#Chapter 42: A Ticket for a Day.

16 0 0
                                    


--- Jamie ---

"Ipasyal mo naman ako - MSJ"

Medyo di pa ako maganda dahil kakagising ko lang kaya I disregarded the text message at natulog ulit.

5 minutes later I woke up and reviewed it, ah kay Marco.

Si Marco pala! Kinapa ko muna kung may muta ako bago ako tumingin sa salamin. Yes, confirmed, maganda ako pag ganitong oras ako gumising. Ay! Leche naman oh! Ang sarap ng bed scene ko naistorbo pa ako! Pero ok lang, si Marco naman, hahaha. Bumangon agad ako para makapagprepare na ng wardrobe ko.


"Saan ba? BTW, Good morning. - JPA"

JPA na ang ginagamit, medyo nahiya din naman kasi ako sa balat ko, hahaha. In exactly 2 minutes, nag ring phone ko.


"Hello?", bungad ko.

"Mall."

"How exciting."

"Sarcasm? Geh, wag na lang."

"Ay joke, eto na nga oh, ready na ako."

"Ok."

"Oi! For a guy ang arte mo."

"Oh, di ikaw pumili dyan."

"Wag na sa mall, baka kuyugin ka pa."

"Ba, suddenly concerned ka sa akin Jamie?"

"Ano ka? Feeling? Concerned ako sa sarili ko. Ako kaya ang magdudusa sa side effects ng pagkuyog sa'yo. Magpe-premiere na pelikula mo bukas tapos parang wala lang sa'yo, maging busy ka kaya."

"Alam mo ba Jamie ikaw lang nag-eencourage sa akin na maging busy, totoo."

"Aw, eh sorry."

"But seriously, gusto kong mag-arcade sa mall."

"Fine, sige, sige, magibihis lang ako."

"Oh, baka mag gown ka ulit ha, walang kainan dun."

"He! I was so nervous kaya nag formal attire ako nun!"

"Well ngayon, mag casual ka, yung pang-gala, hindi yung pangsimba ok?"

"Ok, go, sige sige. See you, hanggang lunch na, libre mo ha."

"Ha?"

"Lunch Marco. Tsaka isabay mo na rin yang cotton buds."

"Gusto mong maglunch ng cotton buds? hahaha."

"Leche, magbihis ka na nga, see you sa mall, wag mo akong susunduin."

"Ok po."


Pumunta na ako sa aking walk-in closet. ahaha, barbie lang? Pero, oo, walk-in siya kasi pwedeng kang mag walk-inside. Yun lang naman. haha. Namili na ako ng isusuot at naligo na.

I pulled my drawer out at parang may nahulog kaya naman yumuko ako para pulutin yun. Ah, nalala ko na, ngayon pala 'to? Sayang naman.


----------


"Ano ba yan! Parang ang lapit-lapit na hindi mo pa maishoot?"

"Leche naman Marco, di ako pinanganak na basketball player."

"Hala! Parang magsho-shoot lang ah!"

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon