#Chapter 39: Do I Even Need To Say Anything?

18 1 0
                                    

--- Jamie ---

Nung una ay di ako makapaniwala na itong bagay na hawak-hawak ko ay magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ko. It's an object of old legends at hindi ko ineexpect ganito ang mangyayari sa akin. Kahit pa sira-sira na ang dreamcatcher na ito ay wala akong balak na itapon 'to. Kailangang maisubsob ko 'to sa mukha ng matandang nagbigay sa akin nito rason para magkanda leche-leche ang utak ko.

Actually, ibabalik ko ito ng magalang. Haha, naku naman, kung totoong mangkukulam o kung ano man ang matandang 'yun ay dapat mabait ako sa kanya, baka kulamin o barangin pa ako at tuluyan na akong matigok, wag naman sana; And besides, I need answers sa mga tanong na bumabagabag sa akin.

Maaga pa akong nagising kinabukasan para bumalik sa festival grounds. Tulad ng sabi ko, kailangan kong ibalik 'to sa nagbigay sa akin at makausap siya kahit sandali man lang. Pagdating ko dun ay nakaramdam agad ako ng pagkataranta, as expected, wala nang natirang tent o booth sa plaza dahil matagal nang tapos ang festival. Dali-dali akong tumungo dun sa may pinagtayuan ng MB Voodoo Charms and Potions, kung saan ko nakuha yung dreamcatcher. Panay din naman ang sorry ko sa bawat tao na nababangga ko. Halos nahingal na ako sa pagmamadali only to disappoint myself. Wala na ang tent na dati ay nakatayo dun. Instead, may malaking puno ng kalachuchi dun, yung napagsabitan ng dreamcatcher nung una akong napunta dun. Nanlumo na lang ako at tumalikod na para umalis.

"This was useless.", sabi ko sa sarili ko habang nanghihinayang. As expected sa mga pinoy at wattpad stories, di ko na siya naabutan. Pero binagalan ko ang paglalakad, diba pag pinoy movie, dumadating ang hinihintay mo at the exact same moment na aalis ka? Wala eh, pinoy time talaga.

Habang naglalakad ay may sumagi lang sa isip ko.........tatlong bagay.......at yung pangatlo.......kahandaan, kahandaan sa magiging kapalit. Di ko masyadong inisip yun bago ang sandaling 'to pero ngayon, everything made sense somehow, dreams into memories.......dahil sa nagnakaw ako ng panaginip niya, binago ko rin ang dapat ay mga alaala niya mula dito. Memories for dreams. Ang alaala ko ang naging kapalit sa pagpunta ko sa mga panaginip niya.

Natigil ako sandali dahil alam kong nagmumuka na akong engot dahil sa paglalakad ko ng slow motion for five minutes. Humarap ako ulit dun sa malaking puno, lumapit ako dun, isinabit ko ang Dreamcatcher, tumalikod at kinalimutan na ang naging dalang kalechehan nun sa buhay ko.


--------------------


Nagsinungaling na naman si Joey.

Nung sinabi niyang makakalabas siya mayamaya ay naextend pa ng ilang araw, feeling ko ay siya na ang may pinakamahabang LBM in history. Kaya nandito ngayon ako sa ospital para kumustahin siya.


"5 days and counting bestfriend.", bati ko sa kanya.

"Pasensya at nag-alala ka pa. Pero, OK lang ako.", sagot niya.

"OK ka ba sa lagay na yan? Eh parang lalabas na yang mata mo ah, alam mo, it will never hurt kung magiging honest ka sa akin. Para saan pa at magbestfriend tayo kung di ka nagsasabi ng totoo sa 'kin?"

"Pasensya ka na Jamie, para kasing andami na ng pabigat ko sa'yo."

"Talagang 'yan yung rason mo? I'll tell you this once, you were never a charity case. OK? Tinutulungan kita kasi magkaibigan tayo, and that's what friends are supposed to do. Kaya better accept na talagang magiging malaking epal ako sa buhay mo Joey. Always akong makikialam kasi I care about you."

"Salamat best."

"Basta ba walang limutan eh. I'll always be here best."

"Promise best, sobrang naappreciate kita, walang limutan.", sabi niya na almost naluluha.

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon