contact kami pero wala silang idea kung nasaan ako ngayon. Mabuti na rin siguro ang ganun, yung akala nila kinalimutan ko na lang sila, kasi, I could never bring myself to tell them what is really happening.
My pain, my every growing agony in every single day is my only reminder that I would only be causing so much sadness to whoever knows my condition. Ok na na ganito, at least ako lang yung nasasaktan.
"Marco.", sabi niya.
"Sir. Good Morning po.", sagot ko sa kanya habang sinusubukang umupo.
Without a word, he moved to the chair next to me.
"Ah, yung sa balita....", sabi ko.
"What about it?"
"Totoo po ba?"
"Kug nasa dyaryo o sa TV, malamang ay totoo yun Marco.", sabi niya.
"Gusto ko lang sanang marinig yun mula sa inyo."
"Marco........I am your father."
"Di ba! Sabi na eh! Star Wars!"
Ngumiti siya at nagsalita, "You have your mother's smile. Ganyang-ganyan siya ngumiti. You remind me so much of her."
"So-s-sorry po."
"There is nothing to be sorry about, at kung meron mang dapat na nagsoso-sorry dito, ako yun, hindi ikaw.", sabi niya na medyo may lungkot.
Tiningnan ko muna siya. Wala na yung kaninang ngiti niya. Ang nakikita ko lang ngayon isang taong malungkot. Yun lang.
"Sorry Marco.", sabi niya.
"Alam niyo sir, hindi naman ako madamot eh, pero bago ko po tanggapin ang sorry ninyo, pwede bang ipaliwanag niyo muna ang lahat?", sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang umayos ng upo at nagpahid ng namumuong luha sa mata niya.
"Pwede ba kitang tawaging anak?", sabi niya.
Nabigla ako. Hindi sa choosy pa ako pero habang tinitingnan ko siya, hindi eh, I never thought that he'd be my real father. Sa paningin ko, siya si Tito Albert, ang tatay ni Dylan. At ngayon, kahit nga tito na lang itawag ko sa kanya, hindi ko 'rin ata magagawa.
"Ah, kasi po.....",sabi ko.
"Saan mo ako gustong magsimula?", sabi niya.
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...