--- Dylan ---
I have never been so awkward and self-conscious in my whole life.
Me? I'm Dylan James Pardilla. I'm a HOT issue. I'm the guy that every girl wants and every guy wants to be.
I am the kind of guy that exudes so much confidence that it even hurts my own eyes.
Pero ngayong araw?
I never felt so uneasy.
Pakiramdam ko ang lampa ko. Pakiramdam ko ang pangit ko ngayon. Pakiramdam ko ang lakas ng topak ko ngayong araw.
Una....
Niyaya niya akong mag movie. Dumiretso na ako dun sa may mall malapit sa Star Galaxy. I didn't wait that long kasi dumating din naman kaagad si Jamie kaya di ko na nagawa pang tingnan kung ano yung mga palabas. Pumunta kami dun sa counter at sinabi ko sa cashier na bibili ako ng dalawang tickets sa pinakasikat at pinipilahang palabas sa sine nila ngayon. Not reading anything, pumasok kami ng Cinema. My eyes were so wide open for a whole two hours digging my fingernails in the seats while "50 Shades of Grey." is being played. There was never a moment that I even moved my head, or my whole body. Sobrang hiyang-hiya ako.
Pangalawa...
Pumunta kami ng National Bookstore dahil naghahanap siya ng mga printed na libro ng author na si "@AnthonyMarion" ng wattpad. Meron naman at kumuha na din siya ng iba pang libro dun na Made Popular by Wattpad. Binitbit ko lahat yun papuntang counter at pumila na para magbayad. Nung ako na yung magbabayad eh dun ko lang nalaman na wala na pala akong wallet. Di ko alam kung saan ko na naiwan. Parang ulol akong nagsenyas-senyas sa kanya na noon ay nasa labas na ng NBS para bumalik siya sa loob at magbayad. Andame pa namang nakasunod sa akin na kanina pa ako minumura. Buti na lang nakashades pa ako. Laking kahihiyan.
Panghuli...
Kakain naman daw kami. Saan pa ba kami pumunta....edi sa Jollibee.
Malay ko ba namang makakalimutin pala ang naglilinis dun at nakalimutan niyang maglagay ng "Caution. Wet Floor." sa sahig na kaka-mop niya lang! Nagvolunteer pa naman akong mag-order para sa aming dalawa.
Ayun, naligo ako ng sundae at coke. Kaya nandito ako ngayon sa CR ng Jollibee, mga 10 minutes na. Parang ayaw ko nang lumabas. Hindi naman siguro ako nakilala dun kanina sa labas kasi hindi natanggal ang shades ko pero pinagtawanan pa din ako. Tssss. nakakahiya. Ang laki-laki ko na nadadapa pa ako.
"Dylan, nandyan ka pa ba sa loob?", si Jamie yun.
"Ah, Oo. Nandito pa ako. Akala ko umuwi ka na. I apologize for such a lousy day."
"Yeah, umalis ako. Buksan mo nga yung pinto."
"Oppp! Ano ka?! Kahit napahiya na ako, I still have self-respect. Anong gagawin mo dito sa akin sa loob ng CR?"
"Ulol! Umalis ako para bilhan ka ng damit. Buksan mo, eto oh."
I opened the door because she sounded mad. I took the plastic bag and then closed the door. I found a red and white shirt and a hoodie, too. There was even a towel inside. Now I feel even worse. Sobrang nakakahiya na.
"I'll be out.", sabi ko.
--------------------
"For a guy, ambagal mong kumilos.", sabi niya pagkalabas ko.
"I was thinking hard kung lalabas pa ba ako."

BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...