#Chapter 45: Brothers.

6 0 0
                                    

--- Dylan ---


Nagising ako sa pagkuyog ni Marco.

"Bro, get up.", sabi niya.

"OK. OK. I'm up."


Andami pa ding reporters na sinusubukang makausap kami. Ang totoo niyan, kagabi bago ako pumunta sa dressing room nila, kinailangan ko pang makipagsiksikan sa mga reporters dun sa may entrance. Siyempre kinuyog din ako at halos magkapasa na ako sa mga reporters sa pagmudmod nila ng mga camera sa mukha ko. Andami nilang tanong. Mga tanong na ako mismo, hindi ko alam ang sagot.

I was taken aback by Jamie. Ang daddy ko daw ang dahilan ng lahat. I was shocked for the reason that it was Jamie telling me that, but the fact that my father was the reason for everything - the cancelled concert, the change of movie leads, me being left behind - didn't even surprise me. Alam ko simula pa lang kung gaano ka walang kwenta ang tatay ko. But this, Marco being his son, that one is just priceless, haha. I don't even know where Miaka got all that but in my heart I was happy, yung bagay na alam kong kulang kay Marco, nabuo niya na, kaya lang, dahil sa tatay ko din yun, wala din namang kwenta ang pagkadagdag niya sa buhay ni Marco.


"Bro, labas tayo.", sabi niya.

"Madaming reporters sa labas.", sagot ko.

"Parang gusto kong mag arcade at mag videoke, bro."

"Shut up, di ako sasama sa'yo."

"Bakit bro?"

"Those are things you do on your dates. Akala mo di ko alam? So don't do them with me.", sabi ko.

"Ano ka? Hey bro, those are the things I do for fun. Tara na para makapagbonding naman tayong magkapatid."


I looked at him the moment I heard that word.


KAPATID.


Hindi pa ako nakabangon niyan Nakaupo pa ako sa kama niya at siya naman naka sampa lang din dun pero bihis na bihis na talaga para gumala.

Tiningnan ko muna siyang ng matagal. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang sasabihin ko sa kanya. How do I deal with this? I always wanted siblings and how convenient was it for me na ang bestfriend ko ay kapatid ko pala? Pero dahil sa sitwasyon namin, ang sitwasyon namin nina Jamie, may kung ano sa loob ko na parang gusto kong manliit sa hiya pag si Marco ang kasama ko. Pakiramdam ko ay may nagawa akong mali. Ano ba ang sasabihin ko?


"Gutom ako, Marco.", yun. Yun ang sinabi ko.

"Alam ko gugutumin ka bro kaya naghanda ako ng aking specialty noodles!"

"Figures, ok, kakain muna ako.", well ok. Di na ako aarte. Ang pagkain ay pagkain.


Naupo ako sa mesa at nadatnan yung noodles na nasa isang bowl na lang. "Marco, di ka ba kakain?"

"Tapos na ako bro, sa'yo na lahat 'yan."


And there he was, looking at his face in the mirror, continuously changing his hairstyle for the whole time I was eating.

"Ok na yan Marco, makabasag salamin na 'yang kagwapuhan mo!", tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Gwapo naman talaga ako eh, magkapatid kaya tayo kaya pag sinabi mong pangit ako, parang ikaw na din 'yun.", sabi niya habang naglalakad papunta sa 'kin.

Catching Mr. DreamboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon