--- Dylan ---
Kaya hindi ko talaga masikmura ang tatay ko.................dahil hindi ko naman talaga siya tatay.
Pinag-isipan ko munang mabuti kung sasaihin ko nga ba talaga 'to kay Marco, o kahit na kanino. May mga bagay kasi na kailangan kong ilihim, mga bagay na itinago ko dahil sa wala akong pwedeng mapagsabihan at mapagkwentuhan. Kahit nga kay Marco noon na bestfriend ko na, di ko masabi.
Pero ngayon, sa paniniwala niyang magkapatid kami, nagkaroon ako ng rason para sabihin sa kanya. Kahit na ang totoo niyan, hindi kami magkapatid.
Nagsimula ito isang araw nung umuwi ako galing sa school. Alam kong hindi ako dapat pumapasok sa study room ng daddy ko pero bata pa ako nun at talagang gustong-gusto ko ang buga ng aircon sa kwartong yun kaya naman pagkauwi ko galing school ay dumidiretso ako dun para magpalamig at lumalabas na lang bago pa dumating si daddy. May mga araw na nahuhuli niya ako at napapalo ako pero ok lang, bumabalik pa rin ako kasi kahit saan niya pa itago ang susi ng kwartong yun ay nahahanap ko pa rin. Wala pa akong masyadong muwang sa mundo nun pero alam ko ang ibig sabihin ng salitang 'confidential' at 'adoption' pero kahit nga alam ko na confidential ay binasa ko pa din ang laman ng envelope na yun sa desk ng daddy ko. Dun ko pa lang nalaman na inampon lg pala ako ng mga magulang ko. Ginusto kong magwala nang mabasa ko 'yun pero di ko nagawa dahil sa pagkabigla. Nang matauhan ako ay binalik ko ng maayos ang envelope sa mesa, inilock ang pinto at pumunta sa kwarto ko at dun na umiyak ng umiyak.
Itinago ko sa mga magulang ko na alam ko na na ampon lang nila ako. Naging masaya kami at sino ba naman ang gustong masira ang masaya naming pagsasama? Kaya naman kahit na naging conscious na ako sa sarili ko at na awkward minsan dahil sa hiya, hindi ko hinayaang mapansin yun ng mommy at daddy ko. Ayokong magbago ang trato nila sa akin dahil kung iisipin ay isa akong stranger sa buhay nila, hindi nila ako kadugo at dapat ay wala silang pakialam sa akin, pero binuhay nila ako kaya naman ang pagpapanggap ko na sobrang saya ko at sobrang saya naming pamilya ay maliit na bagay lang kumpara sa utang na loob kong iyon sa kanila.
Tinago ko lahat ng insecurities ko. Lahat ng problema ko. Lahat itinago ko ng dalawang taon. Lahat ng bagay na gusto kong itanong ay nabigyang linaw ng mommy ko bago niya kami iniwan. For all those times na nasa ospital kaming dalawa ay walang araw na hindi siya nagsosorry sa akin. Humihingi siya ng tawad na itinago niyang ampon niya lang ako. She told me everything. Ikinuwento sa akin ni mommy kung bakit niya ako kinuha.
Nagkaanak naman pala talaga sila. Nagkaanak sila ni daddy ng isang lalaki pero di raw nito nakayanan ang mga unang sandali niya sa labas ng katawan ni mommy kaya sinabi ng doctor na namatay na ito. Ako naman, inampon nila ako nung 2 years old pa lang ako mula sa isang charity ng pamilya ni mommy. Sa isip ko parang naging panakip butas lang ako dun sa namatay nilang anak pero di ko nagawang sumbatan ang mommy ko. Di ko magawang magalit sa kanila dahil kung tutuusin ay parang basura lang akong pinulot nila at binihisan. Naramdaman kong mahal na mahal ako ng mommy at daddy ko kaya naman hindi ko na tinanong ni minsan ang tungkol sa pag-ampon nila sa akin at hinintay na lang ang oras na sila na mismo ang magsabi sa akin. Yun nga lang, it came in a really bad time. My mom was trying to redeem herself by saying she's sorry for keeping that secret. At ako naman, I would never forgive myself for not being completely honest, that I already know and I was keeping it a secret, too. It may seem confusing but this is what was eating up my conscience for the past 9 years, I'm really sad that I never got the chance to return the favor; And I never even got the chance to thank my mom because when she left, all I did was cry in front of her without a single word coming out of me. I was too miserable to even speak.

BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Fiksi RemajaBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...