#Chapter 43: Tell Me Something I Don't Know.

12 0 0
                                    

--- Dylan ---

I was surprised to see a text from Jamie. Pinapapunta ako sa isang restaurant.

Dali-dali naman akong nagbihis. Nahihiya naman akong paghintayin siya. This time, sinigurado ko nang malalim ang bulsa ng pants ko para di na mahulog ang wallet ko. Nakakahiya na talaga kung mawala pa ito ulit, baka sabihin ni Jamie na namimihasa na ako. May pera naman talaga ako nung araw na yun eh, nawala lang talaga wallet ko.

PANAWAGAN: Sa nakapulot po ng wallet ko, pakibalik naman po please. Sa inyo na po yung cash sa loob niyan, ibalik niyo na lang po lahat ng card at ID na nasa loob. Nandiyan naman po ang driver's license ko kaya madali niyo po akong mahahanap, with reward pa po yan at kung gusto niyo, magseselfie tayo at ipopost ko ang pasasalamat ko sa Instagram. Maraming salamat po.

Dumating ako sa restaurant ng 10 minutes early, OK na din 'to. Mabuting ako yung naghihintay.


"Sir, order niyo?", tanong ng waitress. Usually ang mga ganitong restaurant ay cute at medyo bata ang mga waitress pero yung lumapit sa akin, medyo may edad na.

"Ah, sandali lang po ma'am kasi May hinihintay pa ako."

"Babae?"

"Obvious po ba sa suot ko? hehe", pagbibiro ko.

"Hindi, binasa ko lang ang iniisip mo."

"Ah, tell me more.", challenge ko sa kanya.


Tinitigan niya ako sandali, "Dylan James Pardilla, 20 years old."

"Magaling. Pero alam naman ata ng lahat 'yan."

Tiningyan niya ako ulit bago nagsalita,"Mag-wine kayo sir habang hinihintay ang dreamgirl ninyo."

"Sige."

"Libre."

"Ba, iniisip ko pa lang kung magkano ah."

"Sabi ko sa inyo, binabasa ko ang iniisip niyo."

"Maraming salamat po.", sabi ko habang nakangiti.


At umalis na si manang waiter. Natawa pa ako dahil sa loombands na suot-suot niya. Nakakatuwa naman, si Manang nakikiuso.


--------------------


"Dylan!", si Jamie.

"Andito ka na?"

"Mmmm. Order ka na?"

"Wala pa. Oh sige. Waiter!"


Naupo siya harap ko at tahimik lang na nakayuko.

Dumating din naman kaagad yung waitress na lumapit din sa akin kanina.


"Jamie? Jamie Oi! Ano na?". kinukuha ko ang atensyon pero di niya man lang ako pinapansin.

Mayamaya pa ay natauhan siya. Ewan kung anong nakain ni Jamie at bigla akong hinatak palabas ng resto at sinabing sa iba na lang daw kami kumain.


--------------------

--- Jamie ---


Pagdating ko pa lang sa resto ay kinilabutan na agad ako.

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon