--- Jamie ---
Dali-dali kaming pumasok dun sa ospital. Leche ka Marco, ano bang problema?
"Marco!", sigaw ko.
"Jamie! Sandali, magtanong muna tayo sa front desk. 'Wag kang sumigaw diyan sa lobby ng ospital."
"Ay sorry."
Sobrang nagmamadali ako at kinakabahan kaya naman di ko naisip kung gaano kalaki itong 'The Medical Province'. Nagtinginan yung mga tao kaya naman tumabi ako kay Dylan sa may tapat ng desk.
"Nurse nasaan si Marco?", sabi ko.
"Name po.", sagot niya.
"Huh? Si Marco! Nag-iisa lang naman Marco dito ah! Nasaan siya?"
"Jamie hey! Calm down.", sabi ni Dylan, "Marco Angelo San Juan, miss.", tugon niya sa nurse at tumingin ulit sa akin, "Would you calm down? Baka mamaya dalawa na kayong maconfine dito, siya dun sa kwarto niya tsaka ikaw dun sa mental care. Stop moving around too much."
"Sorry Dylan."
"It's fine. Wait for a bit."
"Sir, sorry po. May instructions po na guardians niya lang po ang pwedeng bumisita."
"Bestfriend niya po ako. Di niyo po ba ako kilala?"
"Name sir...."
"Leche naman oh, Marco Angelo San Juan nga!", sabi ko, paulit-ulit itong nurse.
"Jamie, sandali. Please just shut up for a moment! She's asking for my name. Ano ba?", halos napasigaw na si Dylan.
Galit.....Galit si Dylan?
"Would you please stop talking for a while? I'm worried as well and with you yelling at everything that cuts your patience short, I don't think I can hold it in anymore. Nag-aalala ako sa bestfriend ko at pinipigilan ko lang umiyak so don't act like mamatay siya dahil baka di ko kayanin at umiyak ako sa harap mo. Please be considerate. Please."
Nakita kong medyo maluha-luha na si Dylan. Ang tanga lang. Ang OA ko pala. Yumuko na lang ako at nanahimik na.
"Kayo po ba yung Jamie Patricia dito?", tanong ng nurse.
"Ah, Opo. Jamie Patricia Allegre."
"I.D. po. Nakasulat po ang pangalan niyo sa allowed guardians ng pasyente."
"Po? Eto po. May iba pa 'ho bang nakasulat?", sabi ko tapos tumingin kay Dylan.
"Meron po bang Dylan James?", sabi niya.
"Yes, sir. May dalawa pang nakasulat. I.D.?"
"Eto po.", at naglakad na kami ni Dylan patungo sa room AB55 sa fifth floor.
"OK lang ba siya, Dylan?", tanong ko.
"I don't know."
"Hindi man lang ba kayo ngkausap?"
"No. Nothing like this ever crossed my mind."
"Ibig sabihin, may sinabi nga siya."
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...