—- Dylan —-
"Dylan, ano ba!"
Hindi ko inaasahang reaksyon yun mula kay Miaka.
"Dylan, how many times do I have to tell you, hindi nga pwede....hindi nga...."
"Mia,.."
"Dylan, pinahihirapan mo ako."
"Mia, di ko..."
Inangat niya yung ulo niya.
Ewan ba, parang mas masakit pa siguro yung nararamdaman ko, kahit na siya yung umiiyak.
Kasalanan ko to.
"Sorry, Mia."
"Dylan kasi! Masakit! Mahal kita Dylan pero hindi, hindi pwede. Hindi Tayo pwede!"
Tumakbo siya palayo.
Hindi ako natulala sa sinabi niya.
Hinabol ko siya.
Bago pa man siya nakababa ay hinawakan ko ang braso niya.
"Mia, anong hindi? Bakit hindi? Mahal kita Mia, mahal mo ko. Anong hindi pwede dun? Mia, natatakot kang saktan kita? Mia, hindi ko gagawin yun, pangako, bigyan mo lang ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko. Please."
Nagsalita siya, pero this time nakayuko na lang ulit.
Malamig ang kamay niya.
"Dylan, may mga bagay kang gustong makuha at ipinaglalaban, alam natin yang pareho, pero ako Dylan, ako may priorities, mas alam mo yan, kaya hindi pwede. Hindi kita dapat mahalin, Pasensya na, at kahit kailan............di ko maibibigay ang pagkakataong hinihingi mo. Sorry."
Natigilan ako sa kinatatayuan ko.
Gusto ko siyang sundan at piliting ibigay sa akin ang pagkakataong yun.
Pero hindi ako nakagalaw.
Parang may kung anong nabasag sa loob ko at nawala na ang lahat ng will ko para sundan siya.
"....kahit kailan........di ko maibibigay...."
Tumatak yun sa utak ko, at sa puso ko.
Wala, wala talaga.
Kahit pala anong ginawa ko at gawin ko pa, kahit kailan, di niya maibibigay.
Sana man lang nalaman ko noon pa.
Tanga lang eh.
Tanga sa pag-ibig.
——————————
—- Miaka —-
Tumakbo ako.
Tinakbo ko lang talaga pabalik sa condo.
Ang dahilan ng katangahan yun?
Tumatakas ako.
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...