#Chapter 23: Dream Number Two.

41 2 0
                                    


--- Jamie ---

Pagod na pagod ako sa biyahe.

Pagod din ako sa buong maghapong gala namin nina mom and dad.

Pagod din ako kakaisip dun sa nangyari kagabi.

In short, pagurin talaga akong tao. Period.

Di naman siya disturbing kagaya nung mga pinapanood mong horror pero unsettling lang.

Nagkatotoo kaya talaga yung sinabi ni lola?

Ewan ba, pero normal lang naman sa akin yung mga ganung panaginip, you know, masyado akong feeling talaga so palagi akong nananaginip na ganun, na nagtatapat si Dylan, na crush niya ako, mga ganun, normal ko lang yun. (R/E: Sa wakas! umamin! hahaha. F-E-E-L-E-R. Yan, para ramdam mo! haha)

Pero kung yung bumabagabag sa akin eh yung kagabi talaga, ewan ba parang natakot ako bigla kaya naman napabulalas ako.

Ganito kasi yun, nakatayo ako sa may parang park ata yun, tapos madaming tao. Narinig kong may tumatawag sa pangalan ni Ms. Mia kaya naman napalingon-lingon din ako para hanapin siya. Eh kaso di ko nakita. kaya ayun nanahimik na lang ako sa gitna ng park, haha, para center of attention. Tapos, may naririnig akong yabag, tumatakbo. Wala naman akong pakels at that moment, you know, sinasamsam ko yung attention nung mga taong nakatingin sa akin, ewan, nagagandahan siguro? Baka nga! hahahah (A/N: Push mo yan.)

Di ko naman ineexpect pero nabigla ako nang may humawak sa balikat ko.

Napalingon naman ako kasi nga sobrang lamig nung kamay niya.

Pagtingin ko napaatras naman ako, Teka? Dylan?

Is it real? Is it real?

Tapos ayun, natakot ako, kaya naman pinilit ko nang magising, di na talaga ako natulog after nun, as in.

Medyo drained na din ako pagkatapos nun kaya nung nagtext si Marco na may pupuntahan daw kami ngayong araw, nagbiro na lang ako at sinabing di ako sasama, kaya ayun nga, nagfishing kaming pamilya, ok na rin na reason yun, gusto ko munang wag alalahanin yun.

rrrrrrrrr.

"Pssst. May dinner tayo bukas =D - MSJ"

Ayun na, pinostpone siya ngayong araw at bukas na lang.

Papresyo ba ako? Wala, maganda eh! hahaha. (R/E Conceited much?)

Yung nga, magiging ok naman siguro ako bukas, medyo nahimasmasan na rin ako. Baka talagang paranoid lang ako at naniwala ako dun sa pinagsasabi ni lola. Parang seryoso kasi, pero as I said, OK na ako. Magpapahinga na lang muna ako.

----------

"Ako si Jamie."

Narinig kong sabi nung babae.

"Ako si Jamie!"

Sabat nung isa.

Ewan ba kung anong pangalan ng restaurant na ito, at kung bakit nung tinawag yung pangalang Jamie andaming tumakbo, as in, literally, tumakbo talaga papunta dun sa may receptionist.

"Sandali lang po, sandali lang, Jamie Patricia po?", hingal na sabi nung receptionist, halatang hirap na hirap na sa ginagawang pagdumog sa kanya nung mga babae.

"Ako yan!"

"No, it's me!"

"Ako! Ako!"

"Ako po!"

"Sir, it's me!"

Maingay na dito at may mga pumasok na security. Inaawat yung mga nagkakagulo.

Tsssss, ano ba kasi yun?

Teka, nga. 'Jamie Patricia'? Eh ako yun ah! (A/N: Tama nga si Lola, espesyal ang angkin niyang kabingian! hahaha.)(R/E: Apir! hahaha)

Pumunta ako sa may receptionist na ngayon ay medyo humupa na ang aksyon.

"Sir, I'm Jamie Patricia."

"This way, ma'am."

Sumunod naman ako.

Teka nga, this is odd.

Kanina lang eh halos hampasin niya na mukha nung ibang babae para wag lang manggulo, tapos nung ako na pinapasok lang ako?

Hmmmm, nakuha siguro sa ganda! ahahaha. (R/E: Marion, pigilan mo ako, hahambalusin ko to!)

Teka nga, kanina ko pa napapansin yang pagsabat niyong dalawa ah!

(A/N: Eheeem, pasensya po at nakakasagabal kami sa story.)

(R/E: Eh ang feeler eh!)

Eheeem, story ko 'to, wag ka munang makisawsaw, wait for your turn.

(R/E: Marion inaaway ako!)

(A/N: Neknek mo! ahhahaha.)

(R/E: Marion naman! dapat tinutulungan mo ako!)

(A/N: Dun ka nga sa sulok! hahahaha)

Sandali nga, dalawa na kayong epal ah! Pag-untugin ko kayo niyan eh! Manahimik! nagkukwento ako!

"Ah, miss, are you talking to me?"

"Ah, sir, sorry po. hehe. wala po ito. hehe"

Leshe, narinig pa ata ako ni kuya receptionist.

Kayong dalawa! Grrrrr.

"Ma'am, here's your table. The guest has been here for an hour."

Ba? Ang patient naman ni Marco para mahintay ako ng ganun katagal.

"Sir, Ms. Jamie is here."

Umupo naman ako sa kabilang side ng table, "pasensya ka na ha, medyo action scene sa labas. Gutom ka na?"

Nung tinitigan ko siya, parang nawala ako sa sarili ko. Sh*t

"So, Jamie pala pangalan mo?", sambit niya ng nakangiti.

----------

--- Miaka ---

Nag-ayos na ako ng sarili ko. Hinahanap ako ni Manager Shei.

I'll meet her, with Dylan, andami pang sinabi but I didn't really remember any of it.

My hearing just stopped the moment I heard Dylan's name.

I will see him, today.

------------------------------

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon