-- Dylan --
Tumakbo ako papunta sa kanya. Naman eh! Di man lang ba ako nakita? Sa pogi kong 'to!? Haha.
Tssss. At may kasama pa. Akala ko ba si Marco lang karibal ko dito??? Wag niyong sabihin na pumatol siya sa mokong na 'to!? Tsss.
Ba tumingin, sige maglalakad na lang ako para medyo cool.
"Hi.", sabi ko.
Tinitigan niya lang ako at tumalikod para umalis. Oh? Teka nga. Anong meron at parang wala lang sa kanya na kinausap ko siya. Ako 'to. Si Dylan. Si Dylan na poging artista. Diba nga't patay na patay sa akin 'to ayon kay Marco?
Di ko na siya hinayaang makalayo pa, hinawakan ko siya sa braso, "Saan ka pupunta Jamie?"
"Huh? Sino ka?"
"AH? Ako 'to Jamie....."
"Si-Sino ka? Bitiwan mo ako! Ano ba!"
"Eto naman, nagpapahard to get ka pa eh."
"Eh? Sino ka ba? Ha?! Bitiwan mo ako, please.Nagmamadali ako. Ano ba?"
"Tssss. Jamie naman, ako to. Si Dylan, Dylan James Pardilla. Yung crush mo."
"Crush? Anong crush? Bakit kita crush? Hindi ata ako informed na crush kita. Tsss. Please, let go of me."
"Sandali lang...", sabi ko sabay subok na hilahin siya papalapit a sa akin.
"A--aray! Masakit! Ano ba!"
Narinig kong nagsitilian yung mga babaeng kanina'y natameme. "Naririnig mo sila? Kinikilig yang mga 'yan dahil sa akin. Ang swerte mo at sa'yo ako tinamaan.", sabi ko kay Jamie with my my matching killer smile.
"Utot mo! Bitiwan mo ako!"
Nagpumiglas siya pero hinigpitan ko ang hawak ko. Anong problema nito? diba nga't eto yung obssessed na fan girl ko? Eto yata yung pinangarap niyang gawin ko sa kanya. Anong arte naman ang pakana ng babaeng ito at nagpapakipot pa. Ba't di na lang kasi makisabay.
"Haha, ang likot mo Jamie. Tara! Magde-date tayo ngayong araw."
"Date? NO! I have matters to attend to! Aray! Ano ba! Bitiwan mo ako!!!"
Nasisiko niya na ako. Masakit pero I don't care. OK din itong napapayakap ako sa kanya.
"Pre, likas ka bang bingi o talagang matigas na yang apog na nakapatong sa mukha mo?", narinig kong sabi nung lalaki sabay tapik sa balikat ko. "Bitiwan mo na yan. Nasasaktan na eh.", dagdag niya.
Di ko binitiwan si Jamie, sa halip, mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya habang hinaharap ko ang lalaking tumapik sa balikat ko. Tsss. Eto ang walangyang umistorbo sa'kin? Yung kasama niyang mokong. "Oh anong gagawin mo pag di ko siya binitiwan. Kilala mo ba ako? Ha? Kung ako sa'yo, tatalikod na lang ako at aalis kung ayaw mong mapahiya. Lakas ng loob mo ah!"
BINABASA MO ANG
Catching Mr. Dreamboy
Teen FictionBeing a fangirl is hard, but that didn't stop Jamie even if it means trying all sorts of charms and potions including a Dreamcatcher from a festival mind reader. Dylan James Pardilla came to no escape when his dreams were hijacked by Jamie and then...