#Chapter 22: Dream Number One.

25 3 0
                                    

(A/N: Malamiiiiiiiiiiig! Haha, medyo takot ako habang ginagawa ko yung chapter na yun, kasi naman po, sa rooftop ng boarding house ako nag type, 'di ba sosyal? hahaha. May rooftop kami. Kaya lang gabi at patay lahat ng ilaw, malamig talaga as in, malakas kasi yung hangin. Kumakaluskos-kaluskos pa yung mga dahon ng halaman dito, honestly, natakot ako. Pero, wala namang nangyari. Salamat Poooooooooo! Yun lang, Bow.)


(R/E: Ganyan talaga yan, kay laking tao, matatakutin naman, langhiya! haha. Ako na muna mag re-recap. Yun, nagawa na ni Jamie yung first ritual, and eheem, if hindi po siya obvious, ireview niyo yung chapter 21, andun yung 'dream' eklavu, siguro naman na-notice niyo yun! haha, tamad akong mag-explain, but anyway, eto, mag-uupdate na si Mr. Author)


——————————


—- Marco —-


"Bro? Ayos ka lang?"


Yun siya, nakatitig lang sa platong nasa harap niya.

May laman naman siyempre, nagluto kaya ako para aming dalawa ng ugok na yun.


"Oi! Dylan!"


Bigla naman siyang umayos at tumingin sa'kin, nagulat.

"Ano yun?"


"Kanina pa kita kinakausap. Tulala ka lang eh."


"Ganun ba?", tipid niyang sabi, tsaka bumalik sa pagtitig dun sa pagkaing nasa hapag.


"Dylan naman, tssss. Naapektuhan ka pa din nun? Move on Bro! Kahapon pa yun! Ay mali, naka 12 hours na kaya! haha", biro ko sa kanya.

It's already 10 am.

Buti na lang at hindi tinatablan ang taong to ng hangover. Ewan anong ininom ng ulol nung birthday niya at bumagsak bago pa nakarating sa kuwarto ko. Kung beer lang eh, matibay talaga sikmura nito.


"Hoy! Pardilla! Siguro kahit pukpukin kita ng bato ngayon hindi mo pa rin mapapansin!"


Wala talaga, no response from server. Check your internet connection ang lagay ni Dylan ngayon.

Tumayo na ako at lumapit sa kanya.


"Aray ko naman! Alam mo namang masakit ka mambatok ah! Bakit ba!?"

"Tulala ka na naman! Alisin mo na kaya si Miaka diyan sa isip mo nang bumalik ka na sa normal."


Wala pa din eh! Tiningnan lang ako ng masama.

Yumuko muna siya bago nagsalita, "Bro, di si Miaka 'to."


——————————


—- Dylan —-


I'm serious.

It's not Miaka this time.


It's this girl.


Ewan sino, pero sigurado akong girl siya, natural.

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon